Chapter 2

22 4 0
                                    

"Isabelle!" Bati ng aking pinsan sa akin at agad nya akong niyakap.

"Mara" nakangiti kong tawag sa kanya.

"Tara sumama ka saakin may pupuntahan tayo! naipagpaalam na kita kay tiya Arcelia" masaya nyang sabi at hinila na nya ako kaya sumama na ako sa kanya.

"Oo nga pala Isabelle, Ikaw ha! hindi mo sinabi sa akin ang nalalapit na kasalan! "Sabi ni mara at pinalo ng mahina ang braso ko.

"Mara sa totoo lang ayokong matuloy ang kasal, hindi pako handa" sabi ko kay mara"


Kasing edad kolang din si mara. Makulit at masiyahin syang tao, kaya masarap syang kasama.


"Anong hindi handa isabelle?! Nabalitaan kong gwapo raw ang iyong mapapangasawa!" Kinikilig na sabi nya.


Napa irap nalang ako dahil sa sinabi ni mara.



Napatingin ako sa paligid.


"Mara saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay mara dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.

"Sa manghuhula tayo pupunta hihi gusto kong malaman kung kelan dadating ang lalaking para saakin dahil hindi nako makapag hintay! " kinikilig na sabi ni mara at hinila na nya ako papasok sa isang silid na medyo madilim.


Hinawi namin ni mara yung kurtina at pumasok na kami, bumungad sa amin ang isang lamesa na hugis bilog at may parang bolang puti na babasagin sa gitna nito, at nakaupo roon ang isang matandang babae na may ngiting nakakakilabot.




"Maupo kayo mga binibini" sabi nya.



Kaya naupo na kami sa harap nya. Hinulaan na nya si mara, sabi nito sa unang araw daw ng pebrero makikilala ni Mara ang lalaking para sa kanya.


Hindi naman ako naniniwala sa mga manghuhula eh. Dahil hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. Pero ewan koba kay mara.


"Maraming Salamat ho Aling Lisa" pagpapasalamat ni mara sa manghuhula.


Nagsimula na kaming maglakad ni mara palabas sa pinto.


"Isabelle" tawag ng manghuhula sakin.


Paano nya nalaman ang pangalan ko? Baka naman naikwento lang ni Mara.


Lumingon ako sa kanya. "A-ano po iyon?" Tanong ko .


"Maaari ba kitang makausap saglit?" Nakangiti nyang sambit.


"Sigi po" pag payag ko. At lumingon kay mara.


"Sigi na Isabelle, hihintayin kita sa labas" sabi ni mara at lumabas na.


"Ang nalalapit na kasal.. isabelle" sabi ni Aling Lisa.


"Paano nyo po nalaman ang tungkol sa bagay nayon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


Pero imbis na sumagot ay ngumiti lang sya sakin.


"Hindi mo gusto na matuloy iyon hindi ba?" Sabi nya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.


"P-aano nyo rin ho..."


"Hindi na mahalaga iyon. Kung Gusto mo talagang hindi maituloy ang kasal matutulungan kita don" pagputol nya sa sinabi ko.


paano nya ako matutulungan?


"Isuot mo ang kwintas na iyan Isabelle. Huwag na huwag mong huhubarin yan dahil yan ang makakatulong sa iyo." Sabi nya habang ini-aabot sa akin ang isang kwintas,  may palawit itong maliit na orasan.


Kahiy nagaalin langan ay tinanggap ko ito.


"Sigi ho Aling Lisa Maraming salamat ho" pagpapaalam ko sa kanya at tumalikod na.


" Isabelle hija" sabi ni Aling Lisa kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Ah.. Mag iingat ka. " dugtong pa nya.


"Opo, kayo rin po" ngumiti ako sa kanya at lumabas na.


***


Nakaupo ako sa aking kama habang pinagmamasdan ang suot kong kwintas na bigay ni Aling Lisa.


Totoo kayang matutulungan ako nito?



Pero paano?




Ina, patawad po ngunit ayaw ko pa pong maikasal masyado pa ho akong bata para sa ganoong bagay, Sana maintindihan nyo rin  po ako.




Nagulat ako ng biglang umilaw yung kwintas, Isang nakakasilaw na liwanag na para bang wala akong makita kundi nakakasilaw na liwanag  sa paligid. miya miya Lang ay naramdaman kong parang hinihigop ako ng liwanag at umiikot ang aking paningin, kaya napahawak ako sa aking higaan at tuluyan nakong nawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love From The PastWhere stories live. Discover now