┍━━━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━━━┑
MARRIAGE BOOTH:
REUNITING STAGE
TAGGING:
LUNAT1C-HENDRICK / LunaVerseRP┕━━━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━━━┙
Inayos ko ang aking sarili at nagsuot ng makapal na coat at beanie. Galing sa ibang lugar dito sa Lunatic Universe, bumalik na rin ako sa Luna City pagkatapos agad ng one time opportunity nila na pag-arte ko sa isang tanyag na Theatre Company noong isang araw. At masasabi kong hindi ako nagsisi sa nagawa kong desisyon na pagsama sa kanila. Masaya't kapupulutan ng aral ang ilang buwan kong pag-alis.
Ilang buwan na rin pala ang makalipas buhat ng pag-alis ko at paghihiwalay naming dalawa. At sa ilang buwan na 'yon, masasabi kong nasanay na ako na wala ang presensya niya sa tabi ko. Wala na 'yung magnet na kapag pinipilit naming maglayo, magsasama pa rin kami. Wala na nga ba talaga?
Napa-buntong hininga ako habang iniisip 'yun. Hawak-hawak ang isang librong kabibili ko lang noong isang araw, tumayo ako at naglakad-lakad sa madilim at malamig na kalsada ng Lunatic City. Kailangan ko ng umuwi para sa fansign event ng manunulat ng librong ito.
Natuwa at nalungkot ako sa librong 'to sapagkat naaalala ko ang sarili ko sa bidang babae. May pagmamahal siya sa bulaklak, masiyahin, may karunungan sa pag-arte, at nagmahal ng isang lalaking takot sa mga tao at may pagmamahal sa mga hindi makatotohanang karakter sa mga libro at tulad lang din sa realidad, ang bidang lalaki't babae ay wala ring masayang katapusan. Para nga itong nang-aasar, para bang ang manunulat nito'y may alam sa takbo ng buhay naming dalawa. Hindi naman sa paga-assume, pero tugmang tugma ang mga pangyayari sa libro at pangyayari sa aming dalawa ni Hendrick.
Si Hendrick kaya, kamusta na siya?
Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang hindi maisip ang malulungkot at galit na mga mata nito sa huli naming pagkikita. Galit pa rin kaya siya sa'kin? May iba na kayang binibigkas na pangalan ang puso nito?
Ako pa rin kaya?
Ibinuklat ko ang aklat sa huling pahina nito at ibinasa ang kahuli-hulihang mga katagang nakasulat dito. Namumuong mga luha, 'yan na naman ang bumasa sa pahinang ito nang pumasok ulit sa aking isipan ang mga kataga.
"If you come and find me, I'll stay. If you don't, then it's definitely a goodbye."
"I did, but I was too late."
Tandang tanda ko ang mga salita sa unang binanggit. 'Yon mismo ang sinabi ko sa kanya nang mga panahong hinintay ko siyang dumating sa airport, pero hindi siya dumating. Kung kami talaga ang tinutukoy ng librong 'to, ang sakit isipin.
Kami siguro ang pinaka-eksaktong kahulugan ng mga katagang 'Ipinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.'
Isinarado ko na muli ang aklat at nagdere-deretso na sa paglalakad nang biglang may posteng tumama sa aking ulo. "Aray!" Shet naman, Mara. Hanggang ngayon tatanga-tanga ka pa rin? Umiling-iling ako sa sarili ko habang hinihimas ang natamaang parte ng aking ulo nang makarinig ako ng boses.
"Tsk, tanga."
At doon ko lang napagtanto na hindi pala poste ang nauntog ko, kundi dibdib ng isang lalaki. Tanga tanga, Mara. Hindi na AU 'yan.
Dali-dali akong umatras at yumuko upang humingi ng pasensiya at agad-agad kumaripas ng takbo kung saan. Nakakahiya! Ganu'n ba siya ka-toned para mapagkamalan ko siyang poste? Pero ah! Nakakahiya talaga.