Hapon na ng matapos ang klase namin.
Wala akong kaibigan dito sa school ko kase weirdo daw ako at hindi kasing yaman nila. Ok, edi wag nila akong pansinin, nasanay na naman ako, tahimik ako at palaging kaharap ang libro dito sa school. Masasabi kong matalino naman ako dahil pasok ako sa top 10 ng batch namin. Hindi naman sa nag mamayabang ako, shinashare ko lang hehe.Kinuha ko ang bike ko na palagi kong gamit papunta sa kung saan saan, onti lang ang mga students dito na nag cocommute o nag babike katulad ko dahil halos lahat dito ay mga nakakotse. Pag kalabas ko ng gate ng school sumampa nako sa bike at pumedal na.
Malapit nako sa bahay ng naramdaman kong parang may sumusunod saakin. Huminto ako sa pag pedal at tumingin sa likod ko, Wala namang tao kaya dumiretso nalang ako papuntang bahay nang nagmamadali sa pag pedal.
PAG KABUKAS ko ng pinto ng bahay, palagi kong naaabutan ang mama ko na nanonood ng tv sa sala at si papa naman ay nasa trabaho na hindi ko alam kung ano. May kaya kami hindi mayaman hindi mahirap.
Binati ako ni mama pagkapasok ko ng bahay pero as parang kakaiba netong mga nakaraamg araw, nararamdaman kong medjo malamig ang pagtrato nila sakin ni papa, may napapansin din akong pagkabalisa at parang di sya mapakali.
"O nakauwi kana pala. Luto kanalang ng pagkain mo kung gutom kana, maagang umuwi tatay mo at nauna na kaming kumain." Sabi ni mama habang kung saan saan tumitingin
Binati at sumang ayon lang ako tas umakyat narin sa kwarto ko para makapag ayos ng sarili.
GABI na nang naisipan kong kumain at bumaba nang tinawagan ako ng aking lola sa cellphone ko na bigay nya. Bigay nya kasi hindi naman ako binibilan nila papa ng ganito, sayang lang daw sa pera. Sinagot ko rin naman agad ang tawag.
"Apo, kamusta ka jan? Mag isa kaba ngayon? Wala ba ang magulang mo sa tabi mo?" Bati at sunod sunod na tang agad ang natanggap ko sakanya
Hindi ko alam kung bakit ayaw nyang mag pakita sa magulang ko, sabi nyay alam nila ay patay na raw sya. Nagulat ako don pero nag paliwanag naman sya at totoo naman ang mga sinasabi niya dahil may mga litrato kami noong bata ako pero hindi ko matandaan.
Sa lahat ng litrato ay naka dress ako at may mga bulaklak sa aking buhok at napansin ko ring soot ko ang pendant na binigay saakin ni lola nung nagpakita sya nakakapagtaka nga at akin pala ito noon pamang bata ako. Pabilog ito meron tong mga disenyo sa gilid na mga halaman na kulay ginto at sa gitna ay isang red ruby.
All in all, napakaganda nito.

BINABASA MO ANG
Meridia Academy
FantasyIyara hizon is a simple school girl, with a happy family an almost perfect life. While in her normal life something bad happened to her and that encounter changed her life. She was sent by her grandmother to another world that she doesn't know that...