Feirce
- Chapter 11 -
-- THE TRUTH --
HAROLD’S POV
Narinig ko ang mga nangyari kay Mia, nagulat ako bumisita sakin si Dill habang nagbabantay ako sa tindahan naming, oo simple lang naman ang pamumuhay ko, hindi ako ang tipo ng tao nababagay sa pamumuhay ni Mia, at hindi niya maintindihan ang responsibilidad na kinahaharap ko sa pamilya ko at sa mga kapatid ko. Pero tila nabago ang pananaw ko ng makausap ko si Dill.
“ Pre, kamusta na?” Tanong sakin ni Dill, hindi siya nakangiti, hindi siya nakasimangot, napaka plain lang ng mukha niya.
“ Ok lang pre, ano balita?” Kaagad na sagot ko sa kaniya, dahil hindi naman Gawain ni Dill na pumunta sakin, mukhang may balak atang sabihin.
“ Ok lang pre, pero si Mia hindi.” Napakunot ang noo ko sa narinig ko kay Dill, wala na kami ni Mia, nakipaghiwalay na siya sakin 1 linggo na ang nakakaraan, mahal ko siya pero paano kung magkabalikan kami, ano na naman ang mangyayari, magaaway na naman kami , mauuwi na naman sa hiwalayan, magkakasakitan na naman kami, mas mabuti pa ang ganito.
“ Anong nangyari kay Mia?” Tanung ko ulit kay Dill.
“ Pre she’s very down, kung ano ano na nangyayari sa kaniya, sumama pa siya sa *%$& na classmate namin, she’s very lucky that I’m there, kundi baka napano na siya!” nararamdaman ko ang galit ni Dill sa pagsasalita niya, Sa totoo lang hindi ko alam sasabihin ko, napakawalang kwenta ko talaga, napaupo ako sa sofa namin, at hinwakan ko ang ulo ko sapo sapo ko ito.
“ Mahal mo pa ba siya?” Nagsalita na muli si Dill,
“ Pre mahal na mahal ko si Mia, pero pre nasasaktan lang siya sakin, dahil sa situasyon ko.”
“ Pre kung mahal mo siya, gagawa ka ng paraan para maging maayos to,..
“ Para ano pa, para masaktan ko ulit siya?” Napabuntonhininga si Dill.
“ Tingin mo hindi nasasaktan si Mia sa ginagawa mo?” Napaisip ako bigla sa sinabi niya.Natigilan ako, oo mas nasasaktan ko siya.
“ She’d rather be hurt while on your arms rather hurt without you, ganyan si Mia, alam ko hinihintay ka niya, hinihintay niya malaman kung may halaga ba talaga siya sayo, pero hindi ka napunta sa kaniya , hindi ka nagawa ng paraan, more likely naiisip niya, wala siya halaga sayo kaya siya nagkakaganyan.” Mahabang paliwanag ni Dill sakin, oo tama siya, pinapabayaan ko na nga si Mia,
“ Tama ka pre,masyado ko siyang pinabayaan.” Lalo ako napayuko, dahil hindi ko alam paanong lapit ang gagawin ko sa kaniya, ilan beses na kami nag away ng ganito, halos siya lagi ang nalapit sa away namin, iilan beses lang na ako ang lumapit para magsorry.
“ Naghihintay siya pre...”
____________________________________
BINABASA MO ANG
Mean Girl Fierce [ Book 2 Completed]
Teen FictionMay new student sa DLSU may kinalaman kaya ang group of friends nila Mia at Nica?... Berna has a secret on her past, nakakapagtaka bakit sa pagdating ng new student na ito na reveal lahat ito.