JSS #1

15 0 0
                                    

I thought my life was perfect.

May business yung family ko. Nakapag-aral sa magandang university. May mga kaibigan at lahat ng gusto ko, nakukuha ko.

Hanggang sa nag-umpisang magkagulo ang buhay namin. Si mom and dad parati nang nag-aaway, nagsisigawan dahil sa problema sa trabaho. Nag-iisang anak lang ako kaya feeling ko napapabayaan na ako ng mga magulang ko.

Doon na din nag-umpisa yung paglabas ko gabi-gabi at pumunta ng bar kasama mga kaibigan ko. Papalit-palit ng babae. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko pati yung ibang priority ko. Sa sobrang pagre-rebelde ko sa magulang ko, gabi ng papunta akong bar nang mawalan ng kontrol at bumangga sa poste ang kotseng minamaneho ko.

Paggising ko, nasa kwarto ako na puro puti ang kulay. Nasa hospital ako. 

Nakita ko ang babaeng papasok ng kwarto ko na naka-purong puti na damit. Nakita niya na gising na ako. Agad siyang lumapit sakin at tinanong ng kung anu-ano.

Nagpakilala siyang si nurse Cath.

Nung una, naiinis ako sa kanya kasi ang daldal niya. Panay talak niya tungkol sa sarili niya kahit pinapakita ko na wala akong pakialam. Bago pa lang daw siya sa hospital na yon kaya masaya siya kasi nakakatulong siya sa ibang tao. Maganda siya, palaging nakangiti. Hanggang sa nasanay na ako sa presensya niya. Parati ko siyang binabantayan na pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine. Nakakangiti na ako ng dahil sa kanya.

“Ako nga pala si Mark.” Pagpapakilala ko.

Na-ikwento ko na rin sa kanya na isa akong engineering student. Graduating na sana pero nagbulakbol. Pero chineer-up niya ako. Na kaya ko pang magbago, hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili ko. Bago ako ma-discharge, sinabi ko sa kanya na babalikan ko sya dito at magde-date kami pero papayag daw siya pag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin.
Sobrang laki ng pinagbago ko ng dahil sa kanya. At habang nasa proseso ako, parati ko syang iniisip at doon ko nalaman na malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Araw-araw kaming lumalabas hanggang sa sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya. Sa limang buwang panliligaw ko, sa araw mismo ng graduation ko narinig ang matamis niyang oo.

Kumakain kami sa labas, binibigyan ko sya ng favorite niyang bulaklak na rosas, nagdi-date kami kung saan-saan. Sa tatlong taon naming pagsasama, walang araw na hindi ko pinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. Isa na akong engineer at siya naman ay doon pa rin nagtatrabaho sa hospital kung saan kami nagkakilala.

Hanggang sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at ramdam ko na siya na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay, I asked her to marry me and she said yes. Medyo natawa pa ako sa kanya kasi sobrang umiyak siya at ang cute-cute niya.

7 taon na ang nakakalipas pero alalang-alala ko pa lahat-lahat.

Paano kaya kung iniligtas mo ang sarili mo noong nasunog ang hospital na pinagtatrabahuhan mo? Paano kung hindi mo iniligtas yung mga tao lalong-lalo na yung mga pasyente na makalabas ng buhay? Siguro, kasal na tayo ngayon, may little Cath at little Mark na sana tayo.

Salamat dahil pinaramdam mo sakin ang totoong pagmamahal. Hinding-hindi kita makakalimutan.

Hanggang sa muli.


“Love, let’s go?” tawag sa akin ng asawa kong si Riyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JSSWhere stories live. Discover now