Pag-ibig

58 1 0
                                    

Pag-ibig?

Heto yung nafi-feel ng halos lahat. Especially mga teenagers, tulad ko. Pero ang tanong, love na nga kaya yung nararamdaman natin? Baka naman kasi kalandian lang, tamang imagine lang tayo na love na yun.

Ayun nga, heto yung feeling na ang saya. Nakaka good vibes!  :) Halos araw-araw todo ayos ka, maging maganda o gwapo lang sa paningin niya. Yung halos maubos na ang damit mo, wag mo lang ulitin lalo na kapag kasama mo siya. Basta sobrang aliwalas lagi ng mukha mo…kasi nga inlove ka. :)

Haayy, ang sarap kaya mainlove, as in SOBRA.

Ba’t nga ba ang lakas ng epekto satin ng love? Ng taong mahal mo? Eh, to think na di mo naman siya kaano-ano? Mas may care ka pa sakanya kaysa sa paguwi ng late ng kapatid mo eh. XD

Hmm, siguro ganon kasi talaga.

Pag nainlove ka, feeling mo kayong dalawa lang tao sa mundo. Sobrang lawak ng love, ang hirap ipaliwanag lahat.

Hindi mo nga maiiwasan masaktan dyan eh…

Pero bakit umaabot sa puntong sinusumpa mo na yung pag-ibig, lalo na kapag nasaktan ka na ng todo? Dahil siguro nagpaka-tanga ka, nagpaka-corny ka para sa taong pinaglaanan mo ng love.

Pag nasaktan ka, andyan na yung ayaw mo tumayo sa kama, ayaw mong kumain kasi wala kang gana, talo mo pa mag-drama yung mga artista sa TV. Pati narin yata pag-ligo katatamaram mo eh.

Bakit? Bakit ka mag-aayos? Para saan? Para kanino, eh, wala ka naman aawrahan? Ang sungit-sungit mo. Yung mga taong may itatanong lang, sasagutin mo ng pataray o pabulyaw. Ala monster moves, mga ganon. Tskk.

EH BAKIT BA KASI MAY MGA TAONG NANGANGAKO?!

Ba’t sila nagpapaasa? Expectation leads to disappointments nga daw eh, pero bakit kasi sila nag-promise? Sinong gagong di mag-eexpect nun? Nag-promise kaya sila, and promise is a big word! -_____- Tangina, may papinky-pinky swear pa nga’e. HAYOP! >____<

Nagsasabi ng “walang iwanan” kahit anong mangyari, tapos isang iglap, manlalamig, makikipag-break (kung kayo man, kasi yung iba MU lang), minsan idadaan ka pa sa cool off pero yung totoo iiwan ka lang niya.

Sakit noh?

Yung taong nag-effort sayo (kung nag-effort man), nanuyo sayo, nagpasaya sayo, nagpakilig sayo, kumumpleto ng araw mo, iiwan ka sa mababaw na dahilan. Minsan nga walang dahilan eh, iiwanan ka na niya kasi trip lang. Sawa na siya, iba naman daw.

Ano? Sarap umasa? Lasang tanga! Nakakatawang isipin na naniwala ka sa mga pinagsasabi nila. Akala mo 'forever' na.

Pero ang pinaka-magandang part ay yung nakapag move on ka na. :)

Mare-realize mo na kaya siguro nawala yung taong yun kasi hindi siya yung nakalaan sayo. May darating pa na mas better. ;)

Kaya siya nawala agad kasi ‘pag tumagal pa mas masakit lang at di mo na i-try yung iba.

Bait ni God noh?  :)

Kaya heto ka, di na pinapansin yung taong nangiwan. Di na kasi dapat nag-aaksaya ng oras sa mga ganung tao, diba? At hindi pagiging bitter tawag dun. Iba ang pagiging bitter sa takot ma-fall ulit.

Cycle kaya ang pagiging tanga, nakaka adik yun! XD =)) Yung iba naman, kakaibiganin pa nila. Wala lang, di dahil may feelings pa. You’ve been matured enough para matanggap mong hanggang dun lang kayo. Di ka na dapat magpa-apekto sa sasabihin ng ibang tao, kaya mo pinapansin dahil MAHAL mo pa.

Andyan si God oh, alam niya yung totoo. Hayaan mo sila, hayaan mo na si past.

May dadating pa na MAS MABAIT, MAS GWAPO, MAGANDA, SEXY, HOT, MAS MAKINIS, MAS MAPUTI, MAS MAPERA, MAS MA-EFFORT, MAS MAGALING SA KAMA, MAG MAGALING MAG-BASKETBALL, MAG-VOLLEYBALL AT MAG-DOTA, and yung uso ngayon…may dadating pa na MAS FAMOUS pa sakanya. =))

Yun lang siguro ang dapat tandaan ng mga taong sinaktan at nasasaktan ngayon. Marami pa dyan, okay? You’re too much daw kasi kaya di ka niya afford. ;)

Ganon lang yung love, kaya sa uulitin, wag mag-mamadali. Wag tayo mag-iilusyon ng forever sa love story na 3 days pa lang nag-sisimula para di na magkamali ulit. :)


Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon