Chapter 1

2K 47 1
                                    

ACE POV

'I really hate this!' Sabi ko sa sarili ko.

Paano napakahaba ng pila sa enrollment na ito! Kahit naman private ito ang higpit pa rin nila pagdating sa mga gantong pagkakataon.

"Couz! Di ko na kaya!" Sabi ng bwisit kong pinsan na si Krish. Kung hindi dahil sa kaniya! Edi sana maaga kami ngayon! Dapat malapit na kami matapos ngayong mga oras na ito.

"What did you mean?" Pagtataray ko sa kaniya.

Lumapit sya sa akin at bumulong "You know! Wiwi ako!" Mas lalo akong napakunot ang noo.

"Go on! Ako na bahala dito sa pila mo!" Sabi ko dito. Agad naman syang tumakbo na halatang ihing-ihi na sya.

"Best! break muna daw yung mga tao dun!" Narinig kong sabi nung nasa harapan ko na babae. Nanlumo naman yung ibang mga nakapila.


Hast! Totoo nga ang sinasabi ni Tita Crissy na dapat kinausap ko na lang yung Daddy ko para madaling makapag enroll dito. Kung di lang talaga sa hiling ni mommy na dito ako mag-aral di na lang ako dito at kung di lang din dahil sa pinsan ko na si Krish na gustong mag-aral dito dahil sa crush nyang lesbian n si Allena De Vega or mas kilala bilang Allen De Vega.

Maya-maya nandito na ang pinsan kong baliw at parang success na success. Agad syang sumingit sa harapan ko. Sasabihin ko sana sa kaniya na break pa nang may biglang may humiyaw sa likod.

"Hoy! Akala mo ba di ko nyun nakita!" Sigaw nung babae.

Napabaling naman yung tingin ko sa kaniya. Agad naman akong natulala sa kaniyang taglay na kagandahan. I don't know pero parang lumakas ang hangin at tinangay ang buhok nya na mas lalong nagpaganda sa kaniya. Kung di lang sya nagsalita ng tagalog ay mapagkakamalan ko syang Foreigner.

"Hoy! Titingin ka pa ah!" Sigaw pa rin nito at tila tinuro ako.

Agad akong tumingin sa paligid ko. Lahat kasi sila nakatingin sa akin. So it means na ako talaga ang tinutukoy nya.

"Nang-iinis ka ba!" Galit na galit na sya.

Napasimangot na ako ayaw ko kasi sa lahat na sinisigawan ako sa maraming taon madali akong ma pissed-off. Nagulat ako ng lumapit sya sa akin at galit na nakatingin. She so cute sa kahit nakasimangot sya pero naiinis pa rin ako sa kaniya kasi sinigawan nya ako.

"Hoy babae! Nakita kong pinasingit mo yung babae na nyan!" Turo nya kay Krish. Nagulat na lang yung pinsan ko sa kaniya.



"Excuse me! Kanina pa sya diyan! FYI nag cr lang sya!" Medyo naiinis na din ako sa kaniya kasi galit na galit sya di naman nya alam ang tunay na nangyari.

"Oh talaga? Pero nakita kong sumingit sya!" Pagpipilit nya.

Maiinis lang ako ng sobra kaya tinalikuran ko na sya ang kaso hinatak nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya. Mas matangkad ako kaysa sa kaniya kaya kitang-kita ko ang magaganda niyang mata na kulay asul. Nakita ko naman na namumula na yung pisngi nya. Mas lalo siyang gumanda.

"Wag mo kong tatalikuran!" Mahina pero may diin na sabi nya. Naamoy ko tuloy ang mabango niyang hininga na akala mo di tinatablan ng bad breath.


"Wag mo naman akong hawakan"masungit na sabi ko dito. Magaling ako magtago ng totoo kong nararamdaman kaya di niya mahahalata na you know! Hehe.


"Ahm ms. Excuse me lang ah! Totoo po na hindi po sya nagpasingit nag cr lang po yung kasama nya" singit nung nasa harapan ko kanina.



"Do you heard that? I'm think that you are satisfied" mayabang na sabi ko dito. Para namang napahiya sya kaya nakasimangot na uli siyang bumalik sa pila nya.


Ginabi na kami ni pinsan nung umuwi na kami sa bahay nila. Yeah! Sa bahay na nila ako umuwi since nag-asawa ng iba si daddy at nung time na nag-ibang bansa na si mommy at nagkaroon din dun ng sarili niyang family. Kahit malayo ako sa kanila okay lang sa akin kasi mabait naman si tita Crissy parang siya na rin ang nagiging nanay ko dito.

"Kamusta naman ang enrollment?" Tanong ni tita nung pumasok kami ng bahay.

"Okay naman mom" sagot agad ni Krish.

"Kumain na kayo at magpahinga na" sabi nito habang naghahanda ng kakainin namin. Agad naman kaming lumapit ni Krish.

"Sya nga pala! Ace tumawag ang dad mo sa akin sabi niya gusto ka daw nya makausap bukas" sabi ni tita.

I mentally roll my eyes ng marinig ang sinabi ni tita. Hindi ko kasi close si dad dahil sinisisi ko siya kung bakit sila naghiwalay ni mommy. Ayaw ko siyang makita pa lalo na at mag dadalawang linggo pa lang ako dito kila tita it means almost two weeks pa lang sila ng ng bago niyang asawa. I'm not ready for that kaya nga ako umalis sa bahay at pinilit si mommy na dito na lang ako titira sa kaniyang kapatid na si tita Crissy.

"Hey Ace sweetie! Bawal humindi kasi time na rin para kausapin ang dad mo at batiin sya sa kaniyang bagong asawa" mahinahong sabi ni tita.

"I can't tita alam nyo naman po na until now di ko pa rin sila matanggap ng new wife nya" sabi ko habang nagsasandok ng makakain.

"Don't be unfair sweetie" sabi nito.







"Okay fine tita pupunta ako kila dad bukas" pagsuko ko sa kaniya.





Pagtapos namin kumin naglinis muna ako ng katawan bago pumasok sa sarili kong kwarto na katabi ng kwarto ni Krish. Bago matulog ay napaisip pa ako ng maaaring mangyari bukas. Dahil sa sobra kong kakaisip ay matagal akong tinamaan ng antok.

---------10 reads and 3 votes for next chapter

Fall In Love (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon