1.

163 8 4
                                    

I hate dancing. Really.

Hindi ko yata kailanman maiintindihan ang mga taong hilig ang pagsasayaw. Mula sa pagsabay sa indayog ng musika gamit ang mga kamay at paa. Well, kanya-kanyang talento namang ibiniyaya 'yon, e.

Siguro naiintindihan ko 'yung parteng parehong kaliwa ang paa ko kaya hindi ko nakikita ang sarili ko na umindak sa anumang uri ng sayaw.

Tulad na lang ng mga nakikita ko ngayon.

"Ang galing talaga sumayaw ni Ronald 'no?" pagtukoy ng kaklase kong si Angelica sa isang frehsman. "Mana sa kapatid niyang si Rolann."

Nag-enroll kami at napadpad kami ng mga kaklase ko dito sa gym ng Ylletriza State University. Huling taon ko na sa susunod na taon. Naabutan namin ang iilang estudyante na mayroong practice para sa street dance na magaganap ngayong Hunyo para sa piyesta.

"Sus, naalala mo na naman 'yung crush mong Manileño," marahang asar ko kay Angelica at siniko pa siya.

"Hindi, 'no!" Nag-alangan pa siya nang sinabi niya iyon. "O, sige, slight lang pero si Luigi talaga 'yung crush ko."

Humagikgik ako. "Ikaw kasi hindi mo pa niligawan noong high school."

"May girlfriend siya noon, 'no? At saka, wala naman akong pag-asa doon," Humina ang boses niya. "Mas may pag-asa ka pa nga yata roon, e. Hello? Beauty queen ka kaya kahit probinsyana."

Ngumuso ako at bahagyang nahiya sa sinabi niya. "Hindi rin."

Humalakhak siya at binatukan ako. "Wow, ang pabebe. Ang virgin, e, ano?"

Ngumiti na lang ako at patuloy na pinanood ang mga sumasayaw. Simpleng steps lang naman iyon pero medyo nakakamangha pa rin naman. Mas nagustuhan ko yata titigan amg mga makukulay na props na ginawa nila.

Pagkagaling ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa pampublikong palengke. May ipinabibili kasi 'yung lola ko para sa karinderya namin.

Hindi gaanong maraming tao nang araw na iyon. Siguro dahil tanghali na at tapos na bumili ang marami.

"Kumusta ka na, hija? Pati ang lola mo?" tanong sa akin ng matandang pinagbibilhan ko ng gulay.

"Ayos lang po," Marahang sagot ko at tinignan kung ilang kilo ang mga kamatis na nilagay sa timbangan.

Tumango siya. "Mabuti naman kung ganoon. Malapit na ang piyesta, sasali ka ba ulit sa mga patimpalak?"

I laughed awkwardly. "Baka po, Inay, kapag hindi po abala sa pag-aaral."

Pagkatapos sa kanya, nagpunta ako sa mga karne at isda. Sana ay may mabili pa ako na matino. Madalas kasi kapag ganitong oras, napagpilian na kaya ang hirap bumili. Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang 'yung Lola ko mamalengke kasi matanda na 'yon.

"Ganda, pili ka na," anang isang ale na nakakuha ng atensyon ko dahil malinis ang puwesto niya. "Sariwa pa 'yan!"

Pinindot ko ang mga isda at napagdesisyunang sa kanya na bumili. Habang binabalot sa plastik ang pinamili ko, dumating ang isang lalaki na anak yata ng babaeng nasa harap ko. Kasing edad ko rin yata at pamilyar ang mukha.

"'Nay, ang kulit ni Jeho, e. Ayaw sumama sa akin." Nagkamot ng ulo ang binata. Nabaling ang atensyon niya sa akin at namilog ang mga mata niya.

"O, 'yang mata mo, Jerome. Kapag talaga nakakakakita ng maganda, e," pangaral ng nanay niya at saka inabot sa akin ang plastik kung nasaan ang mga isda. "Salamat, suki kong maganda!"

My lips formed a timid smile. Sinulyapan ko ulit 'yung lalaki at nahuling nakatingin pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Nag-init ang pisngi ko at napayuko na lang bago umalis sa lugar na iyon.

When The Kismet DancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon