✖Chapter 34✖

7.3K 222 4
                                    

Troy Tristan's P.O.V.

Matapos ang kaunting salo-salo at usapan dahil sa pagbabalik ng Prinsesang si Ylona ay agad din kaming pinabalik ni Haring Nicolas sa mUndo ng mga Tao. Hapon na ng makabalik kami sa Kampo kaya naabutan na namin silang nagtitiklop na ng mga tent at nag-aayos na ng mga gamit nila. Mabuti nalang at hindi kami napansin ni Sir Laroco dahil mas Focus ito sa mga kaklase namin.

Nakasakay na kami ngayon sa bus pabalik sa L.U. Tulog na din si Denice dahil siguro napagod ito sa ginawang mga activity. 'Bukas na ang kaarawan ni Denice, bukas na din ang huling araw ng misyon namin.' Napabuntong hininga nalamang ako at napayuko.

'Hindi ko alam kung dapat bang paniwalaan ko ang babaeng iyon.. Dahil ramdam kong may mali. Alam kong may mali..'

[>>__<<]!

'Kaylangan kong gumawa ng paraan! Kaylangan kong makumpirma kung siya nga talaga si Prinsesa Ylona. Hindi ako mapapalagay kung hindi ko mismo ito nakukumpirma ng ako lang..'

"What are thinking?" Napaangat ako ng ulo ng madinig ko ang boses ni Tiffany mula sa harap ko. Sa harap kasi siya nakaupo katabi niya si Jake habang ako naman ay dito sa likod nila at mag-isa lang sa two seater.

"Nothing's Important." Sagot ko at tumingin nalang sa labas ng bintana. Nakasilip lang siya dito sa gawi ko pero agad din siya tumalikod at nakipag-usap nalang ulit kay Jake. Hindi pa namin nasasabi ito kay Blake dahil hindi kami makahanap ng tyempo kanina kaya napagdesisyonan nalamang namin na sa mansyong tinutuluyan namin sasabihin ang tungkol dito. Bukas din ay ang hari't reyna na ang mismong susundo sa anak nilang si Denice. Hindi ko lang alam kung kasama doon si Prinsesa Ylona.

**

Third person's P.O.V.

Kulay Orange na ang langit at palubog na din ang araw. Sa isang lugar kung saan tinatayo ang isang buliding ay may mga trabahador doon na nagsisiuwian na dahil tapos na ang oras ng trabaho nila. Kung kaya't iilang trabahador nalang ang naiwan doon upang ayusin ang mga gamit nila. Isang trabahador ang pumunta muna sa palikuran upang umihi sana.

Ngunit habang papunta ito sa palikuran na iyon ahy biglang may sumulpot na tatlong tao sa harap niya. Tao nga ba ang mga ito? Dalawang lalaki at isang babae ang humarang sakanya. Sa Gulat ng trabahador ay hindi siya nakagalaw at nanlaki nalamang ang mga mata nito.

"S-sino kayo?!" Turo niya sa mga nilalang na nasa harapan niya. Lumapit ang isang lalaki sakanya at ngumisi ito dahilan upang makita ang maputi at matulis na pangil nito. Hindi alam ng trabahador kung anong dapat niyang gawin. Gusto niyang tumakbo ngunit parang napako ang mga paa niya sa lupang tinatapakan niya. At dahil na rin sa pangil na nakita niya mula sa lalaki ay natakot siya at naihi nalamang sa kanyang pantalon dahilan upang magtawanan ang tatlong nilalang na nakaharang sa daan niya.

"James wag mong takutin ang pagkain natin." Nakangising sabi ng isa sakanila na may mahabang buhok na itim at nakatali ito. Tumabi siya sa kasama niyang si James at tinignan din ang trabahador.

"I'm not. I just want to smell his blood Mike." Sagot naman ni James. Lumapit na din yung isa pang kasama nila na babae at timabi din kay James.

"S-sino ba k-kayo?" Nanginginig na talagang tanong ng trabahador.

"Oh dear. Believe me. You don't wanna know!" Mapanuyang saad ng babae at sa isang iglap ay kagat kagat na niya ang leeg ng trabahador.

"Victoria!" Suway nila James at Mike. Hinila pa ito ni James palayo sa trabahador dahilan upang mapatumba ang trabahador dahil sa panghihina.

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon