Wooosh Wooosh
Woooh bat ngayon pa humangin ng malakas. tengene naman oh.
Nanayo lahat ng balahibo ko, pati sa mukha. lahat pati ata yung sa kilikili ko nanigas eh.
Woooosh Wooosh
Buset! sige pa hangin pa!
Pinagpapawisan ako kahit ang lamig. kinalabahan ako.
Sgad agad kong kinuha yung salamin sa bag ko. Waaaahh namumutla na ako.
Susko bat naman ako nagkaganito.
Wooosh Wooosh
Yung pawis kong malamig, lumalagkit na. Di ko na to kayaaaaaaa.
Kkkrrrrrrriiiiiiiiiiiinggggggg
Agad kong kinuha yung gamit ko at nagtatakbo na palabas.
Takbo takbo takbo
Ayan malapit na ko sa paroroonan ko, abot kamay ko na ang pinto.
Pagbukas ko, hindi ko inaakalang ganito ang makikita ko.
Lahat ng paghihirap na naramdaman ko kanina naglaho pero napalitan ng sakit. Hindi sakit sa katawan gaya ng hirap na naramdaman ko kanina.
Ilang minuto ng pagkabigla, naramdaman ko nanaman ang sama ng pakiramdam ko.
Bruuuuut
Ingay na naggambala sa imoral na gingawa nila.
Hindi ko kinaya kaya tumakbo na ko sa isa pang pinto sa loob. Doon ko nilabas ang sama ng loob ko. Halo halong tamis ng pinagsamahan, asim ng pag-aaway, alat ng panahon at pait ng nakaraan na nagresulta ng pakla sa ngayon.
Wala na kong pakelam kung anong baho ang maamoy nila. Mga wala silang kwenta. Bago ko matapos ang paglalabas ko, narinig ko na silang tumakbo palabas.
Doon na nga nagtapos ang lahat. Oo tapos na nga. Panahon na para punasan ang bakas ng mabaho at pait ng nakaraan.
Handa na kong hugasan ng malinis na tubig ang dumi pero...
Shit happens all the time. Walang tubig T_________________T pano na to? HUHUHU help me. Kailangan ko ng maghugas. Hugasan na ang bahid ng nakaraan.
Oo nga pala nakalimutan ko, pwede rin namang punasan. Gumuhit ang masayang linya sa aking mga labi. Sa bawat pagkakataon laging may allternatibo.
Masaya kong nilingon ang kaliwa ko kung saan nakalagay ang manipis na puting papel.
O_O Pero bakit ubos na? :(
Ganito ba talaga ang buhay? kailangang magdusa at mamroblema?
Hindi ko na kaya. "BWISET!! MGA MALAS TALAGA KAYO! KAILANGAN KO NG MAHUGASAN ANG NAKARAAN! KAILANGAN NA NG MALINIS NA BAGAY NA MAKAKAPAGPAWALA NG BAHID NG DUMI NG NAKARAAN!!!"
Gusto ko ng sumuko, lahat ng positibong nanalaytay sa katawan ko naglaho.
Habang nakaupo pa rin ako, nagulat ako ng may tissueng gumulong sa ilalim papunta sa loob ng pintong nagtatakip sa akin. Bago tumulo ang luha ko natakot na ko. Panong magkakaroon nito dito? minumulto na ba ko? Nagambala ko ba sila sa pagsigaw ko?
Usap usapan pa naman na may nirape sa parteng to ng school namin. Nanayo nanaman ang balahibo ko.
Nagulat ako ng may marinig akong malaking boses na syang mas lalong nagpakilabot sa akin.
"Hindi mo man mahugasan sa ngayon, punasan mo na lang muna."
Boom! bakit lalaki? talaga bang pwede ng pumasok ang lalaki sa cr ng mga babae?
"Siya nga pala, hindi pa tapos ang mundo. Nasaktan ka man noon at wala ka mang panghugas sa ngayon, wag mong kalimutang ako ang nagbigay ng pamunas para mawala ang bahid ng kahapon"
Natulala ako sa mga binitawan niyang salita. Bumalik na lamang ang katinuan ko ng marinig kong sumara ang pinto. Lumabas na siya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat. Hindi ko man lang siya nakita.
Narinig kong bumukas ulit ang pinto. Ang iingay, mga babaeng nagkwkwentuhan.
"Hala bakit lumabas dito si La----"
"Ang BAHO!!!"
Kikinang-kinang. Oo nga pala. Kinuha ko na ang tissue at agad na ginamit. Buti na lang umalis yung mga babae kaya di na ko mahihiyang lumabas.
FLUSH
Naibaon ko na rin ang mabagsik at masamang bahid ng nakaraan.
Naghugas na ko ng mga kamay. Tumingin sa salamin. Sino kaya ang lalaking yun?
Bumalik sakin ang mga babaeng naguusap kanina, babanggitin na sana nila yung pangalan pero di nya natuloy dahil sa naamoy nung isa.
Talagang may malaking parte ang nakaraan kaya hindi natutuloy ang kasalukuyan. Ganun pa man, ngayon alam ko ng wala ng aalingasaw tungkol sa nakaraan. Masaya na silang gumagawa ng kababalaghan sa skwelahan na ito. At gagamitin ko ang panibagong panahon sa paghahanap ng naudlot kong kasalukuyan. Handa akong maghanap at maghintay sakanya, sa aking hinaharap.
Haha sorry kung di kayo nagandahan. Di ko alam kung lalagyan pa to ng kasunod, mukhang wala namang nagdedemand hahaha so siguro hanggang banyo na lang ang story. Thank you sa mga nagbasa :)
BINABASA MO ANG
Banyo
HumorNangyare ang istoryang ito habang ako ay nasa banyo :) enjoy banyo story :)