CHiS

20 5 1
                                    

This story is dedicated to BossHikarie_25. Thank you so much!

Adizen Mallard's POV:

"SEE you soon, Dizen."

Prenteng nakatitig pa rin ako sa cellphone ko habang pinapasok sa utak ko kung sino man ang pwedeng magmessage sa'kin nito gamit ang isang walang kwentang account sa facebook.

Bakit walang kwenta? Dahil pagkatapos kong nabasa ang message na 'yan sa message request ko ay agad kong ini-stalk ang account na 'yon at ni-isang pruweba man lang ay wala akong nakita. Pruwebang kung sinuman ang nagmamay-ari ng walang kwentang account na 'yon.

Walang profile picture, walang mutual friends sa'kin, walang friends kahit isa, walang nakalagay kung saan siya nakatira o nag-aaral man lang, walang nakalagay kung kailan ang birthday, walang recent posts at ang pinakamalupit ay ang See You na pangalan niya sa facebook. Wala! Wala talagang kwenta!

Hindi rin siya nag-friend request sa'kin ha.

Nakakagigil.

Sinend ito sa'kin bago ang araw ng flight namin. Kaya habang wala pa ang araw ng alis namin ay buong magdamag akong babad sa cellphone ko.

Andami kong pinagkamalang nagsend sa'kin no'n. Lahat ng pinsan ko na taga Ilocos tinanong ko pero wala, walang umamin.

Ini-screenshot ko pa talaga ang message na 'yon para lang mabasa ko lagi. Sa curious ako e, ba't ba?!

Teka... baka nagreply na 'yon sa reply ko sa message niya.

"Tasha, iabot daw sa akoa ang pocket wifi, palihog." (Tasha, pakiabot nga sa'kin 'yong pocket wifi, please.) Pakiusap ko sa kapatid ko.

Hindi niyo na itatanong, taga-zamboanga ako na magbabakasyon sa Ilocos. Taga-do'n kasi si Papa.

"Asa dapit?" (Saan nakalagay?) Tanong niya sa'kin.

"Nasa bag mo. 'Di ba nilagay ko d'yan kanina?" Nilingon ko siya at nakita kong hindi man lang kumilos. Nakatutok lang sa cellphone niya.

"Iabot dayon!" (Iabot mo na agad!) Biglang sigaw ko. Pati sila papa, mama at iba pa naming kasama ay nabigla sa sigaw ko kaya napagsabihan tuloy ako ni mama. Bigla naman daw akong nahiya, nakalimutan kong may mga kasama pala kami rito sa sasakyan.

Agad akong humingi ng paumanhin.

Kasalukuyan kaming bumabyahe papuntang Robinson, kakain muna raw kami doon bago namin ipagpatuloy ang byahe namin pauwi sa Ilocos.

Well, kararating lang namin dito sa manila at sinundo kami ng mga pinsan, tito, lolo at lola ko.

Inabot ni Tasha ang pocket wifi pagkatapos kong sumigaw. Hinihintay lang pala ang sigaw ko para kumilos.

Walang pag-aatubiling in-open ko ang pocket wifi at agad na kong kinonnect ang wifi sa phone ko. Maraming lumabas na notification pero sa iisang message lang nakatuon ang mata ko.

Walang pagdadalawang isip ko 'yong pinindot.

See you soon, Dizen

Who are you?

Do you still need to know my name?

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa nabasa ko. Itatanong ko ba kung sino siya kung ayaw kong malaman ang pangalan niya?!

Do you think I will ask? You dumbass.

Pagkatapos ko 'yong sinend ay muli ko na namang binisita ang facebook ng nilalang na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Connected Hearts in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon