Ako si Jessa, 2nd year college sa isang university sa Maynila. Kalog, makulit, kalog, at sobrang kulit.. Hindi halata di ba?
First day namin ngayon sa school at excited na kong mkita ulit ang mga friendships ko.
Habang papasok sa gate ng school namin, nagtitilian yung mga girls dun sa may bandang canteen.
"Sus, lalaki na naman,"
Sanay na ko sa kanila, na pag may gwapo, paniguradong hahabulin nila.
Tinext ko na lang ang bestfriends ko, sina Amie at Andrew, "Amie, Andrew, san na kayo? Dito ako sa ******* Building."
Habang naghihintay sa kanila, nakikita ko na naman yung mga girls na may hinahabol.
"Di pa rin sila tapos sa habulan nila? Tsss."
Iba kami ni Amie sa kanila, di kami ung babaeng hindi mapakali pag may gwapo sa paligid.
Sanay na kami na mukha ng isa't isa ung nakikita namin, at lalong sanay na kami na si Andrew lang ug lalaking nakakasama namin.
"Oh tulala ka? Miss mo ko 'noh?" Si Andrew.
"Syempre naman, si Amie nasan?"
Miss ko na silang dalawa dahil dalawang buwan kaming hindi nagkita dahil sa sembreak, nsa probinsya kami nun.
"Ako nasa harapan mo, si Amie hinahanap mo?"
Hay nag inarte na naman si Andrew.
"Hoy Andong, wag ka magdrama dyan, batukan kita eh"
"Ano ba yan? Nag aaway na naman kayo?" Yes, si Amie nandito na. Sabay yakap ko sa kanya.
"So ganon? Si Amie may yakap? Sakin wala?" -Andrew
"Lalaki ka, babae sya, ano gusto mo PDA?" Si Amie yan, laging barado kay Amie si Andrew, hahaha.
Andrew's POV
Pasukan na, makikita ko na naman si Jessa.
Si Jessa? Babaeng mahal ko simula 1st year college, wala akong lakas ng loob sabihin kasi baka masira ung samahan naming tatlo nila Amie.
Ayun si Jessa. Kahit anong ayos, ang ganda nya talaga.
"Oh tulala ka? Miss mo ko 'noh?" Sabi ko kay Jessa.
"Syempre naman, si Amie nasan?" Tanong niya.
Alam ko naman na hahanapin nya si Amie dahil kaming tatlo lagi magkakasama.
"Ako nasa harapan mo, si Amie hinahanap mo?"
Hahaha sarap talaga asarin neto.
"Hoy Andong, wag ka magdrama dyan, batukan kita eh"
Kahit batukan mo ko araw-araw, okay lang basta kasama kita.
"Ano ba yan? Nag aaway na naman kayo?" Si Amie.
Hay, nandito na si Amie, hindi ko na masosolo si Jessa.
Jessa's POV
"Wag na nga kayo mag away, batukan ko kayo parehas eh" Sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Tara na sa room," aya ko sa kanila.
Nauna na kong naglakad sa kanila dahil mukhang naga away pa rin silang dalawa.
"Sorry Miss"
May bumangga sakin. Di ko kilala. Pero bakit ang gwapo? *-*
"Miss, pag may humanap sakin, sabihin mo nagpunta ako dun sa kanan, salamat" sabi niya sakin, pero dun sya sa kaliwa nagpunta.
Whoooo, ngayon lang ako nakakita ng ganon kagwapo, pero ung mukha nya, hiyang hiya.
Habang kausap nya ako nakayuko lang.
Kelan kaya kita makikita ulit?