Chapter One

23 1 0
                                    

AMELIA's POV

"Lia, gising." Nakaramdam ako ng tapik sa akong pisngi, pero tinalikuran ko lang ito at natulog muli. "Lia gumising ka na o makikita mo talaga sa'kin." Niyuyugyog na nya ang balikat ko. Sino ba kasi 'tong isturbo sa tulog ko?

Tinakip ko ang kumot hanggang ulo para di na ako madisturbo at bumalik sa pagtulog. "Aba naman talaga Lia, napakatulog mantika mo naman, ayaw mo talaga gumising ha?" Naramdaman ko na lang na hinawakan nya ang parehong paa ko at saka hinila pababa ng kama. Sht! Ang sakit sa pwet, nagising ako wala sa oras dahil dun. "Elsie naman! Di ka ba marunong magdahan dahan sa paggising, ang sakit sa pwet na leche ka." Bulyaw ko sa babaeng gumising saakin.

"Nagdahan dahan na kaya ako, kasalanan ko bang tulog mantika ka? And FYI, mag-ayos ka na, 30 minutes na lang late na tayo sa school, first day pa naman natin" sagot nya. Sht! Oo nga pala, first day of school namin. Sa Wyatt University nga pala kami nagtransfer ngayong 4th year na kami. Bakit kami lumipat? Long story. And before I forgot, I'm Amelia Fyre P. Miranda, 18 years old, just call me Lia for short.

"Tutunganga o Papasok?" Nagising ang diwa ko sa tanong ni Elsie. "Oo na po, aasikaso na kaya't lumabas ka nang bwisit ka." Sabi ko sakanya, don't worry ganyan kami magusap. "Oh sya, hintayin kita sa baba." Lumabas na sya at nagsimula na ako mag-asikaso. Ang babaeng kausap ko kanina ay si London Elsie Navarro, 19 years old at childhood bestfriend ko. Naninirahan ako sa Apartment nya, bakit? Long story din. Galing sya sa mayamang pamilya at nagdecide sya maging independent tutal laging nasa business trip ang parents nya.

Natapos na akong mag-ayos at bumaba na. Nakaupo si Elsie sa sofa habang nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Lumingon sya saakin at "Bagay sayo ang uniform, Lia. Btw, kumain ka na dyan tutal may 8 minutes pa naman tayo." Kaya naman kumuha ako ng sinangag at hotdog at kumain. Pagkatapos kong kumain, Nilagay ko na ito sa lababo kasama ang gatas na ininom ko at hinugasan. Kinuha ko naman ang bag ko at "Hoy, Elsie. Tara na?" Tawag ko sakanya kaya't sinarado nya ang libro at nilagay ito sa bag, hinugasan na rin nya ang kanyang ininuman na tasa. Lumabas na kami at nilock na nya ang Apartment at sumakay na kami sa kotse nya. Buong byahe ay nakikinig lamang kami sa radyo na kasalukuyang itinutugtog ang Capital Letters by Hailee Steinfeld and BloodPop.

Nakadating na kami sa school at nagpark. May nagpark naman sa tabi namin na pink na kotse at lumabas si Khloe, isa din sa bestfriend ko. Sya ang nagturo saamin tungkol sa paaralang ito. Lumabas na kami ng kotse at sinalubong sya "Mga beshywaaaap, I miss youuu!" Sigaw nya at niyakap kami ni Elsie. Lumihis naman si Elsie sa yakap at "Miss, sino ka?" Pagbibiro nya dito. Biglang huminto si Khloe at nagpose. "My name is Khloe Bautista, 19 years of age and I'm gorgeous. Thank you!" Rampa nyang sabi. Napatawa na lang ako sa akto nya, "I know who you are except the statement that you're gorgeous,Khloe. Maya nang dramahan at malelate na tayo." Poker face na sabi ni Elsie, tumawa na lang si Khloe at "tara nang leche ka." Sabi nya kay Elsie. Naglakad na kami papasok at pumunta na kami sa room namin, hindi kami nawala kasi memorized na ni Khloe yung school.

Si Elsie pwesto malapit sa bintana, si Khloe ang nasa gitna namin, at ako? Katabi ng vacant chair. Second to the last ang upuan namin. Kinalabit naman ako ni Khloe at "Hoy, babae. Kumusta na?" Tanong nya. "Maayos naman, bakit?" Sagot ko. Tiningnan nya ako sa mata at "Weh? Ako pa talaga niloko mo." Saad nya, kaya naman tumingin na lang ako sa board at "Okay lang talaga ako,Khloe. Strong yata 'to." Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti.

Sakto namang pumasok ang teacher namin at nagdiscuss ng rules and regulations nya sa room. Inabot ng 8 minutes ang discussion nya at "Tutal first day of classes magpakilala muna kayo sa isa't isa, pumunta kayo dito sa unahan at magpakilala. Ikaw muna mauuna" tinuro nya ang lalaking nakaupo malapit sa pinto. After ilang pagpapakila ay si Elsie na, tumayo sya at pumunta sa unahan "Hi! I'm London Elsie Navarro, 19 years old, please call me Elsie and nice meeting you all." Sabi nya saka umupo. Sumunod naman si Khloe magpakilala na ngayo'y nakatayo sa unahan "My name is Khloe Bautista, 19 years old and still gorgeous." Proud nyang pagpapakilala at umupo na sya, walang may kayang mang-away sakanya kasi sya lang NAMAN ang anak ng may-ari ng school na to, Her mom is Kristina Wyatt, the owner of Wyatt University. Tumayo naman ako at nagpakilala "Good Morning, guys. I'm Amelia Fyre P. Miranda, 18 years old. Just call me Amelia and nice meeting you all." Close friends lang ang tumatawag saakin ng Lia. Uupo na sana ako ng may tumawag saakin "Emilia?" Napaharap ako at nakita ang isang lalaki na nakatayo sa may pinto. Ang gwapo nya...

"Sorry, di pala ikaw si Lia." Sabi nya
"Ah, katunog lang ata ng name ko." Tinalikuran ko na sya, agaw eksena na kasi kami sa klase.

"Ang pangit mo naman para maging si Lia, My bad." Narinig ko ang pagngisi nya. Napaharap ako sa sinabi nya. Punyeta, nawala yung kagwapuhan nya. Napakasama ng budhi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fire and Ice (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon