Papunta na ko ngayon sa canteen para bumili ng pagkain, alas nueve na ngayon ng umaga -Recess Time. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon, ganun naman lagi ang pangyayari. Walang gustong kumausap sa akin, hindi dahil sa nerd ako, dahil wala naman akong salamin at hindi ako baduy manamit. Hindi din dahil may nakakahawa akong sakit, masyadong prestihiyoso ang paaralang ito para tumanggap ng mga estudyanteng may nakakahawang karamdaman. Ayaw nila kong lapitan dahil simple ako. Isang Scholar, walang kotse, walang mamahaling bag, naka rubber shoes, hindi nagde-dress at hindi mayaman. Sa madaling salita, isa lang akong basura sa mata nila. Pero, wala akong pakialam. Kaano-ano ko ba sila? Hindi kami magkamag-anak. Wala nga ko nun.
"Aray! You daughter of B*tch! It's so sakit!" conyo tsk, akala mo maganda.
"Wala kong magulang" didiretso na sana ko ng lakad ng hinila niya ko pabalik. Crush ata ako, hindi tayo talo.
"You! You bangga me and then you didn't say Patawad! You're so Low Class"
Tinalikuran ko na lamang siya at dumiretso na ng lakad. Buti na lang hindi na niya ulit ako hinila. Sino yun? Si Erika Manabat, anak mayaman. Kung papatulan ko ang conyong yun, nagmukha lang akong taong nakikipag-away sa isang animal.
"Ano ang sayo Ineng?" buti na lamang at medyo huli na kong nakarating rito kaya't onti na lamang ang mga nabili.
"Isang tinapay lang po at tubig Kuya"
"P30 Ineng" binigay ko na kay Kuya ang bayad at agad na lumabas ng canteen. Didiretso na lamang ulit ako sa lumang hardin ng school. Walang gaanong tao doon, maliban na lamang sa mga estudyanteng gustong makipaglandian.
"Hey Miss?!" hindi ako lumingon, malay ko ba kung ako yung tinatawag nun. May pangalan ako, masyadong maganda ang pangalan ko kung ikukumpara mo sa Miss.
"Miss! Saglit lang!"
"Miss na may hawak na tubig!" recess nga yun, lahat ng estudyante may tubig.
"Miss! Babaeng may sandwich na dala!" may sandwich din kaya yung mga nasa corridor.
"Miss! Miss Samantha Abantes!" s-samantha? A-abantes? Ako y-yun diba? T-tama.
"Salamat, huminto ka din"
"Ano bang kailangan mo?" onti na lamang ang natitirang oras, sa tansya ko ay hindi na ako makakapunta sa hardin ngayon.
"Kanina pa kita tinat-"
"Samantha Abantes would do, instead of those weirds and common nicknames you've shouted earlier" sino ba ang lalaking ito? Masyado siyang feeling close, hindi ko pa siya nakikita dati dito sa school, malamang ay kaka-transfer lamang nito.
"Woah! Miss, English Speaking. I'm Jam Walters, 18 years of age. Half American - Half Filipono, a transfer student. Ang sabi ni Pricipal George ay sayo ako dumiretso at ikaw na daw ang bahalang mag-ikot sa akin ngayong tanghali" tinanong ko ba lahi niya? Wala kong naaalala eh, isa siyang bangko.
"Dumiretso na muna tayo sa garden dun sa lumang building, masyado kang istorbo kaya hindi pa ko nakakakain"
"Pwede namang sa cafeteria na lang tayo kumain ah" demanding Kuya? Cafeteria Cafeteria pa, canteen ho ang tawag dun. Arte
"Walang tayo, kung gusto mo dun kumain, kumain ka dun. Ikaw na din ang maglibot sa sarili mo" ramdam kong mabait na tao ang kulugong to, kaso isa nga lang siyang malaking istorbo.
Wala na kong narinig na ingay mula dun kay Kuyang kalahating amerika. Paglingon ko ay nakasunod lamang siya sa akin at nakalagay ang dalawang kamay sa batok habang naglalakad. Malapit na kami sa garden, nakikita ko na ang mga bulaklak na laging dinidiligan ni Manang Oseng. Hindi ko alam kung bakit naluma ang hardin na ito, wala na raw kase masyadong napunta kaya't hindi na nabibigyan gaano ng pansin. Pero, hindi pa din naman pinatibag ng Principal.
BINABASA MO ANG
The "Oh So Called" L O N E L Y
ChickLitHanggang saan hahantong ang pagsisikap ng isang binata na mapasaya at mapaibig ang isang seryosong dalaga? Isang dalagang, may malawak na pananaw sa buhay. Dalagang mas gustong mapasaya ang iba kaysa sa sarili niya. Saan hahantong ang bina...