"Hanggang Dito Lang"

0 1 0
                                    

Hanggang saan ba ang kayo kong abutin?
Hanggang saan ba ang kayo kong hamakin?
Hanggang kelan ako mananaginip?
Hanggang kelan ako maiinip?
Hanggang saan... hanggang kelan....
Sawa na ako sa mga tanong kung hanggang kelan at hanggang saan
Ngunit wala akong magagawa sapagkat ako'y hanggang dito lang
Ako ba'y iyong lilingunin kung sakaling ako ay magpapansin?
Ako ba'y iyong pagtutuunan ng pansin kung ialay ko ang aking pag-ibig?
Sawa na sa mga tanong at pagbabakasakali
Ngunit wala akong magagawa sapagkat ako'y hanggang dito lang
Pinalangin sa mga tala, nagdasal kay Bathala
Na sana dumating ang araw na tayo'y pagtagpuin
Na sana bukas makalawa ay tayo'y magkakilala
Sawa na sa mga "sana" na hinihiling ng aking isipan
Ngunit wala akong magagawa sapagkat ako'y hanggang dito lang
Hanggang dito lang sa aking kinalulugaran, hanggang dito lang sa aking kinatatayuan
Hanggang dito lang na humahanga sa katulad mo... na kasing-taas ng mga bituin sa kalangitan
At talaga namang kay hirap abutin.
Ngunit tanggap ko na, na wala akong magagawa sapagkat hanggang dito lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon