01

21 0 0
                                    


DISCLAIMER:   The names of my characters,places,events are products of my imagination and entirely  fictional. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


" Ms. Grabeel, There will be upcoming Art Exhibition and since ikaw ang President ng committee I will leave the rest to you okay?"  sabi sa'kin ni Ma'am Lim, head ng art department. 

Being a President is not easy because of all the responsibilities on both of my shoulders. 

Wala na akong ibang nagawa kundi tumango sa sinabi ni Ma'am Lim. Pag katapos ng last subject namin umuwi na agad ako. Kailangan kong makauwi agad para makapag-isip ng paintings na gagawin namin para sa Art Exhibit. 

Ang theme ngayon taon ay Tiny art, isa to sa pinakamadali pero challenging din para saming art students. 

" I'm home," bati ko kay Julia na naka-upo sa sofa, roommate ko parehas kaming nag-aaral sa UP Diliman pero she's taking journalism. She gave me small nod, she's too focused sa news update. 

Pumasok muna ako sa kwarto para ibaba ang mga dala kong gamit at para mag palit din ng damit.

" Rene may package palang dumating para sayo iniwan ko lang sa may kusina kanina ang bigat e " sabi ni Julia. Agad akong pumunta sa kusina para tingnan ang package. 

I smiled after opening the package it's my new art stuffs tamang-tama para sa darating sa exhibit. 

" Julia, anong magandang i-paint para sa exhibit? Tiny Art ang theme ngayon," tanong ko kay Julia, wala pang akong naiisip hanggang ngayon. 

Tumayo si Julia at pumunta sa kusina. " Himala ah wala ka atang maisip ngayon?" sobrang pressured lang siguro ako kasi President ako tapos 1 week from now yung Art Exhibit, for sure madaming pupunta sa UP para sa makita ang exhibit. 

" Tulungan mo na lang ako Juls ang laki siguro ng expectations sakin nina Ma'am Lim ang hirap mag-isip," Julia  laughed at me tapos pumunta sa tabi ko  

" Kaya mo yan Rene ikaw pa ba? " bulong niya while tapping my back. I rolled my eyes na mas lalong ikinatawa niya. Kumuha ng gatas at chips at iniwan siyang mag-isa sa kusina. 

" Well it's just me and you again," Sabi ko habang nakatingin sa sketch book ko. 

Halos 2 hours akong nakatunganga lang at wala talagang maisip. 

" C'mon Serene kaya mo to " Cheer ko sa sarili kasi sino pa bang mag chi-cheer sa sarili kundi ako? Kinuha ko ang sketch book at pencil case ko at inilagay sa bag. Nag palit ako ng damit, I'm wearing pink hoodie tapos jogging pants. 

"Juls, labas muna ako huwag mong i-lock tong pinto a," Paalam ko sakanya habang sinusuot ko yung sneakers ko. 

"Where are you going? it's almost 9 pm na a," tanong ni Juls. 

" Mag hahanap ng coffee shop, alis na ako, " sabi ko at lumabas na siya dorm. 

Sinuot ko ang AirPods habang nag hahanap ng coffee shop na wala ng gaanong tao 

After 15 minutes na pag hahanap at pag lalakad may nakita akong coffee shop. 

" The Garden of Earthly Delights," I whispered, Its the same name of Hieronymu's painting.

Curiosity kills right? hindi na ako nag dalawang isip at pumasok agad sa coffee shop, sabi sa pinto 11 pm ang closing nila. 

Pag pasok ko sa loob agad na lumaki ang mata ko napakaganda ng coffee shop. Walls are painted in beige color there are plants hanging from the ceiling, The color of the walls and plants mixed so well it was aesthetically pleasing. Mas lalo ko pang ikinagulat nang may makita akong mga paintings. Georges Seurat's A Sunday Afternoon on The Island of La Grande Jatte , Claude Monet's Sunrise my favorite painting, Casper  David Friedrich's Wanderer Above The Sea of Fog, and of course the ever famous Starry Night of Vincent Van Gogh. 

Grabe pwede dito na lang ako tumira? Kaya naman ni Julia yung life niya. 

" Good evening po Ma'am, " bati sakin ng isang employee ng coffee shop na nasa cashier . I smiled at her at pumunta sa bakanteng lamesa sa malapit sa bintana. 

Lumapit ako sa cashier para umorder ng iced americano at coffee cake. Sobrang kailangan ko ng caffeine ngayon Sabado naman bukas kaya ayos lang naman kahit umaga na ako matulog. 

" Hi,  one iced americano and one slice of coffee cake please," Sabi ko sakanya 

" 180 po lahat ma'am," inabot ko ang 200

"We will serve your order after 15 minutes ma'am," I nod and went back to my table. 

I grabbed my bag and get my sketch book and pencil, I draw margin with a measure of 20cm by 20cms since yun lang kalaki ang canvas na kailangan ko.  I plugged in my AirPods and shuffled my playlist i'm listening to piano pieces from Your lie in April . 

I decided that Sunset will be my theme. I start to draw the clouds first then after that the sea. I also bring my color pencils with me para mapag-laruan ko na yung mga colors. 

Merong nag lapag  ng tray sa harap ko agad kong tinggal ang AirPods sa tenga ko at tiningnan kong sino ang nag dala sa'kin.  

" Thank you," I smiled to the guy employee. 

Nag taka ako kasi hindi pa siya umalis sa lamesa ko. Nakita kong tinitingan niya ang sketch book ko agad ko 'tong tinakpan bigla akong na conscious. 

" Painter?" tanong niya

" Aspiring actually. I'm still a student," sagot ko sakanya 

" Oh that's why you look amazed from the paintings here," sabi niya kaya tiningnan ko siya mahilig din ba to sa painting? art student perhaps? 

" Yes, actually I got curious sa pangalan ng coffee shop, it's the same name from Hieronymu's painting," sabi ko sakanya 

" Art student?" tanong ko habang nakatingin sakanya. I can't deny the good looks his hair were cut like one of those kpop ish group pero malinis namang tingan tapos ang tangos ng ilong medyo singkit. Ilang taon na kaya to?

Tiningan niya rin ako "Nope, enjoy your order ma'am," sagot niya at umalis na tiningnan ko siya hanggang makapasok na siya sa loob ng kitchen nila.

I shrugged and continue what i'm doing.

I spent 2 hours hanggang matapos ang draft ko. Tiningnan ko ang orasan 10 minutes na lang bago ang closing time nila. Sa sobrang focused ko di ko na napansin ang oras. Ako na lang ang natitira sa coffee shop, agad kong niligpit ang gamit ko at umalis na sa coffee shop. 

2 blocks away from our dorm and coffee shop kaya naman hindi nakakatakot umuwi mag-isa meron di namang ilaw sa mga poste kaya safe naman. 

Sarado na ang ang mga ilaw ng pumasok ako. Mukhang tulog na si Juls. 

Pumasok ako sa kwarto para mag palit at nilagay ko sa lamesa lahat ng gamit ko ng mapansin kong wala yung pencil case. 

I sighed nakalimutan ko sa coffee shop. 

"What a good shit," 





Pretty Decent endingWhere stories live. Discover now