Vote/ Comment..be fan :)
Thanks :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Meet Milagrosa.
Tubong Mindoreno. Hindi na bago sa kanyang buhay ang lait-laitin. Eh sino ba naman kasi ang hindi eh.
She is UGLY, a NERD plus she so unique. As in Unique, kaya nga naging friend ko siya eh... siya lang ang nakakaintindi sakin. Siya lang ang tanging tao na nagpakatao sakin.
I know wierd diba? I mean bakit ko nga ba naging kaibigan ang isang Milagrosa. Pang wowowee lang diba?
But.....sabi nila, bagay daw kaming magsama. Isang panget at isang panget din.
OUCH!
Im Song Eun Gun. Half Korean ako at half Filipino, pero sabi nila hindi naman daw halata sakin na may dugong korean ako. Eh paki ba nila, nakita ba nila dugo ko? duh~ Im 16 years old ...Senior, same as Milagrosa, were bestfriend since 1st year ng dito na siya nag aral.
" Song, uwi na tayo oh!" naaawa na talaga ako kay Milagrosa a.k.a MILA....kanina pa kasi nagyayayang umuwi eh.
" Psh, wait lang.. last one na talaga Mila." nag puppy eyes ako kait di bagay sakin...hahaha
" Basta ikaw na lang, ayoko na! " hands up ang drama eh.
Pinagpatuloy ko na ang pagbabake ng cookies.. hehe, gumagawa kasi kami para dun sa crush namin na classmate din namin. Si Alexander Graham Bell. Joke, si Alexander Cruz.
(>////////////////<)
Tuwing maiisip ko siya nakakawala ng focus eh....haha
" Hoy! Panget na niyang shape oh!" nginuso ni Mila sakin yung binibilog kong design sa cookies..
" Psh, panira naman ito ng pantasya eh." ipinagpatuloy ko na iyon pagkatapos ibinalot ko na sa box na kulay pink..hehe...ganun din naman si Mila na sa blue na box naman niya inilagay yung gawa niya para kay Mateo na kabarkada din ni Alex..
Kumekerengkeng kami.. hahaha...
Dito na siya natulog samin para sabay na kami bukas, Sunday kasi eh...
*kinabukasan*
7:00 a.m
" Wahhhhhhhhhhhhhhhh! Bakit di mo ako ginising!" pinaghahampas ko si MIla ng unan .. bwis*t! Anung gagawin namin, late na kami.. 7:30 pasok namin..
\(T^T)/
Why oh why!
" Hoy! Wag ka madrama nga, may 30 minutes pa oh. OA huh." iniwan niya ako at naligo na siya. Naligo na din ako pagkatapos niya. Di na kami kumain ng umagahan at diretso school na.
*creepy*
parang mangangain ang mga tao dito kung makatingin saming dalawa eh...
hayyyyy!
Pero sana'y na naman kami eh.
" Ah, Song kaya mo bang ibigay mamaya sa kanya yan? Ako kasi nahihiya eh, baka sa locker niya na lang ilagay ko."
Locker?
*TING*
hekhek..
" Ay, oo nga, kakahhiya, sa locker na din na lang niya ko ilalagay ito."
bumungisngis naman si Mila.. psh, pang mangkukulam lang ang tawa eh. Pero wag ka, love ko yan kahit ganyan yan.. konting make over lang naman sa kanya eh maganda na siya. Ako kaya pag inayusan maganda din kaya?
