Chapter V

2 2 0
                                    

(Maria's POV)

Pagkadilat ko ng mata ko, unang bumungad saakin ang pagpatak ng ulan mula sa labas. Diretso lang ang tingin ko,at may pagitan na salamin sa pagitan ko at ng ulan, nakahiga ba ako ngayon?

Nakahiga nga ako, kaya pala ang lambot sa pakiramdam, ang sarap umikot-ikot dito dahil ramdam na ramdam ko ang lamig.

"Wait, whaaaat!" Napahinto ako sa paggulong ko dito sa higaan nang ma-realize ko na parang nasa ibang kwarto ako.

Bumangon ako at umupo para libutin ng paningin ko ang buong kwarto kung nasaan man ako ngayon. May naaalala akong ganitong design ng bahay.

Mula sa transparent glass na katapat ng higaan na inuupuan ko pa rin ngayon, pati yung pabilog na dingding nitong kwarto, may mga nakita rin akong mga acoustic guitars, bass at electric guitars na nakasabit ng maayos sa pader at maliit na cabinet na glass kung saan nakalagay yung mga iba't ibang itsura ng guitar picks.

Napapabilib ako ng lugar na'to, dahil mahilig din akong tumugtog ng gitara.

Nakatulala ako ngayon habang nakatingalang pinapanood ang pagpatak ng ulan kahit na medyo madilim ang ulap, I still love the way it is. Napangiti naman ako ng may naalala ako bigla.

"Hindi kaya..." napahinto ako sa pag-iisip ng kung anu-ano at lumundag paalis ng kama nang biglang may kumatok at binuksan ang pinto ng kwarto.

Napa-praning nanaman ako, bakit nandito si ... "Maria, gising ka na." sabi niya tsaka ngumiti.

Inaalala ko kung sino 'tong babaeng nasa may pinto na naglalakad na ngayon papalapit saakin, hindi siya yung babaeng nakita ko nung nakaraan sa restaurant ni Kuya Ranny. "It's nice to see you in person." Sabi niya at inabot ang kamay saakin. "Racquel, remember?"Natatawa niyang sambit. Whuuut? Seryoso ba'to? Sa picture ko pa lang kasi siya nakita, ang ganda niya pa rin mas nag-mature lang ang itsura niya.

Nakipag-hand shake ako at nakipag-beso dahil kahit papano ayokong mapansin niyang kabado bente ako ngayon, at napansin ko ring napatulala ako habang nakangiti. Shemay na malagkit, nandito yung ate ni Ranny. Ibig sabihin sa ate niya itong bahay?

Yung taong nasa harap ko ngayon ang kinakausap ko noong grade 8 pa ako, sinasabi ko sakanya yung ginagawang pangii-snob saakin ni Kuya Ranny, at kinapalan ko lang ang mukha ko noon na kausapin siya dahil hindi naman talaga kami magkakilala, and naging mabait naman ang pakikitungo niya saakin nun kahit ang kulit-kulit ko at hindi ko siya tinitigilang kausapin at ichat para lang maki-balita.

At totoong ngayon pa lang kami nagkikita. Nakakahiya talaga yung mga pinaggaga-gawa ko noon. Kaso ang pinagtataka ko pa rin ay kung bakit naman ako nandito. "Pwede ba akong magtanong?" gusto ko na itanong kung bakit ako nandito, kaso na-realize ko nagtatanong na pala ako hehe.

"About that, dinala ka kasi ni Ranny dito last night. He used his car para dalhin ka dito and yung mga shopping bags mo pala diniretso niya na daw sa condo mo at pina-drive na pabalik yung car mo kay Jeanne, tama ba Jeanne?."umupo siya sa kama at pinat ito, kaya umupo na lang ako. Nasagot niya na ang tanong ko bago ko pa man banggitin at tumango lang din ako bilang sagot sa tanong niya.

Kaso kung dinala niya na yung mga pinamili ko sa condo ko, bakit di niya lang din ako inuwi. At teka, napatingin naman ako sa suot ko. Sinong nagpalit ng damit ko? Grabe na kahihiyan na 'to, hindi ko na kaya.

"Actually, this is his house.Tinawagan niya lang talaga ako nung gabing nahilo ka at natumba dun sa carpark last night dahil hindi niya alam ang gagawin tsaka niya ako pinapunta dito to prepare and besides ... I want to see you, at ako rin ang nag-suggest na dalhin ka na lang dito dahil mas malapit 'tong lugar na ito kaysa sa place mo. And he respects you kaya ayaw niyang makapasok siya ng place mo ng walang pahintulot galing sa'yo mismo, atsaka ako naman ang nagpalit ng damit mo, it is funny to hear pero nakita ko na lahat, haha. But don't worry, it's fine for me and I am amaze, ang ganda ng katawan mo. so don't think so roughly." Ang lamig ng boses niya, napangiti na lang din ako bilang sagot sa sinabi niya, my goodnessessssss hindi ko alam kung anong galaw ang gagawin ko at kung anong salita ang pwede kong sabihin. Atsaka to think na siya ang nagpalit ng damit ko ... grabe na yung mga imaginations na tumatakbo sa utak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

But (Poem)Where stories live. Discover now