The Lost Love Story

39 2 0
                                    

Note ang story na 'to ay nabuo sa malikot na imahinasyon ng kalog na author. Kung nag eexpect kayo na bonggang bongga ang story na to well 'di ko yun mapapangako. :D

Ang story na to ay hango sa "Autumn's Concerto" pero di ganon ka heavy yung drama at ka iyakin. Linagyan ko lang na comedy at I hope na magustuhan ninyo. 

Love Love Love 

-Madz

Prolouge

(HER POV)

Happy ending?

Diba kung happy dapat walang ending?

Yan ang sabi ni Vice Ganda sa patalastas niya

Naniniwala ka?  hahahahaa Nux ang fighting spirit mo dre! eto piso bili ka bobot

eh sana kung nag eexist yan eh di sana nandito pa siya.

Hindi niya ako sinukuan pinaglaban niya ako hinanap niya ako.

Pero wala bigla nalang siya nawala. Iniwan niya ako. Ginaya niya lang ako sa mga babae niya.

Ginamit.

Pinaglaruan.

Kinahihibangan tuwing bored.

at ang pinaka malupit 

Magaling magpanggap

Sarap sapakin eh noh? Kahit na masayahin kang tao di mo parin maiiwasan na masaktan

wala ka na mang sinaktang tao bakit ikaw pa?

Marami naman diyang kriminal ba't ako pa?

Eh, paano kapag dumating uli siya?

at nag sabing mahal talaga niya ako at di niya ako iniwan

Tatanggapin ko pa ba?

Mamahalin ko pa ba?

-wait let me rephrase it mamahalin at mamahalin ko pa ba?

putspang love sto-

"Moooooom!!!! You're spacing out again!!! I'm late!" sigaw ng cutie patootie kong anak putspa kinder palang tong unghang na to.

"Chawieeee!!!! wag kang makulit sa gulong ka mamaya"

"Mom It's not funny anymore -_-"sinabi niya sakin habang kinuha niya ang lunch box sa lamesa

"Hoy bata ka wag kang mag iingles! Nasa Pilipinas ka! Wag kang tumulad kay tito mo chow" nag bow ako malapit sa kanya para ma eye to eye contact ang anak ko

"Oo na po, Mom, yung bestfriend ni tito Cho-" 

" No,"  No way as in No way!

"Anak last day mo na to sa school ha, lilipat kasi tayo papuntang South Korea 'dun kana mag aaral" naiiyak kong sabi sa kanya habang hinahawakan ko ang mga pisngi ng anak ko

"Mom bakit ganyan kayo ni tito Chow? anong mali kay tito Miggy? bakit sila nag aaway ni tito Chow? mabait naman si tito Miggy suplado at chickboy lang naman minsan?" 

"Kasi malaki na sila, kaya aalis na tayo para di natin silang makita na nag aaway" pinunasan ko na yung luha ko at pinipigilan na umiyak

"Anaaa! buksan mo ang pinto kung hindi wawasakin ko to! Isa!" sigaw ni Miguel

"Mom! si tito Miggy yun! buk-"

Hindi ko na kinaya umiyak na ako

"Pumasok ka sa kwarto anak at wag kang lalabas ha. I love you" binuhat ko siya at kinulong sa kwarto

"Dalawa! Ana! alam mo naman kung paano ako magalit" nakakatakot na sigaw niya

Tumakbo ako papunta sa pintuan upang buksan ang pinto.

"Sa wakas Ana binuksan mo narin" naka ngiting demonyo na sabi niya at kaagad naman akong natakot sa aura niya. Mahirap magalit si Miguel.

"Wha-at now Miguel?" sabay patak ng mga luha ko

"Miguel? You're calling me Miguel? Wow diba dapat hubby ang tawag mo sa akin?" putcha sarap sapakin pero di ako makagalaw

"Not now *sob* please" hinatak niya naman ako papunta sa garden ng bahay para mag usap

"Presensya ko pa lang yan Ana ano nalang ang gagawin mo kapag gumawa na ako ng paraan?" prenteng prente na pag sabi niya

"Anaaaaaaaaa" ewan! Stark bakit kapa pumunta ditogugulo lang ang sitwasyon

"Tol hayaan mo na si Ana" tiningnan niya ng masama si Miguel Uh oh

"Tol FAMILY PROBLEM TO FAMILY PROBLEM so BACK. OFF." bawat  pag sabi ni Miguel ay may diin

"FAMILY PROBLEM? ah, okay sa FUTURE HUSBAND NI ANA kaylangan kong mangialam" nagsukatan sila ng tingin

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita ko ang expresyon ni Miguel na nakakatakot

"Well tingnan natin. Kung buhay kapa bukas" tumalikod si Miguel at sinenyasan ang driver niya na umalisna sila

"Hindi naman ako natatakot sayo. Patayan nalang tayo" hinawakan ako sa kamay ni Stark at tiningnan sa mata

Tumingin siya sa lupa at muling tumingin sa mga mata ko 

"Tara na!, sisisihin naman ako ng anak mo dahil na late siya. Sa car ko nalang kayo sumakay" ngumiti siya

Pumasok na rin ako upang tawagin ang anak ko para pumasok na sa school.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino si Miguel? 

Ano ang mangyayari? Keep on reading!

-Madz

The Lost Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon