Chapter 3

11 2 0
                                    

Chapter 3

"Anaaaaaaa ang tamad tamad mo talaga! Tanghali na! Humihilata kapa diyan?! Anong silbi mo dito sa bahay?! Display?!" Tita ko pala guys alarm clock ko na rin. Since isa ako sa mga biktima ng broken family. Yung papa ko naman OFW at hindi ko na nakita yung mama ko ewan

"Tita alas onse palang ng umaga wag excited ang tanghali mamaya pang alas dose tingnan mo yung relo 11:59 palang" paliwanag ko gusto ko pang matuloooog.

"Araaaaaay!" Ayun tinulak ba naman ako sa kama. Putong masarap!

"Eto na oh tatayo na!" Agad naman akong bumangon sa sahig.

"Mag laba ka. Hindi ka kakain kung 'di ka maglalaba" sabay sira ng pinto at umalis.

"Putong masarap! Laba nanaman?! Gagawin mo ba akong labandera?!" Sigaw ko.

"Abaaaa sumasagot kana?!" Agad naman akong na shock kasi alam ko umalis na siya.

"Sagot agad?! Hindi pa pwedeng nag papaliwanag muna?" Walang gana kong sabi.

"Ikaw talagang bata ka!"

"Joke lang po eto na poooo"

Habang kinukuha ko ang tuwalya ko sa kabinet rinig ko na nanunuod sila ng TV sa baba. Agad naman akong pumunta sa sala.

"Kuya Michael ano yan?" Pinsan ko yan na galing probinsya dito rin naka tira kay Auntie kasi hassle pa kapag uuwi siya doon.

"T.V ang laki-laki hin- Aray! Ano ba yan ba't nambabato ng vase! Mapapatay ako niyan!" Reklamo niya sabay kamot niya sa ulo niyang natamaan ng vase.

"Yung balita kuya wag tanga"

"Kaaga aga! Nag aaway naman kayo! Wala na talaga kayong silbi dito sa bahay!" Reklamo naman ni Auntie. Ay nako paulit ulit nakakatamad naman talaga.

Miguel Bryan Montemayor isa sa mga tinaguriang taga pagmana ng mga hotels at casino sa buong mundo umuwi dito sa Pilipinas, bumalik siya umano dahil sa dati niyang girlfriend na isang artista pero may iba pabang dahilan? Balita umano sa school na pag mamay ari ng kanyang pamilya ay may babae itong nagugustuhan.

"Anna ka klase mo ba tong si Miguel" tanong ni kuya habang papasok ako ng banyo.

"Hindi ko yan kilala di ko nga alam na nag eexist yan" pag sinungaling ko.

(MIGUEL'S POV)

Nakakatamad naman wala naman akong gagawin dito sa bahay. Eto, ang kinatatakutan ko yung ma bored ako dahil naalala ko naman si Gretchen.

Ano bato nakakabakla, hindi ko na namalayan na kinukuha ko na yung litrato namin ni Gretchen. Masaya kami rito simple pa siya walang arte.

Pero iniwan niya ako dahil sa pangarap niya kaya ko naman siuang hintayon eh pero parang may kung anong ewan akong nararamdaman.

"Young Master, tanghali na po pinapatawag na po kayo ng Mama niyo" sigaw ng katulong

Kaagad naman siyang bumangon sa kama at nag suot ng isang puting shirt. Pero na alala niya ang babaeng tinapunan niya ng jacket.

"Weird. Hindi pa nagbibigay ng Jersey si Stark sa isang babaye. Anyare dun?"

"Miggy! Nababadtrip na ako sayo kumain kana!" Mama ko yan jologs nga diba.

"Ma! Ano ba yan! Kaaga aga!" Sambit ko sa kanya.

"Halika dito" kaagad naman akong hinedlock ng nanay ko. Kaya in love na in love dito yung tatay ko sadisya ata eh.

"Araaaaaaaaay" sambit ko

"Son, I want to meet the girl"

"Sino?"

"The girl who ruined your ego"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon