Kabanta 1

955 22 1
                                    

Kabanata 1
Ako na lang

“What? No ang answer niya? ” pabulong na sigaw ni Norj nang sabihin ko sakaniya kinabukasan na tinanggihan ako ni Exzor na maging date ko sa prom.

Nanlulumo akong tumango-tango. “Maging ako ay hindi makapaniwala, Norj. He asked me why he should  say yes but nangapa ako sa isasagot so at the end, hindi ko iyon nasagot. ”

“Tsk! You're an Astrilejeo! Paano ka niya nagawang tanggihan! ”

Kinagat-kagat ko na lamang ang kuko ko.

Napahiya talaga ako ng sobra kahapon ng i-reject niya ako. Hindi ko maisip kung paano niya ako nagawang tanggihan! Buong gabi ko iyon inisip at hindi ko na alam kung siya pa ba ang gusto kong maging kadate dahil sa pagtanggi niya!

“Don‘t give up, Zurri. Suyuin mo pa si Exzor. Pakipot lang iyon. ” ani Empress.

Napanguso ako. “Ako ang babae. Pero ako ang manunuyo? ”

“Oh, bakit? Nasa modern world na tayo! Wala ng lalaki, babae dito. Kung gusto mo talaga, wala yan sa gender! ”

Kunot noo siyang binalingan ni Norj. “Wag mo ngang itulad si Zurri saiyo Emp! ”

“Yeah, whatever. ”

Argh. Nalilito tuloy ako kung susundin ko ba si Empress o hindi. Dapat ko ba talagang suyuin ang masungit na lalaking iyon para maging date ko sa prom? Kaso.. Nakakahiya! Baka sabihin niyang desperada ako masyado na maka-date siya. Or worst, malaman niyang long time crush ko siya imbes na mga pinsan ko lang ang nakakaalam!

Hays! Sinisira niya ang ulo ko. Tsk.

Nasa garden kami ng school, pare-parehas kaming tatlo na walang klase. Hindi ko lang alam kung nasaan iyong tatlo ko pang pinsan na sina Shanaia, Vivoree at Arraiza.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Exzor na naglalakad, as usual ay naka-earphones na naman siya at mukhang masungit dahil sa poker faced niyang mukha. I feel my heart beats fast, nakita ko lang siya buo na ang araw ko. Haaaaays!

“Puntahan mo na, Zurri! ” sulsul ni Empress.

“Para saan pa? Para mapahiya ka ulit, Zurriana? ” kontra naman ni Norjannah.

Nag-isip naman ako. Dapat ko ba talagang suyuin at pilitin? O wag na?

Pero-- aaaah! Gusto ko talaga siyang maging date sa prom! Bahala na!

Tumayo ako na ikinangisi ni Empress at ikinalaki ng mata ni Norjannah.

“What the.. Zurriana! ”

Tiningnan ko lang si Norjannah at tumakbo patungo kay Exzor. Sumibol ang kaba sa dibdib ko.

Baka matameme na naman ako sa harapan niya dahil sa sobrang kaba!

Wala ka talagang isip, Zurriana! Dapat ay nag-practice ka man lang sa sasabihin mo sakaniya diba? Kaso wala eh! Basta ka lang sasabak sa gyera ng walang dalang armas! Tssk! Stupid!

“A-ah! E-exzor! ” kinakabahan kong tawag sakaniya.

Ngunit hindi niya ata ako narinig dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Ikiniskis ko ang mga palad ko at lumunok. Hinabol ko siya at hinawakan ang balikat niya para mapaharap sakin.

Inis niya akong tiningnan at inalis ang kaniyang earphones. “Bakit na naman, Zurriana? ”

Kinabahan na naman ako! Bakas ang pagkairita sa kaniyang boses.

Nangapa na naman ako sa salita!

Kumunot ang noo niya. “Ano? May sasabihin ka na naman ba o wala? You're wasting my time. ”

Napalunok ako. Gusto kong kurutin ang sarili ko para naman makapagsalita na ko.

“A-ano.. A-anong pwede kong gawin para m-mapapayag ka n-na maging d-date--”

Nanliit ang mga mata niya. “Ganon mo ba kagusto na maging date ako sa prom mo? ”

Agad akong tumango-tango. “O-oo! As in oo! ”

“Hmm.. ” nagkibit-balikat siya. “Pag-iisipan ko, Zurriana. ”

Bago pa ko makasagot ay tumalikod na siya.

Kyaaaaaah! Hindi pa siya mag-o-oo pero atleast pag-iisipan niya diba?

Kaya niya ako kilala ay dahil nasa same circle of friends lang din kami. Kaibigan siya ni Wave at classmate pa niya kaya nang makilala ko siya at naging crush, hindi na naging mahirap saakin ang makipagkilala sakaniya.

Masaya akong bumalik sa garden kung nasaan ang dalawa kong pinsang babae.

“Ba’t masaya ka? ” masungit na tanong ni Norj.

Ngumiti ako ng malaki. “He haven't say yes yet but sabi niya pag-iisipan niya raw! ” tsaka ako tumili ng tumili.

“I told you, Norj. ” ngising saad ni Empress.

“Whatever. ”

Gayon na lamang ang saya ko. Nang mag-bell ay sabay kaming gumayak papuntang mga classrooms namin. Kaming tatlo ni Empress at Norjannah ay parehas na grade 11 students, magkakaiba lang kami ng strands na kinuha. Si Shanaia at Vivoree ay 4th year students pa samantalang grade 12 naman si Arraiza. Ang mga pinsan ko namang lalaki na sina Bladdy, Marcus, Isaiah, Surfer at kuya Messiah ay nasa grade 12 na. Si Wave naman na nakababatang kapatid ni kuya Surfer ay nasa grade 11 din na kaklase ni Exzor. Magkakaiba lang kami ng strands.

Nang nasa classroom na ako ay umupo ako sa upuan ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa tingin ng mga kaklase ko. Sikat kasi ang mga Astrilejeo dahil sikat ang aming pamilya at.. mga gwapo at magaganda kami.

Wala lang ding teacher ang pumasok saamin kaya lumabas lang ulit ako. Nagulat ako nang nasa hallway na ako ay may umakbay saaking lalaki.

“I hate you, sis. ” napahawak ako sa dibdib ko. Si kuya lang pala! Ang hilig talaga nitong mag-ala kabute na kung saan saan na lang sumusulpot!

“Bakit naman? Tsss. ” singhal ko.

“A-anong bakit naman?! ” inis niya akong hinarap sakaniya dahilan upang makita ko ang magaganda niyang mata na kulay tsokolate. “You cheered for that stupid Exzor instead of me! ”

Yan pala ang pinuputak ng butsi niya kaya hindi niya ako pinansin ng magdamag?

“Ikaw ba crush ko ha, kuya,  ha? ”

“P-pero kahit na! ” pinandilatan niya ako ng mga mata. “I'm still your handsome brother, sis! ” mayabang niyang dagdag.

Napakaepal talaga nito kahit kailan. Napakahambog!

“Tsss.”

Tinalikuran ko siya at akma ng aalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ng sobra ang dibdib ko.

“Pumayag na ba siyang maging date mo? ” seryoso niyang tanong.

Napalunok ako at napatingin sa mapupungay at kalmado niyang mga mata.

Dati ko pa ito napapansin. Itong.. Hindi.. Bakit ba kung ano ano na lang ang iniisip ko? ”

“Pag-iisipan pa raw niya. ” sagot ko.

Ngumisi siya. “Pwede bang ako na lang? Sis, I'm more than handsome and you know that. Bagay tayo! ” humalakhak siya.

“A-anong bagay ka diyan?! ” singhal ko. “Kay Exzor lang ako bagay! Tabe! ” inis ko siyang tinalikuran ngunit narinig ko ko muna ang bulong niya.

“Parehas kayong panget! Tsss! ”

I Love You, Kuya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon