ii.

38 2 0
                                    


Binuksan nya ang kalan at sinimulang kalkalin ang cabinet . Tanging isang pack lang ng noodles ang nandoon at isang itlog na lang din ang nasa ref.

Niluto nya na ang noodles at isinunod ang itlog.

"Jiminie ,favorite ko yan~ "

Nanlaki ang mata nya at napatingin ng kaunti sa gilid nya. Nakita nya na naman sya. Nakanguso itong nakatingin sa niluluto nya.

Umiling lang sya ulet. Dahil baka epekto to ng di pagkain magdamag.

"Gutom lang yan jimin."

Pinagpatuloy nya ang paglalagay ng spices sa noodles na nakasalang. At ipinagsawalang bahala ang nakita at narinig nya.

Nakaramdam sya ulet ng paghampas sa braso at duon na sya napatakbo sa kwarto nya. Hawak hawak ang doorknob at hinihingal na sumandal sa pinto.

"Hindi hindi.. Hindi ka totoo." bulong nya.

"Jiminie?"

"Pwede bang tigilan mo na ko ?" inis nyang tugon. "Matagal ka ng wala! Wag mo na ko guluhin."

Bumabalik sa kanya ang lahat.
Ang lahat ng alaala.  Lahat lahat.

Yung araw na yon.

"Tara laro tayo!"

" Anong lalaruin naten? "

" Secret base!"

" Oo. Parang tagu taguan. Tapos pag nakita ka ng taya. Dapat makatakbo ka agad sa base nyo. "

" Sigeee! "

" Si Taehyung taya! "

Masaya lang sila maglaro. Nagtatawanan.  Hinahabol ang hininga.  Masaya lang sila na para bang wala silang iniindang kahit anong problema.

Di nila akalaing, sa araw na yon.  May mangyayaring di maganda.

" Yoonji ! "

" Y-yoonji. "

Bumalik sya sa katotohanan ng namalayan nyang tumutulo na isa isa ang luha nya.

"J-Jiminie.. " narinig nya muli ang boses nito. Ni Yoonji.

Ang kababata nyang matagal ng nawala dahil sa isang aksidente na di nila inaasahan.

"UMALIS KA NA. LALO LANG SUMASAMA PAKIRAMDAM KO DAHIL SAYO!" sigaw nya ulit.

Kompirmado nyang nakikita nya ito.
Ilang araw na nitong ginugulo sya. Naririnig ang boses  at nakikita kung san sya magpunta. Bigla bigla na lang susulpot sa tabi nya.

"M-masaya kong makitang ayos ka lang,j-jiminie.."

Rinig nya ulet . Ramdam nya ang lungkot sa boses nito. Na nakakapagpasikip ng dibdib nya.

"Sana maging masaya ka lagi."

Matapos nun ay wala na syang narinig na kung ano. Unti unti syang bumitaw sa pinto at binuksan ito.

"Yoonji?" nanghihina nyang tanong.

Sira na talaga sya. Pinaalis nya ngayon naman ay tinatawag nya. Aaminin nyang nasanay na rin sya sa presensya nito at ayaw nya itong umalis.

Baliw mang pakinggan.

Pumunta sya sa kusina at kinuha ang noodles na niluto nya at inilapag sa mesa. Bigla syang may narinig na pagtunog ng wind chime at agad syang napatingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's my Butterfly. - YOONJI x JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon