Ako si Athena nagtatago sa likod ng pagkatao ng kambal kong si Thalia, buong buhay ko lumaki akong nakatago lang sa likod ng kapatid ko palagi na lang naghahati sa isang bagay bilang magkapatid pero pati ba naman sa lalaking mahal ko? Sinung magpaparaya sa amin si Ate ba? O ako?
Bata pa lang kami ng kambal ko ay puro pagkukumpara na lang ang nadidinig ko sa araw araw na ginawa ng diyos palagi na lang si Ate, si Ate maganda, si Ate matalino, si Ate mabait na anak, Si Ate isang PERPEKTONG ANAK para sa kanila, samantalang ako nasa isang sulok lang na walang ginawa kung di tanungin ang sarili kung bakit ganun na lang ang pagpapahalaga sa kanya ng mga nakapalagid sa amin, “Bakit ganun? Kambal naman kami pero bakit si Ate lang ang napapansin nila? Andito din naman ako ah?” yan ang palaging tumatakbo sa utak ko nung mga oras na yun.
Hanggang sa lumaki na kami ay ganun pa rin walang pinagbago, sawang sawa na ako sa buhay na ganito dumating sa punto na naging rebelde akong anak sa kanila “Anu ba naman yan Athena bakit di mo gayahin ang ate mo matalino!? Mabait samantalang ikaw walang ginawa kung di ipahiya ang pamilya natin, wala ka na bang ibang alam gawin kung di pasamain ang loob namin?!” puro masasakit na salita na lang ang naririnig ko sa kanila, pinapansin lang nila ako kapag may ginawa na akong hindi nila nagustuhan, lumipat na lang ako ng bahay para hindi ko na sila nakikita.
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Jared ang lalaking pinakamamahal ko ngunit palihim nga lang, pero kahit ganun naging inspirasyon ko siya sa lahat ng bagay siya na lang dahilan kung bakit pinagpapatuloy ko pa rin mabuhay dito sa mundong ibabaw, alam kong hindi sapat ang rason ko pero mahal ko na talaga siya , malayo man kami sa isat isa sabihin na natin na nagmahal ako ng isang tao na hindi naman ako kilala ngunit nagbago ang lahat yun isang araw,
Lumapit siya sa akin, nung una akala ko nananaginip lang ako pero hindi pala, hindi ko alam kung anu ang gagawin ko kung tatalikod ba ako at tatakbo nalang palayo o haharapin ko siya, hindi ko namalayan na nasaharapan ko napala siya nakatitig lang siya sa akin ng may malawak na ngiti sa labi hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o iiwas na lang ng tingin, masyado ng okupado ang pagiisip ko nung mga oras na yun pero hanggang sa huli nginitian ko na lang siya at nag “Hi” sa kanya,
Akala ko di na niya ako babatiin dahil nakakatitig lang siya sa akin pero pamaya-maya sa halip na ‘Hi’ ang matanggap ko sa kanya na sagot ay “Hello! Ako nga pala si Jared Calderon uhhmm—pwede ba kitang ligawan? Kung okay lang naman sayo??” sabay ngiting pagkalapad lapad pero halatang nahihiya siya dahil namumula siya, hindi ko alam kung anu gagawin ko nung mga oras na yun, samu’t saring emosyon ang nararamdaman ko, Masaya ako sobrang saya dahil sa wakas, ang taong pinahahalagahan ko, ang taong minamahal ko ng lubos ay napansin ako.
Mag da-dalawang buwan na ng ligawan ako ni Jared, sa mga nagdaan na buwan ay naging masaya ako sa piling niya, araw araw hatid sundo niya ako sa apartment ko ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin walang araw at oras na hindi niya pinaradam sa akin kung gano ako kahalaga sa kanya at hindi ako nagiisa dahil kasama ko siya, hanggang sa dumating araw na pinakahihintay ko, ang sagutin na din siya sa wakas.
Hindi ko inaasahan na sobrang magiging masaya siya sa ginawa ko, nagtatalon siya sa sobrang saya binuhat niya ako at pinaikot-ikot , tawa lang kami ng tawa ng ibaba niya ako ng bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit higpit “Mahal na mahal kita Athena hinding hindi kita iiwan” sa sobrang saya ko hindi ko napansin na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko, ngayon lang ako naging sobrang saya sa buong buhay ko, hinihiling ko na sana hindi na matapos ang araw na ito “Mahal na mahal din kita Jared”.
Ilang buwan na ang nakalipas ng sagutin ko si Jared at panglimang buwan nanamin ngayon, hindi ko aakalain na tatagal kami ng ganito pero, parang may mali eh habang patagal ng patagal pakiramdam ko na nagiging malamig na siya sa akin, hindi ko alam kung bakit pero kahit ganon siya pa rin ang lalaking pinakamamahal ko, kaya desidido na akong ipakilala siya kay mama at papa, kaya tinawagan ko siya upang ipaalam sa kanya ang desisyon ko at pumayag naman siya, sa susunod na linggo ay magiging legal na rin kami sa wakas ni Jared, naguumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ko, hinihiling ko na sana tanggapin siya nila mama at papa, dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya sa buhay ko.