Napaungol siya sa biglang tulak ng aking mga labi. Kay ganda at kay tamis sa tainga na marinig ang kanyang pagtawag sa akin, na para bang tinatanggap niya ang saglit na ito nang buong puso bilang isang grasya. Hindi mapakali ang kanyang mga binti sa aking pagbaon, nakapilipit na ngayon ang mga ito sa mga balikat ko.
Wala siyang kapangyarihan sa aking bawat pagkalabit. Naghahanap siya ng ginhawa; nanghihina ang kanyang katawan ngunit nakangangalap ng kakaibang lakas upang hindi bumitaw sa aking kapit.
Sadyang makisig ang tuloy na pagsunggab ko sa kanya; hawak ko ang pigura niya na para bang ito'y aking pagmamay-ari. Naaamoy ko ang bakas ng perfume niya sa kanyang pagdakot sa akin: masamyo at natatanging bango na sa kanya ko lamang nahahanap, at sa kanya ko lamang nahahanap mahalin.
Ang pagkabuklat ko sa mga marikit na mga binti niya ay parang pagbuklat ko sa isang aklat—isang aklat na kilalang-kilala ko. Sa pagtuloy ng aking mga labi at ng aking dila sa pagsasalita para sa aming dalawa, nagbalik-pagsusuri ako sa kanyang bawat kurba, na para bang binabasa ang mga pahina ng kanyang marilag na libro.
Siya'y napapapikit sa pagpukaw ko ng kanyang kalooban, at mula sa aming matalik na pagkayakap, nararamdaman kong umaangat ang kanyang kaluluwa—sa pagtawag niya sa mga anghel, at sa paghiyaw niya ng aking pangalan.
BINABASA MO ANG
Exhibit
Short StoryIntensity and Intimacy. 'Wag matakot bigyan ng tingin ang kaayaayang mga pasilip sa kakaibang exhibit.