Spoiled meets the Boss

318 7 2
                                    

 prologue~~

“hoy bata anong pangalan mo??” pa-cute na tanong ng sampung taong gulang na si Manuel sa isang batang naglalaro ng manika sa ilalim ng puno

            Maganda ang batang babae. Naka headband ang mahabang buhok  nito at naka bestidang maikli at nakasuot pa ito ng mahabang medyas na kulay pink na stripes na hanggang tuhod nito at naka doll shoes.

            Mas maliit ang batang babae kaysa sa kanya kaya alam ni Manuel na mas bata ito sa kanya at kahit malayo ito sa kanya ay amoy na amoy niya ang mabangong cologne nito.

            Napahinto sa paglalaro ang batang babae at lumingon kay manuel. Akala ni Manuel at makikipagkilala ito sa kanya pero sa halip ay sumimangot ito, inilapag nito ang manika sa bench at pinamewangan siya.

“hindi bata ang pangalan ko!”sabi nito ng pasungit

            Medyo nabigla si Manuel sa reaksyon ng kaharap. Pero dahil napa-cute ng batang babae ay hindi niya sineryoso ang galit at reaksyon nito. Bagkus ay natawa siya dito.

“alam ko! Kaya ko nga tinatanong ehh..Anong pangalan mo?”

“sabi ng mommy ko don’t talk to strangers! Sa mga taong hindi ko kakilala!”  pasungit na sabi ulit nito

“kaya nga ako nakikipagkilala e. Para hindi na ko maging strangers sayo. Gusto sana kasi kitang maging kaibigan. Okay lang ba?”

            Kumunot ang noon g batang babae..

“Ano? Nagpapatawa ka b? Gusto mo kong maging friend? E ni hindi ko nga alam ang pangalan mo diyan!” sabay ikot ng mga mata

            Ngumit si Manuel

“Ako nga pala si Mauel. Dito nagtatrabaho ang daddy ko” pagpapakilala niya “Diyan o sa loob ng factory” sabay turo sa bandang likod

            Nasa compound si Manuel ng factory ng pinagtatrabahuhan ng kanyang daddy. Dahil naka-leave talaga ang pangalawa ngayon at may aasikasuhin lang saglit dito sa opisina , isinama siya ng ama dahil uuwi naman daw sila agad.

            Para daw hindi siya mainip at para hindi rin siya mainitan dahil medyo mainit sa loob ng factory, iniwan na lang muna siya ng daddy niya dito sa garden ng compound para maglaro.

“ahh” sabi ng batang babae “dyan ba kamo nagtatrabaho daddy mo? E di ibig sabihin boss niya daddy ko. Kasi kami ang may ari nitong factory na to!” payabang na sabi ng babae

“ganon ba? Kung ganon daddy mo pal ang ikinukwento ng daddy ko na mabait nyang amo. Mabait daw ang daddy mo sabi sakin ng daddy ko. Kaya nga tuwang tuwa ang daddy ko na dito siya nagtatrabaho.”

“medyo mahirap pala maghanap ng trabaho dito sa Maynila no? kasi alam mo galling kami sa probinsiya. Mag iisang taon pa lang kami dito”

“Pakielam ko? Tinatanong ko ba?” malditang sabi ng babae

            Dahil sa isinagot ng kaharap ay medyo nainis na si Manuel!

“Ang sungit mo naman! Nakikipag-usap ako ng maayos tapos ikaw ng sungit-sungit mo!”

“Alam mo kung bakit? Kasi ayaw kong makipag-usap at makipagkilala sayo!”

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Manuel

            Tiningnan muna siya ng batang babae mula ulo hanggand paa bago ito sumagot.

“Ang pangit-pangit kasi niyang suot mo! Tingnan mo o, may mantsa pa ang T-shirt mo! Yan naming shorts mo parang ang liit na sayo! Tapos ang pangit-pangit ng shoes mo! Pudpod na pudpod na o!” sabay turo sa sapatos ni Manuel “Bakit hindi ka magpabili ng sapatos nab ago sa daddy mo?”

            Napahiyang tiningnan ni Manuel ang sapatos niya.

“Wala pa kasing kaming pera ng daddy ko. Marami pa kaming pinagkakautangan, atasaka pwede pa naman tong sapatos ko e. Nasusuot ko pa naman ng maayos” pakatwirang sagot niya sa babae

“Pero pudpod na nga! Bakit kaya hindi ka kumuha ng sapatos diyan sa loob ng factory?  Maraming sapatos diyan. Pagawaan ng sapatos yang factory naming e. “ paliwanag ng babae. “hindi mo ba alam? Di ba diyan  nagtatrabaho ang daddy mo. O di dapat alam mo!”

“Alam ko nga pero wala naming pambata dyan e. Puro malalaki lang” paliwanag ni Manuel na nakakaramdam na ng hiya.

“Dahil lang ba dito sa damit ko at sapatos kaya ayaw mong makipagkaibigan sakin? Ang salbahe mo naman….” May hinampong sabi ni Manuel. “Sobra ka naman manlait”

            Pinagkrus ng batang babae ang mga braso at muling tiningnan si Manuel mulo ulo hanggang paa.

“Hindi ako salbahe no! Ayoko lang ng dirty! Teka dito ka rin ba magtarabaho sa factory naming paglaki mo gaya ng daddy mo?”

            Nag-isip si Manuel at nagkasalubong ang kilay.

“Ha? Ewan ko. Hindi ko alam. Bakit mo tinatanong?” takang taka si Manuel

“Kasi kung dito ka magtatrabaho paglaki mo ibig sabihin non ako ang magiging boss mo! Ang sabi kasi ng daddy ko sakin daw ipapamana ang factory naming!” payabang na sabi ng batang babae

“Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo para alam mo na agad na baling araw ako ang magiging boss mo!” tuloy tuloy na sabi ng babae “Sige nga, mag praktis tayo, tawagin mo akong ma’am. Bilis!”

“Ha?”

“Ang sabi ko tawagin mo akong ma’am. Bingi ka ba?”

“Tatawagin kitang ma’am? Ma’am ano? E hindi ko nga alam ang pangalam mo!” pangagatwiran ni Manuel

            Umikot ang mata nga batang babae.

“Hay naku! Ang dami pang tanong! Hindi na lang sundin ang gusto ko! O sige na nga. My name is ---

“Teya! Timotea nasan ka na ba?” ang sabi ng isang baba mula kung saan. “Teya!”

            Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses.

“Yaya Im here!”

“Teya? Teya ang pangalan mo? Timotea?” tanong ni Manuel

“Oo bakit may problema?”

            Umiling si Manuel…

“Wala! Ang ganda nga ng pangalan mo ee..!?”

“Naku Teya..anu k aba naming bat aka kanina pa kita hinahanap eee..hinahanap ka nan g mommy mo allis na raw.”

“Nagpi-play pa ko ee..ayoko pang umuwi…I WANT TO STAY!”naghihimutok na sabi ni Teya

“Hindi na pwede..Aalis na raw tayo”

            Lumabi si Teya…

“Sige na nga!” sabay baling kay Manuel. “O tatandaan mo ha kapag ako na ang boss mo ang itatawag mo sakin Ma’am Teya..tandaan mo Ma’am Teya!”

            Tumango si Manuel..

“Good!” tila natuwang sabi ni Teya.

“O siya tama nay an Ma’am Teya!”

“Ba-bye Teya!” paalam ni Manuel

            Pero sa halip na ngitian rin si Manuel at magpaalam ay pairap na muling tiningnan si Manuel ng batang babae at pagkatapos ay tuloy tuloy na naglakad palayo.Naiwan si Manuel na sinusundan ito ng tingin.

“Teya……ang ganda naman ng pangalan niya! Parang siya ang ganda ganda rin..Sana nga baling araw maging boss ko siya! Tila nanaginip na sabi ni Manuel habang nakatitig pa rin sa palayo na si Teya

“Sana nga dito rin ako makapagtrabaho sa factory na to baling araw! Gusto ko siyang maging boss…si Teya!” masayang tinig na bigkas ni Manuel

Spoiled meets the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon