CHAPTER EIGHT

39 1 0
                                    

Teya’s POV

“So? Tayo na ba?” tanong ni Kristoff sa akin.

            Kumunot ang noo ko. Matagal ko nang kilala si Kristoff kaya alam kong hindi malakas ang sense of humor nito at hindi ito nagbibiro sa tanong nito ngayon.

“Tayong ano?” patay-malisya kong tanong kahit alam ko na ang tinutukoy ni Kristoff.

“Tayong…..” nagsalubong ang mga kilay ni Kristoff na tila ba nagtataka kung bakit hindi ko alam ang tinutukoy niya. “……tayo! Ano ka ba! Kelangan ko pa bang ipaliwanag?”

            Tumango ako.

“Oo, kailangan mong ipaliwanag dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.”

            Ngumisi si Kristoff at tumingin sa malayo. Para san na naman kaya yung ngising yon? Kinakabahan ako dun a. Nasa sala nga pala kami.

“Hindi mo maintindihan?” he asked me incredulously.

“Teya matagal na kitang gusto at alam mo yan. I like you a lot! Kaya huwag mong sabihin sa akin ngayon na hindi moa lam ang ibig kong sabihin!”

            Aba’t pranka ka na lang din sakin edi magpapaka-pranka na lang din ako.

“I know you like me, Kristoff. But it doesn’t mean that just because you like me e magugustuhan na rin kita bilang boyfriend ko. yung assumption mo na yon ang hindi ko maintindihana!”

“Kasi ayaw mong intindihin!” nanggigigil na sabi ni Kristoff.

“Ano ba ang dapat ko pang intindihin? Sinabi ko na sayo dati ng paulit-ulit-ulit-ulit na hindi nga kita gusto! Hindi-kita-gusto!” sabi ko na idiniin pa at dah-dahan ang pagkakasabi. “Pero masyado kang makulit.”

            Natahimik si Kristoff. Totoo kasi ang sinabi ko. Dati ko pa itong tinapat na wala akong gusto rito.

            Pero napakakulit nito! Pinanghahawakan kasi nito ang biruan ng ama nito at ng daddy ko noong mga bata pa kami na ipapakasal kami ng mga ito paglaki.

            Pero biruan lang yon! Joke lang! ni hindi seryosong pinag-usapan ng mga tatay-tatay namin! Sukat ba namang seryosohin ni Kristoff na ito.

            Magkaibigan ang daddy namin. Hindi naman best of friends but close enough. Tito Kris ang tawag ko dito. Isa rin itong negosyante.

            At hindi katulad ng anak nito. Napakabait at napakahumble nito. Kaya marahil naging magkaibigan ang mga daddy namin.

            Parang walang narinig ang kaharap ko sa mga sinabi ko. Sa halip ay mas lalo pang nagkaroon ng conviction ang mukha nito bago ulit nagsalita.

“You ang me, ipinagkasundo tayo ng mga ama natin.

“Excuse me, Kristoff! They were just joking! Hindi seryosong usapan yon! Ikaw lang ang kaisa-isang nagseryoso sa biruan na yon!”

“It was not a joke, Teya. It was never a joke to me! Walang biruan sa kasunduang yon! Seryoso ang usapang yon!” giit ng bwisit na kaharap ko!

“Sayo! Pero sa mga ama natin, usapang lasing lang yon! At para sa akin, wala lang yon! Bakit ba napakakulit mo? Alam mo kapag hindi ka pa tumigil, ipapa-ban na kita dito sa bahay namin! And I’m not joking!”

“Dahil sawang-sawa na ko sa kai-explain sayo, hindi tayo pwedeng dalawa dahil hindi kita gusto! Friendship lang ang pwede kong i-offer sayo. Pero sa inuugali mong yan, pati friendship parang ayaw ko na ring ibigay sayo!”

Spoiled meets the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon