Aemie's POV
Wallace Martin – a tycoon who owns multiple hotel chains.
Ito lang? Wala man lang bang ibang description itong dating kaibigan ni Zeke? Hay. Pinasasakit niya ulo ko kakaisip.
"Wife, get some sleep. It'll be a long day tomorrow." Antok na antok na ang boses ni Zeke, pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paghahanap ng information tungkol kay Wallace Martin Lionhart. Baka naman kasi may mga nakatago pang information sa internet na hindi ko pa nakiki—
"Throw that goddamn laptop away and lay here beside me."
Nahinto ako saglit sa pagta-type para tignan si Zeke. Nakapikit naman siya pero bakit kaya—
"Wife, do you hear me?"
Isinara ko agad ang laptop at ipinatong sa table nung dumilat si Zeke. Akala ko kanina nagtutulug-tulugan lang eh. Totoo palang gising.
"Hehe sorry may tinignan lang ako," sabi ko nung makahiga ako. Yumakap lang si Zeke at hindi na nagsalita. Hindi pa rin naman ako inaantok kaya wala ako magawa kung hindi pagmasdan siya.
Hindi naman ito yung first time na makikita kong may sugat si Zeke. Hindi rin ito yung first time na nakita kong may nakatutok na baril kay Zeke. Pero tuwing mangyayari 'yon, natatakot ako. Tuwing dadating sa point na ganun, hinihiling ko lagi na ako na lang. Ayokong mawala si Zeke—siguradong iiyak ako nang bonggang-bongga.
Hay! Ano ba 'yan? Bakit ba tumutulo luha ko?
Sa totoo lang, nawi-wirduhan ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi may problema, at nararamdaman ko rin na nahihirapan si Zeke. Kahit na alam ko minsan na may pagka-shunga si Zeke, naniniwala akong matalino siya. Hindi naman siguro siya makaka-graduate kung hindi, 'di ba? Pero ngayon kasi feeling ko isa ako sa mga problema niya.
Kaya nga sinusubukan kong maghanap ng mga impormasyon tungkol sa dati niyang kaibigan. Gusto kong tulungan si Zeke, sa kahit na anong paraan.
Hinawi ko ang buhok ni Zeke at saka bumulong. "I love you, hubby."
Inantay kong sumagot siya, pero mukhang mahimbing na ang tulog. Hindi man lang nag-goodnight. I-'who you' ko kaya siya bukas paggising?
Dahan-dahan akong tumayo para kuhanin ang cellphone at saka lumabas ng bahay.
*
Meisha's POV
"Time to sleep," I said, almost whispering after a long yawn. Nakaka-stress din pala mag-isip nang mag-isip. Tsk.
*
"Hahahaha. Ang sarap mo pala kasama."
"Tigilan mo ko, Lerwick," I said sarcastically, pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"'Yan! Ngumiti ka lagi, para lalong lumitaw ang kagandahan mo."
*
Iritang-irita kong ginulo ang buhok ko, at nagtaklob ng unan. Kalma, Meisha, okay? Tama na pag-iisip tungkol sa lalaking 'yun. Walang madudulot na maganda ang—
"Leche! Sino naman kaya 'tong tatawag ng ganitong oras?" pabulyaw na tanong ko, as if masasagot ang tanong ko nang hindi tinitignan ang cellphone.
Padabog kong dinukot ang phone sa ilalim ng unan at... "Miss Aemie?"
[Uhh-hello, hehe. Meisha, matutulog ka na ba?]
Umupo ako para maayos na makapagsalita. Bakit kaya napatawag si Miss Aemie ng ganitong oras. "May nangyari po ba? Nasaan po kayo? Do you want me to go there?" Sunod-sunod na tanong ko at saka bumaba ng kama at naglakad papuntang closet.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia Boss (Season 2)
ComédieMarriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can this sweet Barbie-loving airhead continue to survive the life of being wife to a Mafia boss? *** Ma...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte