Akala

2 2 0
                                    

Ako ay nagulat kung bakit nila ito ginawa

Isang hubad na anyo ang bumungad

Sa aking mga matang nagimbal sa takot

Dahil ang anyong iyon pala ay ako.

Bakit nila ako pinagtaksilan,

Bakit nila ako pinatay sa pagsisisi,

Akala ko sila'y kaibigang wagas

Na magpapayo sa aking, "Kaya mo yan"

Akala ko ay magiging matapang ako,

Kapag nakasama ko na sila

Silang dala dala ang mga alak

Silang mga taong walang takot kaninuman

Akala ko ay puno na ng ligaya ang buhay ko,

Wala ng takot na magbabanta

Akala ko, sakit at ungol ang siyang gagaling

sa buhay kung gumuho sa simula

Akala ko ako ay magiging ako na,

Magiging ako na kinamamanghaan

Sa bagsik ng aking tapang

Ngunit ang akala ay isa lamang akala

Ang mga akala ko ay nabura

Dahil pagsisisi lang pala ang matitira

Dahil ginawa kung alipin ang sarili ko

Dahil pinakita kung mahina ako

ang=������ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ShatteredWhere stories live. Discover now