-One Shot-

118 9 6
                                    

Author's Note:
Recommendation: Please play the song Stay by Daryl Ong while reading this one shot. Thank you! ❤

~Gwen

-----

May 13, 2018

"Jewel, nag-ani na ako ng rosas." Sabi ni ate Ella na may dalang dalawang dosenang rosas. At kulay pula ang mga ito.

Nagpasalamat ako kay ate dahil sa tulong niya. Pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang flower vase na may kalahating tubig ang laman at isa-isa naming inilagay ang mga rosas dito.

3 years ago, nagtayo ako ng flower shop at ipinangalan ko itong Bloom in Love. At ngayon, kahit summer na, marami pa rin kaming costumers dahil baka special days rin nila.

Biglang tumawag sa telepono si kuya Marco, ang boyfriend ni ate Ella. Tinawag ko ang kapatid ko para sila nang dalawa ang mag-uusap. May pa-"I miss you" at "I love you" sila. Nang binaba na ni ate Ella ang telepono, bumalik siya sa kanyang pwesto at tinulungan niya ako sa pagd-display sa mga bulaklak.

"Ate, napakaswerte mo talaga! Nahanap mo na ang iyong Mr. Right." Sabi ko kay ate at tumawa din ito. Pero biglang nawala ang ngiti ni ate.

"Jewel." Tawag nito sa akin at agad akong lumingon sa kanya. "Miss mo na ba siya?" Nakatingin lang ako kay ate Ella na nakatingin din sa akin. Napatingin ako sa kaliwa at pinagmasdan ko ang isang picture. Picture na siya ang nakuhanan.

"Oo naman ate..." Mahinang sagot ko. "Sobra."

Napatango si ate at bumuntong-hininga. Kumuha siya ng tatlong rosas na galing sa flower vase at ibinigay niya sa akin. "Ibigay mo na mga ito sa kanya."

"Ate naman. Parang ako ang nanligaw." Reklamo ko.

"Miss mo siya, diba? Bigyan mo na." Aniya. Napatingin ako sa tatlong rosas na hawak ko. Napangiti na rin ako. Pumasok muna ako sa shop at kinuha ang aking video camera. "Oh bakit dadalhin mo 'yan?" Tanong pa ni ate.

"Baka may ma-video ako sa labas. Maganda pa naman ang araw ngayon." Sagot ko at inilagay ang video camera sa sling bag ko. "Bye ate!" Kumaway ako ng kamay sa kanya at lumabas na sa shop.

Hindi muna ako pupunta sa kanya. I decided to go somewhere else. Sa lugar sa dun kami gumawa ng maraming alaala... Sa university. Summer na pero maraming estudyante ang nandoon para sa enrollment nila. Pero ako, since college graduate na, pupunta lang ako for no reason. Hehe.

At dahil andito na ako sa university, kinuha ko ang phone ko at nang na-turn on ko ito, agad kong tinext... siya.

To: Sean❤
'I wish you're here.'

Nang napindot ko ang send button, pinatay ko ang cellphone at isinuksok sa bulsa ko. Tumuloy na rin ako sa paglalakad. Hays, miss ko na talaga ang lugar na 'to. Ang huling beses na tumapak ako sa lupa ng university ay nung tatlong taon na ang nakalipas. That was during our graduation day in college.

Huminto ako sa paglalakad nang nakita ko ang aking 3rd-year college classroom. Pumasok ako sa room at nakikita kong wala pa ring nagbabago mula noon. Pero disarranged lang ang mga upuan. Napatingin ako sa isang upuan na nasa sentro ng silid-aralan. At meron akong naalala nito.

July 21, 2013
"Sean! Give me back my phone!"

"Catch me if you can!"

Inagaw niya ang cellphone ko kaya hinabol ko ito. Para kaming pusa't-daga na naghahabulan sa buong classroom, pati na rin sa corridors. Hanggang sa nawalan kami ng balanse. Buti na lang at napaupo siya ng upuan paghulog nito. Yun nga lang, ako ay nakapatong sa kanya. I literally sat on his lap. Pero kahit awkward 'yon ay natawa kami sa isa't-isa.

I Wish You're Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon