Mahabang buhok, makinis na balat, masayahing mukha, napakaganda at napakasigla.
Si Criselda ay isang masayahing dalaga. Ayaw na ayaw niyang makakita ng taong malungkot. Halos lahat ng binata sa kanilang nayon ay gusto siya. Inggit at galit ang nararamdaman ng ibang kababaihan. Until that incident happened.
Nagsimulang magbago ang kanyang ugali. Ang dating masayahin at palaayos ay naging pabaya't palaging nagmumokmok. Hindi na nasisikatan ng araw ang kinaruruonan ni Criselda. Palagi siyang nakatago at hindi na lumalabas sa kanyang kwarto.
Alalang-alala nadin ang kanyang mga magulang.Mahirap lamang sila at walang maipagamot kay Criselda. Nabenta na nila halos lahat ng kanilang ari-arian. Maliit na bukit sakahan nalang ang natira. Nawawalan na ng pag-asa ang kanyang mga magulang. Hindi narin nagsasalita si Criselda.
Hanggang sa, namatay sa sobrang pag-aalala ang kanyang ina at na ospital ang kanyang ama. Hindi din nagtagal at ito'y binawian ng buhay. Naiwan si Criselda sa kanilang munting tahanan.
Namumuro na siya sa kutya at pang-aapi ng kanilang mga kapitbahay.
Walang nakakaalam sa dahilan ng kanyang pagbabago. Lahat ay nahihiwagaan.
Hanggang sa sumapit ang kanyang ika-labingwalong kaarawan at siya'y binawian ng buhay. Bago siya namatay, sinumpa niyang lahat ay magbabayad sa pamamagitan ng dilim.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
HorrorShe lose herself in the dark. Don't turn the light off. Darkness invades her soul. Meet her in the dark and you'll see her cruel side. She's the monster you don't wanna meet. You wouldn't want to make mistake, cause in the dark she live.