(Puzzled)

1.5K 50 2
                                    

Max's PoV

"Saan kayo pupunta? Dali punta muna tayo sa clinic, importante ito. Si Diane" may halong pangamba na sabi ni Hannah. Tsk akala nya naman na hindi namin alam.

"Doon rin punta namin noh" sabi ni Irene. Meron kase nag text saakin na nasa Clinic raw si Diane. Ewan ko kung paano na laman nang dalawa.


Pagpasok at pagpasok namin sa clinic, nadatnan namin si Diane na nakahiga sa bed at mukang gising na sya at nahagip rin nang tingin namin ang dalawang lalake na nakatayo sa gilid nang bed.



Wait--si Jerome ba toh? Bakit sya nandito? "Jerome?" Tumingin kaming tatlo kay Jerome na nakatayo sa gilid nang bed. Yung isang lalake nakatalikod, sino ba toh? Bakit sya nandito? Wala namang kapatid si Diane na lalake ah. Tsaka wala syang boyfriend ngayon dahil sabi nya halos lahat na ng lalake naging sila na. Psh.



"J-j-jos-hua?!!!" Sigaw ni Hannah. JOSHUA?!?! Tumingin kami sa lalake na nakatalikod. Si Joshua?!



"Diane okay ka na bah?" Mukang iniba ni Irene para hindi naman awkward dibah? Kahit kami nagalit rin kay Joshua noon ng iniwan at pinag muka nyang tanga ang bestfriend namin. Sino ba ang hindi magagalit nun? Ilang araw na nagkukulong si Diane dahil sa lintik na Joshua nayan.





"Joshua labas" utos ni Hannah. Ibang iba ang tono ng boses ni Hannah. Kahit kase parating nag aaway ang dalawa mahal na mahal parin nila ang isat isa. Noong nasaktan nga si Diane dahil kay Joshua sya talaga nag alaga kay Diane kaya grabe sya pagdating kay Diane.



"Huh?" Nalilitong tanong ni Joshua. Ano to lokohan? Labas nga sabi ni Hannah eh. Batukan ko to eh. Kakausapin lang naman sya ni Hannah ah. "Joshua sabi ko labas" diniinan pa lalo ni Hannah ang pagkasabi pero si Joshua halatang nagtataka.



"Hannah teka muna hindi sya si Joshua" literal bagsak ang baba namin sa sinabi ni Diane. Panong hindi sya eh magkamuka at magkamuka kaya sila.



"Kase si Joshua merong birthmark yun sa braso. sa una nga rin eh akala ko sya si J-- basta. Nawalan pa nga raw ako nang malay" okayy???.



Yumuko lang ang lalake. Naku naman si Hannah kase eh. "Hehe, Pasensya na" sabay sabay naming sinabi. Teka nga bakit ba napunta rito si Jerome? Anong kinalaman nya rito?



"Ate pasensya kana talaga ah. Akala ko kase ikaw si Chloe hindi ka kase tumingin saakin nun at pareho talaga kayo pagnakatalikod kaya akala ko ikaw sya ,may tampo pa naman kami nun kaya akala ko talaga ikaw sya dahil galit ka sakin eh akala nya nga hindi ko na sya mahal kaya nasabi ko yun. Pasensya talaga" nagsitinginan kaming apat na babae. Mali kami eh hehe.



At huminga ng malalim. Mabuti naman at hindi si Joshua na Joshua ang narito baka di masikatan nang araw yun pag nagkataon.


"Okay lang yun. Sige na makaalis kana, mag ayos kayo ni Chloe" sabay ngiti ni Hannah sa lalake. Talagang Hannah to kanina parang tigre tapos ngayon naging pusa?


"Sige po salamat at pasensya" sabi nito at umalis. "Ka---" sino na naman bang abala? Naman eh.



"Huy Bro bakit nandito ka? Nagkakagulo sa labas dahil ang campus Princess daw na si Diane nawalan nang mal--- huy Diane kamusta?" Nakatingin lang kaming lahat kay Kevin. Nag peace sign nalang sya nung nakita nya kaming nakatingin sa kanya ng masama.




Si Kevin parang ewan lang.






"Kamus---" na naman? Ano na ba ngayon? "Hi Babe" at naramdaman kong may umakbay sakin. Sino ba toh? Kainis. Kanina pa sila putol ng putol ng sasabihin ko.




Campus Royalties (Royal Girls Vs. Royal Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon