Kabanata 2

13 2 0
                                    

One of the hardest parts in life is deciding whether to walk away or try harder.

It's him

Kanina pa ako nakababa ng eroplano pero hanggang ngayon hindi pa rin dumadating yung sasakyan na pinadala ni Delmar para sunduin ako. Arghh nakakainis na ah! Almost 2 hours na kong naghihintay dito pero hanggang ngayon wala pa rin. Kukunin ko na sana ang telepono ko nang biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko.

"Waaaaaaaa, Jane sorry nagkaemergency kasi yung driver namin kaya ako nalang yung sumundo sayo. Pero habang nasa daan pa ko e, nasiraan naman ako bigla. Kaya sorry talaga Jane waaaaaa!"

"Tsk. Whatever." Pumasok nalang ako sa sasakyan kesa makipagbangayan sa kanya. Err pagod na ko, ikaw ba naman tumayo at maghintay ng almost 2 hours tas nakaheels ka pa duh!

"Eh,Anyare te? Himala at hindi mo ko dinadaan ngayon?"

Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang ako ng music sa ipod ko. Bukod kasi sa pagod ako hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung lalaki kanina na nakabanggaan ko. His eyes, parang natutunaw ako. Parang anytime hihigupin ka. Argh. Bakit ko ba siya iniisip? Tsk, siguro pagod lang talaga ako.

"We're here." Anunsyo ni Delmar. Bumaba na siya at hindi na ako hinintay pa.

"Hey, Delmar! Help me." Sigaw ko sa kanya.

"HAHAHA. Akala ko kaya mo na yan since wala ka naman sa sarili mo." Napansin niya pa yon err? Sinamaan ko nalang siya ng tingin at sumunod nalang ako sa kanya ng tahimik.

Paakyat na kami at nakasakay na kami sa elevator. Pinindot ni Delmar ang number 15 kung saan andoon ang kanyang condo unit. Naramdaman ko ang hapdi sa paa ko kaya naisipan kong
tanggalin nalang yung sandalyas ko. Ramdam na ramdam ko na kasi yung sobrang paghahapdi niya.

"Hey Jane! Bakit mo hinubad ang sandalyas mo?" Tanong ni Delmar ng mapansin na dala dala ko na yung sandalyas ko.

"Mahapdi na kasi yung paa ko dahil sa sugat." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Wala ka ring kaartehan sa katawan e no? Pero nung nagpasabog ng kamalditahan sinalo mo lahat HAHAHAHAHA."

*Ting*

Tumunog na yung elevator it means andito na kami sa tamang floor. Nauna na akong lumabas sa kanya dahil busy pa rin siya kakadada don.

"Hintayin mo naman ako Janeeeeee!" Tsk. Eskandalosa kung makasigaw kala mo pagmamay-ari niya yung buong building.

"Saan ba dito?" Tanong ko sa kanya since hindi ko naman alam kung saan yung condo niya dito.

"Sa 15 B, sa kaliwa."

"Okay." Nauna ako sa kanya na makarating sa harap ng pinto. Pero syempre hinintay ko muna siya bago ako na kapasok. Wala pa kasi akong spare key, so baka bukas nalang kami humingi at mamimili na rin kami ng mga gamit niya sa condo niya since wala pa masyadong mga gamit dito.

Habang hinihintay ko siya tumingin tingin nalang muna ko sa paligid at natansya ko na may 3 palang siyang kapit-bahay dito. Wow ah ang laki laki ng floor na to pero apat lang silang magkakapit-bahay. No wonder mga mayayaman e.

"Oh buksan mo."  Sabay hagis sakin ng susi. Oh andito na pala siya hindi ko namalayan.

Pagkabukas ko pumasok agad ako at nilagay ko yung sandalyas ko sa shoe rock niya at dumiretso agad ako sa sofa.

Hay nakakapagod. Maliligo na nga lang muna ako.

"Saan ang kwarto ko?" Tanong ko kay Delmar na kakapasok pa lang.

"Sa second floor, yung color black na door sakin naman yung pink hihi." Tsk. So girly.

"Okay I just take a bath." Tumango lang siya sa akin kaya, lumapit ako sa kanya at kinuha ko na sa kanya ang maleta ko. Umakyat na ako at inayos ko muna yung mga damit ko at kumuha na rin ako ng isang pares ng pajama. Habang naliligo ako hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalaking nakubungguan ko kanina. Unang pagkikita papang namin parang may mali na e. Bakit parang may mga paru-paru sa tiyan ko tapos bakit nagslow motion pa? Ano kayang ibig sabihin non? Tanungin ko kaya si Delmar, hindi pwede baka pagtawanan lang ako non siguro masama lang yung pakiramdam ko kanina kaya nagkaganon. Umahon nalang ako sa bath tub at nagbihis na pero bago ako lumabas ng kwarto blinower ko muna ang mahaba at wavy kong buhok.

"Jane gutom ka na ba?"

"Yup, bakit wala pa bang pagkain?"

"Eh kasi diba bukas pa tayo bibili ng mga gamit so wala pang utensils na gagamitin para makapagluto."

"May 7/11 or di kaya mini stop naman siguro dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah kanina may nakita akong mini stop malapit lang dito."

"Oh tara na."

"Ah sge, kukunin ko lang yung wallet ko." Sabi niya at tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya.

------------------------------------------------------

"Magsandwich nalang tayo Jane?" Andito na kami sa mini stop at naghahanap kami ng makakain. At sabi nga ni Delmar sandwich nalang daw yung bilihin namin nakakabusog din naman yon so okay na yon. Tinanguan ko lang siya bilang pagsang-ayon.

Habang naghahanap kami ng sandwich. Biglang napatanong si Delamar.

"Nga pala bakit parang wala ka sa sarili mo kanina habang nasa sasakyan tayo?"

"May nakabangga kasi ako kanina tapos parang ang weird lang. Basta ang weird niya."

"Onyghaaaad!! Dapat tumawag ka ng security malay mo magnanakaw yon or what."

"Hindi naman siya mukhang magnanakaw e. Ang gwapo naman niyang magnanakaw kung ganoon."

"Omyghaaaaaaaaaaaad waaaaa!!! Crush mo no? Kaya nasabi mong wierd, ayieeee may crush na si Jane. Dapat ba tayong magcelebrate? Hahahahaha." Pangaasar niya habang kumukuha ng sandwich.

"Gaga crush ka diyan hindi no, wala pa sa isip ko yung mga ganyan. Saka wala kang dapat icelebrate." Paniniguro ko sa kanya.

Kukuha na sana kami ng juice ni Delmar ng may mahagip ang mata namin. Jusmiyomarimar sa mini stop pa talaga naisipan mag ganyan? At ano ang ginagawa nilang kababalaghan?

They're kissing like a hungry monkey. Eww yuck.

But wait, those eyes. It's him


PainWhere stories live. Discover now