Part 1

9 2 0
                                    

Nagmamadali si Andrea sa pag iimpake dahil aalis na siya papuntang Japan.
Kinailangan niyang makipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanyang pamilya.
Habang nasa taxi ay maluluha na nag uusap si Andrea at ang tiyahin nito sa paghatid sa kanya.
"Mag iingat ka sana doon iha.Wag mong kalimutan ang Diyos.Magtiwala ka lang sa kanya."
Pag aalala ng tiyahin niya.
"Opo.Pangako".
Patangu-tango namang sabi ni Andrea.

Tanging ang tiyahin lamang niya ang humatid sa kanya dahil nasa probinsya ang kanyang pamilya.
Nasa airport na siya ay wala paring tigil ang pagkaway ni Andrea hanggang sa makaalis na ang taxing sinakyan ng tiyahin niya.
Nasa eroplano na siya ay hindi mawala sa isip niya ang kanyang pamilya.
Naluluha man ay wala siyang magawa kundi ang pumikit nalang at taimtim na nanalangin.
Diyos ko..
Gabayan niyo po sana ako sa aking byahe..
Lalo na ang pamumuhay ko po sa Japan.
Kayo na po ang bahala sa akin.
Nasa isip niya.
Dahil apat na oras ang biyahe ay natulog muna siya.

Halos malunok ni Andrea ang dila niya nang akala niya ay mahuhulog siya mula sa mataas na gusali.
Bigla siyang nagising at tumingin sa kanyang paligid.
Buti nalang at tulog ang kanyang mga katabi.
Napatingin nalamang siya sa bintana matapos ayusin ang kanyang sarili.
Nakita niyang tila nasa bansa na nga siya ng Japan dahil sa kakaibang mga bahay rito.
Lumapag na ang eroplano at pinapababa na sila.
Pinalipat sila sa isang bus at hinatid sa loob ng airport.
Palinga linga pa si Andrea na hanapin ang kanyang pinsan na magsusundo sa kanya.
"Andi!.nandito ako!"
Sigaw ng isang babae sa likuran niya.
Napatanga naman siya rito.
Masaya itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Dalaga ka na talaga!..at ang ganda pa."
Masayang bati sa kanya ng pinsan niya.
Napangiti naman siya.
"Hindi naman po sa ganun".
Nahihiyang sabi ni Andrea.
"Ito pala kasama ko,si Hiroshi boyfriend ko..".
Magiliw na pagpapakilala nito sa kanya.
"Hello po!.."
Masaya namang bati ni Andrea dito habang nakangiti.
Ngumiti din ito sa kanya.
Kinausap naman ng pinsan niya ang hapon ng nihongo na hindi naman naiintindihan ni Andrea.
Matapos yon ay kumain sila bago umuwi sa kanilang bahay.

Nang makarating na sila sa bahay ng pinsan niya ay agad na inayos ang kanyang mahihigaan at ang lagayan ng kanyang mga damit.
Nagpaalam pa muna ang pinsan nito na aalis muna ito kasama ang kasintahan at maiiwan muna siya sa bahay nito.
Nakatinganga namang nakahiga si Andrea habang nakatingin sa kisame.
Hindi ko akalaing makapunta ako sa ganito kalayong lugar.
Ang bait talaga ng Diyos sa akin kasi kahit na mag isa ako...
Hindi niya ako pinapababayaan.
Maraming salamat Diyos ko kasi naging succesful ang biyahe ko.
Mahabang panalangin niya.
Muntik na siyang mapatalon dahil sa ring ng kanyang cellphone.
Agad niya naman sinilip ang messenger niya kung saan nag message ang tiyahin niya.

Oh..kumusta?...nakarating ka na ba sa Japan?.
-Tiya-
Opo andito na po ako tiya.
-Andrea-
Ah mabuti naman kung ganun!🙂
-Tiya-
Sige.ingat ka palagi tsaka sinabihan ko na si Anita na alagaan ka nila diyan ni Bianca.
-Tiya-
Salamat po.
-Andrea-

Matapos ang pag uusap nila ay bigla siyang nakaramdam ng gutom.
Tumingin muna siya sa ref at kumuha ng bottled water.
Muntik na niyang malunok ang bote ng tubig mang may nag door bell.
Ano ba naman to!
Panay gulat nalang ako dito!...
Woooh!...
Sinilip niya sa maliit na monitor kung sino ang nasa labas.
Nakita niya ang isa pa niyang pinsan na si Bianca.
Madali niya itong binuksan at masaya siyang niyakap ito.
Si Bianca at Anita ay magkapatid.
Si Bianca ang mas kasundo niya dahil si Anita ay may sariling mundo kaya hindi niya ito masyadong close.
"Kumusta Andi!..mas maganda ka na ngayon ah!..
Masayang sabi ni Bianca sa kanya.
"Naku po ate! Hindi naman!..hahhaha!..
Natatawang sabi ni Andrea.
"Siguro may lovelife ka na ngayon".
Pang aasar sa kanya ng kanyang pinsan.
"Naku wala ate..baka dito ko na mahanap yun".
Pabiro niyang sabi.
"Hay naku! Mas maraming gwapo dito at mapera pa".
Masayang sabi ni Bianca.
Napaplastik naman ng ngiti si Andrea.
"Ah..hindi naman sa ganun ang ibig kong sabihin..syempre di ba?..dapat praktikal ka na dito Andi wag kang basta basta pumatol nalang ng walang kwenta.Diyos ko!ang hirap ba naman sa pinas pag wala kang pera!tsaka andito ka na ohh!..Japan!"..
Pagsisigaw sa tuwa ng kanyang pinsan.
"Kahit kailan ate di ka parin nagbago..bongga parin yang boses mo.hahahha".
Natatawa nalang si Andrea sa inasal ng kanyang pinsan.
Matapos silang mag usap ay nagreklamo naman si Andrea rito na nagugutom siya kaya naman niyaya siya nito na kumain nalang aa labas dahil tinamad na itong magluto.
Dinala siya ni Bianca sa isang maliit na restaurant kung saan mga pang Japanese ang pagkain.
Pinasubok kay Andrea ang mga bago sabpaningin nitong mga pagkain.
Lalo na ang paggamit ng chopstick ay itinuro rin sa kanya.
Alas sais na ng gabi sila umuwi mula sa pamamasyal nila sa isang mall roon.
Pagud na pagod sila sa paglalakad at paglilibot.
Diretsong humiga si Andrea sa malambot niyang kama at pumikit.
Samantalang si Bianca naman ay natulog narin.

To be continued...

Hello guys!
Hope you like this.
It is open for all of your corncerns.
Just type below for your comments guys!..😊

Love in Mysterious WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon