Atharra's POV
Mahirap mapunta sa isang relasyon. Minsan happy, Minsan masakit Minsan it's complicated.. Pero mas kumplikado Kung ikaw ay nasa SINGUT virus.. Single but Taken'. Single sila pero taken na ang puso nila sa taong di pwedeng maging sa kanila.
Akala niyo may jowa lang pwedeng mag ka it's complicated ng status??
Pwes ngayon Alam nyo na, pati single may sariling it's complicated.
"Atharra!!"
"Bakit?"
"Start na ng game"
"Nakikita ko Zelly, I'm not blaynd okay?"
"Akala ko kasi lumulutang ka na naman "
Speaking of SINGUT..Isa pa tong bruha kong kaibigan.Kinain na ng sistema dito sa school nato, SINGUT virus is everywhere, and anywhere.
At dumarami pa sila.
Bakit kamo??
"GO GO GO ALLEC"
Dyan.
Dahil sa lalaking yan, Ewan ko ba sa mga to? Ano bang meron sa lalaking yan?"Ang gwapo niya"
"Ang talino niya at magaling pa sa basketball"
" Yeah. mayaman pa..kyaahhh"Capital D, Capital U at Capital H..
DUH~Yun lang? Nagkakandarapa na sila??
Di ba nila naalala na siya ang The King of rejections?? Lahat ng tao ni rereject niya, hello? may nakaka alala ba???
Arghhh.Nakakinip na dito, kanina pa'ko nanonood eh hindi ko trip ang basketball noh!!
Tumayo ako at paalis na sana.
''Oh? Tara san ka pupunta?''
"Sa hell? Sama ka?"
"No thanks. I'm fine here, heheheh"
"Tch"Ano pa nga ba ang aasahan ko?? Eh si Allec na yan, ang bruha Todo cheer na.
Lumabas ako ng gym . Ayoko rin naman ng basketball, lalo na kung naglalaro din ang bakulaw na Yun. Masusumpa ko pa ang laro pag nagkataon.
"Pres. San ka pupunta??"
"Julius??... Ah ano lang pupunta ako ng classroom"
"Bakit? Tapos na ba ang laro?"
"Hindi pa?"
"Eh Ba't nasa labas ka?"
''eh ba't tanong ka ng tanong? -.- ??''
"Ay. Sorry. Sige pasok nako sa gym. Heheheh"
Hehe ka Dyan batukan kita eh..
Naglakad nalang ako ulit..
Yes, I'm Atharra Morgan the president of our class.. akalain mo Yun? AT HINDI LANG YUN..
ehem AKO RIN ANG PRESIDENT NG SCHOOL ..akalain mong may tiwala sila sa'ken?
*Bravo
*BravoAaminin ko hindi ako masyadong magaling, at loka-loka ako ,oo, pero pagdating sa role ko dito sa school hindi ako nag papabaya noh!!
''HOY!! ANONG TINITINGNAN NYO DYAN HA???''
May naabutan akong nagkukumpol na mga lalaking estudyante. Agad ko silang nilapitan para alamin kung ano ang pinagpipiyestahan nila.
YOU ARE READING
Single But Taken
RomanceA girl named Atharra Morgan is a very simple girl, noisy and the ''loka-loka'' in the campus, she is perfect on her own. But he hates a guy very much, named Allec Carmello- the serious guy and loves to reject people around him. Tinatawag siyang...