chapter 1

36 0 0
                                    

"Hindi bat sabi ko,turuan mo ang kuya mo sa assignment nya.Hindi ikaw ang gumawa." sabi ni Papa. kasalukuyan nyang tinitingnan ang gawang assignment ni kuya para sa Science.

Hindi na ako sumagot. Alam kong mali kaso sinabayan kasi ni kuya ng pag-alis ni papa kanina. Totoo naman eh. Ako ang gumawa ng assignment nya. Lalo kasi syang kagagalitan ni Papa pag nagkataon na wala syang maipakitang gawa nang assignment.

"Sila ng kapatid nya ang gumawa nyan. nakita ko sila." pagtatakip sa amin ni mama. da bhest ka tlaga ma.

"Pinagtatakpan mo nanaman ang mga anak mo." sagot ni papa.

"Bahala ka nga." walang ganang sagot ni mama.

Nagtungo na si mama sa kusina upang mag hain.

"Jonathan. Julliane. paki tulungan nga akong mag hain nang makakain na tayo."

Sabi ni Mama mula sa kusina.

Tiningnan namin ni kuya si papa at tumango lamang ito sa amin.

Si kuya ang nagsandok ng kanin. ako naman sa mga plato baso kutsara tinidor at inumin. si mama sa ulam namin na adobong manok.

Habang naghahain kami ay nagbihis naman na si papa. Galing kasi siya sa trabaho bilang chief mechanic sa kanilang kumpanya.

Nagsimula na kaming kumain.

Walang gustong umimik sa amin habang kumakain. alam naming d maganda ang timpla ni papa dahil sa nalaman nya.

Pagkatapos kumain, ng volunteer akong maghugas ng pinagkainan, kaso tinawag kami ni papa. Kami ni kuya.

Nandito kming tatlo ngayon sa kwarto. Si Papa nakaupo sa kama at kami ang nkaharap sa kanya.

"Jonathan."tawag ni papa kay kuya. Tiningnan ko si kuya. nakayuko lang sya.

"Po?" sagot nya.

"Anung sabi ko bago ako umalis kaninang tanghali?"

Hindi sya sumagot.

"Bat di ka sumasagot? May ibinilin ba ako sayo kanina?? Sa inyo ng kapatid mo?"

"Me-meron po." sagot ni kuya.

"Oh sige kung may ibinilin nga ako sa inyo,anu yon?" tanong ulit ni papa

"gu-gumawa po ng assignment."

Nakatayo lang ako sa gilid ni Kuya, isang dipa ang layo sa kanya.

"Alam mo naman pala bakit nakita kitang naglalaro sa labasan kanina?"

Hindi umimik si kuya.

" ipinagawa mo na naman ang assignment mo sa kapatid mo. Kaya wala kang natututunan kasi simpleng trabaho inaasa mo sa kapatid mo. Pano kung tanungin ka ng teacher mo kasi may assignment ka, ano isasagot mo? Wala kasi hindi naman ikaw nag gumawa." Tumayo si Papa, at lumapit kay Kuya.Marahan nyang hinawakan ang dalawang balikat ng kanyang panganay na anak. " Naiintindihan mo ba ako, anak?"

" Opo pa, Sorry po." mahinang sagot ni Kuya. Halata sa boses nya ang bahagyang pagiging ngongo nya. Ibig sabihin, umiiyak sya. 

Pagkatapos kausapin ni Papa si Kuya ay muli nilang ginawa ang assignment ni kuya. Nireview pa nila. Para may maisagot si kuya sa klase kung sakaling magkaron sila ng recitation kinabukasan. Ako naman ay ginawa narin ang assignment sa mga subject na meron akong takdang-aralin.

Pagkatapos noon ay pinatulog na kami ni Papa at maaga pa daw kami gigising bukas.

 ****

Kasalukuyan akong nasa Grade 2 Grade 3 naman ang kuya ko. Isang taon lang ang tanda nya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Battered SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon