by: Maru Peter Henry
Duwag ka
Dahil hindi mo kayang sabihin sa akin ng harapan.
Pero mas duwag ako
Sa pagtikom ng aking bibig dahil takot ako na bigla mong talikuran.Duwag ka
Dahil dinadaan mo pa sa bahagyang pag-iwas ng iyong mga kamay pag inilalapit ko na ang aking mga palad ko sayo.
Pero mas duwag talaga ako
Dahil hindi kita kayang bitiwan at naniniwala pa rin akong mapalad ako sayo.Hindi ako nangangatog sa dilim
Pero takot ako na multuhin ng ating pagtatakipsiling.
Kahindik-hindik ang ginagawa mong paglilihim.Nakakatakot ka
Pero mas takot ako na ikaw yung mas mukhang nagkamali sa ating dalawa.
#SpokenWordsPoetry10
BINABASA MO ANG
Best Spoken Words Poetry About Love (Completed)
PoetryHighest Achievement in Poetry: #131💗