Faith
Ite-text ko ba? O, mas mabuting 'wag na lang?
"Ugh!"
Humiga ako sa kama. Nakakainis naman 'to! Ang hirap-hirap mag-decide! Ano? Iti-text ko ba? As in, ngayon na?
Ano namang sasabihin ko?
Wala.
I groaned and burried my face on the pillow. Ilang minuto ang nakalipas ay napagpasyahan ko na lang na mag-online. For the first time, naisipan kong mang-stalk! Wala lang. I just can't believe it.
I typed his name inside the search box. Mabuti na lang sikat siya kaya madali kong nakita ang account niya.
Jacob Millers
Male
Interested in: Women
Status: In a relationshipSa lahat ng mga nabasa ko ay ang relationship status niya lang ang tumatak sa akin. Hindi ko mapigilang manlumo ng konti.
May girlfriend na pala siya?
Ugh. Bakit ba pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa? Ayan tuloy! Nawalan na ako ng ganang mangstalk!
But still, I continued to do so, anyway. Hayy.
For the next few hours, wala naman na akong ginawa. Nagkulong lang ako sa kwarto at pagkatapos kong mang-stalk kay Jacob, nag-sound trip na lang ako. 'Yon nga lang, isang kanta lang.
Sa gilid ng mga mata tinitingnan kita,
Kahit saglit lang matanaw ang iyong mukha~Oo. Ito ang kantang narinig ko noong nasa pila. Ewan ko ba. Na-LSS ako bigla roon. Hindi ako nagsasawa. Hindi nag-iiba ang mga linya nito na lumalabas mula sa speaker. Paulit-ulit...
Pero hindi nakakasawa.
Sobrang lakas noon at alam kong abot na 'yon sa kapitbahay namin. Sinermonan pa nga ako ni mama, e. Kesyo raw ang ingay-ingay at para raw akong bingi dahil sa lakas ng speaker kaya ayon, wala akong choice kundi pahinaan 'yon. Mahirap na, 'no. Baka mabatukan pa ako ni mama. Pero ilang minuto ang nakalipas matapos niya akong sermonan, nilakasan ko na naman ang volume. Napakamabuti kong anak!
Noong sobrang bored na talaga ako, I decided to just... text him.
Bahala na.
To: Jacob
Don't find a guy who can be your boyfriend. Find a guy who can be your bestfriend.Hi Jacob :)
Gusto ko lang makipagkaibigan. Nothing more, nothing less...
Okay, fine! May halo rin 'to ng 50% landi! Tsk.
Pero seryoso nga. Oo, crush ko siya. Pero committed siya. Ayokong ma-friendzoned.
E, ano pa bang kahahantungan ng situwasyon mo ngayon? 'Di ba, roon rin naman?
I sighed. I hate myself for believing na hindi ako hahantong sa pagiging friendzoned. Oo nga naman. How can I be so sure? Lalo na't uso pa naman ngayon ang friendzoned situations.
Ugh, sino ba kasing nag-imbento niyan?! Leche.
I snapped back to reality when I felt the sudden vibration of my phone. Tiningnan ko kung kanino galing at halos mapasigaw ako dahil sa gulat.
Galing sa kanya!
Hindi ako mapakali. Parang uhaw na uhaw ako sa reply niya. Charot! So, ano yung reply niya? Tubig?
Binasa ko 'yon agad.
From: Jacob
Who u?...
Napaawang ng konti ang bibig ako. Matutuwa pa ba ako nito?
Heh. Ano pa bang ine-expect mo, Faith? E, hindi ka naman talaga niya kilala?
Oo nga.
Ay teka! Kilala niya ako! 'Di ba, nagpakilala kami sa isa't-isa noong nasa dulo kami ng pila?
At dahil doon, bumalik ang sigla ko. Dali-dali akong nag-type ng reply pero bago ko pa man 'to masend ay umepal na naman ang konsensya ko.
Oo nga kilala ka niya. Pero do'n 'yon sa pila! Sure ka ba talagang nakikilala ka pa niya hanggang ngayon? And besides, anong sasabihin mo kapag tinanong ka niya kung saan mo nakuha ang number niya?
Magmumukha kang creepy.
Pinanghinaan uli ako ng loob. Kung pwede lang talagang batukan ang konsensya ko, kanina ko pa siguro nagawa.
Kaya ayon na nga. Imbes na i-send ang reply ko, hindi ko na lang tinuloy.
Way to go konsensya! ang lakas mong makabasag ng trip.
Sumandal ako sa headboard at nilaro laro ang cellphone gamit ang kaliwang kamay. I drew my breath.
Well. I guess, that's that.
Tuluyan na akong nawalan ng gana. I spent the few minutes, just staring at nothing. Malapit na akong dalawin ng antok nang bigla na lang nag-ring ang phone ko. Noong tiningnan ko kung sino ang tumatawag, wala. Uknown number.
Nag-aalangan pa akong sagutin 'yon kasi baka trip trip lang 'to ng mga taong walang magawa sa buhay pero ayon na nga't sinagot ko pa rin dahil baka naman kasi importante.
Ang inasahan kong boses ay either galing sa mga classmates ko na magtatanong tungkol sa exam namin next week o ang boses ni Riza na pagkalakas-lakas.
Pero ni-isa sa mga expectations ko, walang natupad.
"Hello?" masungit pa ang pagkakasabi ko noon. Halatang wala sa mood.
"Hello, sino 'to?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses mula sa kabilang linya.
The voice was deep. Manly. It's from a guy. It's definitely from a guy. And if I remember it correctly, it's... coming from...
"Jacob?"
BINABASA MO ANG
Gilid
Фанфик[COMPLETED] One fateful day. Two strangers. Follow Faith as she navigate her way through the work of destiny, feelings, and... doing what she think is right. Will she ever get herself out from being stuck on the sidelines? -------------- Gilid writt...