Of All the Stars...

43 5 1
                                    

jorgeyyy

Simula pagkabata ko marami na kong naririnig na kasabihan tungkol sa mga bituin. Malimit kong marinig sa telibisyon na isa daw tayo sa mga star na nasa kalawakan. Ang swerte siguro ng pinakamalaki at pinakamaliwanag. Malimit kong marinig sa telebisyon na kapag namatay tayo, magiging isa tayo sa mga stars. Kung gano'n, isa palang malaking salamin ang langit tuwing gabi. Lagi kong naririnig ang lahat ng mga 'yon sa tv o kung sa'n man. Kasi, sino ba naman kasing magsasabi at magkekwento sa'kin non? Eh wala naman akong tatay. Sabi pa ni nanay na, walang kwenta ang lahat ng lalaki sa mundo. Lahat sila mga sakim at manggagamit. Kaya 'eto ako, kinareer ang mga sinabi ni nanay nu'ng bata pa ako. Nag-pornstar ako.

Sabi kasi ni nanay, pare-pareho lang naman lahat ng lalaki, kaya ano pang sense kung mamimili pa ko? Eh 'di itry ko silang lahat.

Top searches sa anomang site ang pangalan ng isang Rouge Perkins. Sikat na sikat ako kahit itanong mo pa sa lahat ng kalalakihan diyan sa daan. Sign na magkakatulad lang talaga sila. Hindi madali ang maging isang kagaya ko. Nirorolyo pa lang ang kamera, nagbabalak na si direk na i-take home ako. Ako naman, keri lang! Jutay ka man, mabilbil o panot. Lalaki ka pa rin. Walang pagbabago dun.

Siyempre hindi porket isa ka ng pornstar ibig sabihin wala ka ng privacy. Dapat meron din no! So ayun na nga, madalas akong tumambay dito sa cafe. Yes cafe akala mo bar no? May sched ako para dun. Pero kapag marami naman akong pera or walang nagpapa-scheule sa'kin, dito ako cafe sa may Ortigas. Pupuntahan mo ba ko? 'Wag na dahil nagdi-disguise ako. Hahahaha yes!

"Here's the Macchiato coffee and Black Forest Gateau for Ms. Amanda!" sabi nung cute na waiter. Baho ng real name ko no? Amoy matanda.

Kukuhanin ko na sana yung order ko ng....

"Hmm sorry Ms.?"

"Sorry Mr.? But this coffee and this cake belongs to mine. Get it?" akala mo kung sinong nerd na gwapo 'to? May balak pang kunin yung order ko.

"Sorry Ms., Pero sa akin po ito."

"What? Don't you hear what the waiter says? Ms. Amanda! Tignan mo pa yung name ko sa cup. See? Ms. Amanda." Aba, ginawa ko lang na medyo brown yung skin ko hindi na agad ako nakilala nito? At nakipagtitigan pa ko. What the... ang boba!

Lumapit yung waiter na nagserve sa'min at sinabing...

"Sorry Ms. Amanda---"

"---yes?"

"Kila sir po iyan."

"What the.... are you stupid?" Sabi ko.

"Eh kasi nga Ms. Amanda? Right?"

"---yes"

"This coffee belongs to my mother. Ayun siya oh." At tinuro niya yung matandang naka-upo.

"Ma'am Amanda? Excuse me po pero hindi pa po talaga kasi kayo nakakapag-order."

Goodness! Ano 'tong eksenang 'to?!

"Huh? Sure ka?" Tanong ko.

"Yes po ma'am."

"Ah Ms. Amanda? Kunin ko na 'tong order ko ha." Sabi nung lalaking boba.

"What the heck is this?" pabulong kong sinabi yun at sabay umalis na ko sa cafe.

Napagpasiyahan kong pumunta na lang sa bar. Atleast don, pwede akong magrock 'n roll at mang-flirt ng mang flirt.

"Hey Rouge!" Tinawag ako nung boy na naka-formal attire at umupo sa tabi ko.

"Waiter 2 Diva Vodka please." Dagdag pa nito at inabot sa'kin yung glass matapos kunin yon sa waiter.

Of All the Stars...Where stories live. Discover now