Foreword

441 81 24
                                    

Welcome to Rollin' Book Club...

Dito kung saan may pamilya ka na hindi huhusga bagkus ay tutulungan ka na ma-improve ang sarili mo, susuporta sayo at magbibigay ng pagkakataon na mai-promote mo ang sarili mong gawa. Isa lang ang hinihiling namin sa inyo, dapat ay alam natin ang salitang RESPETO!

Dahil bago natin ginusto na maging manunulat, naging mambabasa muna tayo. Kaya tayo naging manunulat, dahil naging inspirasyon natin ang libro na nabasa natin at kaya tayo nagsusulat dahil gusto nating maisabuhay ang lahat ng nasa imahinasyon natin.

Dito, hindi namin pinipilit na magustuhan ninyo ang isa't isa. Lahat naman tayo ay may karapatan na magbigay ng opinyon, sa kung paano natin bibitawan ang bawat salita, iyon ang dapat nating isipin. Kailangan nating irespeto ang bawat isa, pati na rin ang ideya na ang bawat isa sa atin ay may pagkakaiba. May kanya-kanya tayong genre, writing style at reading style. Basta sumunod sa panuntunan, maging patas at malawak ang pag-iisip sa pagtanggap ng suhestiyon, pagtatama at hanggat hindi ito nakakasira sa imahe ng nagsulat at sa gawa nito, wala tayong magiging problema.

Maaaring hindi natin gusto ang libro ng makakapareha at makakagrupo natin, pero isipin niyo na maaaring hindi rin nila gusto ang libro natin. Kaya, igalang na lang natin ang pananaw ng bawat isa.

Malay natin, dito rin ninyo matagpuan ang mga writer at reader na makakasundo talaga niyo talaga. Bilang admins, proven na namin yan. Sa book club namin nahanap ang ilang kaibigan na sumusuporta sa amin. 

Malay natin kayo rin...

📚📚📚

Rollin' BookClub (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon