Ayan na naman siya, kumakatok na naman sa bintana ko. Di ba siya na papagod?

Siya si ailester, but i call him les. His my bestfriend. Lagi ko siyang kasama sa mga katarantaduhan, pag bo-boy hunting ko sa mga bars at gym. Almost 10 years na kaming mag kasama. Until isang araw, nag tapat ako. Yeah right, I fell inlove with my bestfriend. His perfect face structures, pinkish lips, almost blushing cheeks, his pointed nose, and specially his beautiful hazelnut colored eyes. Di ko alam kung bakit...bakit, dumistansya siya sa akin. One day di na niya ako kinausap, di na niya ako sinusundo sa bahay, di na niya ako dina-daldalan about sa mga ka band mates niya and lastly di na niya ako tinitignan sa kabilang bintana. Yung house kasi namin mag katabi lang sineswerte naman at mag kaharap yung kwarto namin at always naman open yung window ko kaya ang gagawin niya na lang ay sisigaw ng kahit anong kabalastugan para matawag ako. Simula nung ibinandonado niya ako. Sinirado ko na yung bintana ko, pati yung puso ko.

Hanggang sa isang araw, hating gabi parang may kumakatok sakin alam ko naman na siya yun kaya di ko na pinapansin. Katok siya ng katok sa bintana ko. Tapos nun sinabayan niya na ng pagsigaw. Di ko maintindihan yung mga sinasabi niya nun kasi nga sobrang antok ko. Hanggat sa naka tulog ako. Siguro mga 3am, nagising ako nang dahil sa ingay...Ingay ng mga pulis. Nakita ko rin yung ilaw na sumilag sa ilalim ng pintuan kaya nalaman ko na gising sila Mommy.
Kaya ang ginawa ko,  bumangon ako at sinuot ang aking tsinelas tapos lumabas. At mas lalong lumakas yung tunog ng mga pulis. Kaya lumabas talaga ako ng bahay, nakita ko si mommy na tinatahan yung mommy ni les sa kanilang bahay habang ang mommy niya naka tingin sa......and there, naiyak ako. Sana, sana bumangon nalang ako at binuksan yung bintana, sana nagising nalang ako mag damag at hindi naka tulog para marinig yung sinasabi mo, sana di na ako nag matigas.

Binuksan ko yung bintana ko tapos tumingin sa bintana niya. Ang bintana niyang may mga halaman sa gilid ngayon wala na. Sarado na ang curtains. Off na always yung lights. For short ang bintanang walang kabuhay buhay.

"Les, two years na since you died. Can you please rest in peace? please patulogin mo ang bestfriend mo." sambit ko. At umagos yung luha kong kanina ko pa kinikimkim. Tiningnan ko yung mga pictures namin na naka sabit sa ceiling ko. Mas lalo lang akong naiyak. Iyak ako ng iyak. Sana talaga binuksan ko nalang yung bintana ko. Sana di ko sinirado.

Iyak ako ng iyak hanggang sa nag stop yung pag sigaw niya ng kung ano ano.

Di ko makalimutan ko paano niya sinigaw yung pangalan ko yet i didn't think na kailangan niya pala ng tulong yung oras na yun.

Im screwed up as i saw les' body full of slash. Nasa isang bag siya, bali bali ang buto tapos ang raming pasa.

"Ano yan les?" tinuro ko yung pasa niya sa may labi niya at yung something violet sa braso niya nung nakita ko siya.

"ahh this? My dad hahaha, well deserve ko naman ito eh. Di ko natulungan si mommy sa pag gawa ng gawaing bahay hahaha"

His dad, his dad is the reason why hes dead.

But still... i regret that di ko binuksan yung bintana ko. When hes there on the otherside shouting my name at nang hingi ng saklolo. Bakit kasi ako nag matigas nun?

Bumalik naman yung sigaw niya but...nasa gilid ko na siya. Kaya naiyak na naman ako.

"Please please les stop. Nag sisi na ako okay..I regret it. Sana namatay nalang din ako nung araw na yun. Nung araw na walang awa kang binugbog ng tatay mo."

Tumigil din yung pag sigaw niya tapos umihip ang napaka lakas na hangin.

"Jennie..." he whispered.

"Les...Please..rest in peace."

END~♥~

Nasa huli na ang pagsi-sisi.

Please R E S T. (COMPLETED)Where stories live. Discover now