This is only work of the writers wide imaginations. Enjoy reading!
--"Lord, please give me a sign kung sya na ba talaga yung tamang tao para sa'kin, kahit konting hint lang po, give me a sign Lord, a man na mahilig sa star. Please, help me Lord!"
Ako yung tipo ng tao na naniniwala sa mga signs, "Lord, give me a sign na ganito, ganyan" bukod sa tingin ko na totoo sya, wala namang masamang maniwala. I always use that beliefs of mine pero hindi sa love, kase naniniwala ako na if its meant to be, it'll be. But this time, susubukan ko. Baka sakaling yon ang makatulong sakin para hindi na maloko ng maling pag ibig.
Ako nga pala si Maira, since nagsimulang mainlove ang marupok kong puso nagsimula na rin akong maging tanga. Sa una lang masaya, pero kapag nagtagal nakakatanga na. Ang dali nilang mapaniwala yung puso ko na totoo yung pagmamahal nila, ako naman si tanga maniniwala hanggang sa matuklasan na joke lang pala lahat. Lahat sila ganon, sawang sawa na yung puso ko sa mga panloloko nila. Kaya ngayon I will try my "give me a sign Lord" sana this time umobra.
--
Naimbitahan ako ng tita ko sa isang event na gaganapin sa 'Library and Museum' sa munisipyo. Nung una hesitant pa 'ko pero dahil nahihiya akong tumanggi kay tita pumayag na'ko.8 am, nakarating nako sa lugar ng pagaganapan ng event. Hindi pa gaanoong maraming tao. Nilapitan ko si tita na nakapwesto sa front desk na nagpapapirma ng mga dumadating na tao. Its an event na kahit sino pwede pumunta, dito pinapakita nila ang magagandang paintings na gawa ng local artist at mga lumang libro na higit 50-70 years old na.
"Hija, ayos lang ba na ikaw muna dito? Nandyan na yung special guest na inimbitahan ko. Papipirmahin mo lang lahat ng tao na papasok sa event." nagmamadaling bilin ni tita.
"Sure tita." Nakangiting sagot ko rito.
"Sige maiwan muna kita."
After a while dumami na ang dumadating na mga tao. Isang grupo ng mga binatilyo ang papasok sa event. Pero bago pa sila makapasok-
"Ahm, excuse me kailangan munang pumirma bago pumasok." Nahihiyang tawag ko sa kanila.
Lahat sila natuon ang atensyon sakin, sabay sabay din silang lumapit sa table at isa isang pumirma.
Sa dami nila, only one caught my attention. Isang gwapo at palangiti na lalaki. Lalo pa nyang nakuha ang atensyon ko ng pumirma sya. Isang maliit na bituin ang kanyang pirma? Is that legit? Ganon ba talaga ang pirma nya? Napangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan. How weird? Baka naman tinatamad lang sya or what?
Matapos nilang pumirma lahat, nakasunod parin ako ng tingin sa kanyang likuran. Teka? Eto na naman ako. Baka mamaya maloko na naman ako nito.
Nabaling ang atensyon ko sa papel kung saan sila pumirma, at napatingin ako sa pangalan katapat ng pirma nyang bituin. Gerald. Napaka manly nang dating ng pangalan nya.
Agad kong hinanap sa social media account ko ang pangalan nya.
Then, one profile caught my attention. Its him! Grabe ang lakas ng tibok ng dibdib ko ng pindutin ko ang 'add friend' button. Ghad bat ko ginawa yon? Masyado akong nadala ng kapusukan ko. Kapusukan?! wth.
Nais ko mang bawiin yon, kaya lang ayoko pala. Gusto ko syang mas makilala.
--
Nang makauwi ako, nakaabang parin ako kung iaacept ba nya ang friend request ko."Bessy, tulala ka ata dyan sa phone mo?" Si Raquel. Isa sa mga kaibigan ko na kasa-kasama ko sa dorm.
"May naaksidente kase ako kanina, iniintay kong tawagan ako ng pulis." Pang loloko ko sa kanya.