"Bilis!!!!!" pabulong na singhal ko kay Ralph, mabilis ang pagtipa ng kanyang daliri habang titig na titig sa computer na nasa harap namin.
Pinagmasdan ko ang paligid, nandito kami ngayon sa computer shop malapit sa school. Nasa dulong bahagi kami nito kaya walang nakakakita sa kung ano man ang ginagawa namin.
"Bakit kasi hindi na lang sa laptop mo iyan ginawa?" singhal ko.
"Nasira nga diba!" sagot niya habang nasa computer pa rin ang atensyon, sa bawat pagtipa ng kanyang daliri ay sobra ang kaba ko.
Kasalukuyan naming hinahack ang isang website kung saan nakalagay, ang mga sagot na kakailanganin upang makapasa sa darating na Periodical Test ng batch namin.
Alam kong masama ang ginagawa namin, pero.........kailangan ko ng pera.
"Kuya, naghahang po yung computer!" halos manlamig ako dahil sa narinig kong iyon, maapektuhan ng computer na gamit namin ang iba dahil magka-kakonekta ito.
Hindi nagtagal ay halos lahat na ng mga computers ang naghang, maliban samin at doon sa server.
"Ralph bilisan mo diyan." inis na saad ko habang wala sa sariling pinapalagutok ang mga daliri, nanlalamig na ito dahil sa kabang nararamdaman ko.
Malapit na sa pwesto namin ang tumitingin sa mga computers , siguradong sa kulungan ang bagsak namin kapag nakita niya ang paghahack na ginagawa namin.
Kailangan kong gumawa ng paraan, pero paano???.
Pinapawis na ako dahil sa kaba, please panic attack huwag ngayon.
Nanginginig na hinalughog ko ang bag ko at kinuha ang lalagyanan ng tubig. Wala sa sariling nakatingalang ininom ko ito, sa pagdaloy ng tubig sa aking bibig ay bigla bigla akong nasamid na naging dahilan ng pagtingin sakin ng nagaayos ng computer.
"Ayos ka lang Ija?" tanong niya, lumapit ako sa kanya habang pasimpleng dinidiinan ang aking leeg upang magpatuloy ang kunwaring pag-ubo ko.
"Na....susuka.....po.......ako." kunwaring nahihirapang saad ko, agad naman niya akong inalalayan papunta sa C.R.
Patuloy ang paduwal ko, kailangang bilisan ni Ralph kung hindi ang may ari nitong Com. Shop ang makakasuhan kapag natraced ang IP address nito.
Nakalipas ang ilang minuto ay narinig ko mula sa labas na ayos na ang mga computers, gustong ko nang pumunta roon ngunit may pumipigil sakin. Lalo na sa pagdiin saking leeg.
Masakit.......oo, pero wala akong pakialam. Tutal gusto ko na din naman mawala sa mundong toh.
Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa aking leeg, lalo na ng lumabas ang tumulong sakin kanina. Dalawang kamay ko na ang nakahawak dito.
Sa bawat diin ng aking kamay ay parang nawawala ang sakit na nararamdaman ko emotionally.
*tok tok*
"Sheena, tara na." rinig kong sabi ni Ralph mula sa labas.
Gusto ko nang gumalaw mula sa pagkakatayo ko, pero........may pumipigil sakin.
"Sheena ipagpatuloy mo lang."
Masakit........
"Sheena ayos lang iyan."
Hindi ako makahinga.........
"Sheena."
"Sheena."
"Sheena! Ano ba? Hindi ka pa ba lalabas diyan?" nabalik ako sa huwisyo ng marinig si Ralph na magsalita mula sa labas, halata sa kanya boses ang pagka-irita.