Chapter 14 - Walwal is going to war

472 3 0
                                    


Bea POV

Pag katapos ng dalawang buwan at ng break up namin ni jia hindi ko pa siya na kausap or nakita man lang ulit,..kahit sa mga kaibigan ko hindi ako nag tatanong ng about kay jia.... At ganun din naman sila... pero sa totoo lang gustong gusto ko na siyang makita at makausap ulit Pero hindi ko kaya dahil alam kong sobra ko siyang sinaktan....
Hindi na rin ako pumupunta sa bar ng kaibigan ni jia...
Sa ibang bar nalang ako pumupunta para makaiwas na rin ako sa gulo,.. Baka kasi pag nakita ako ng mga friends ni jia bugbugin pa ako...

Nandito ako sa isang bar sa may katipunan...Mag isa,walang kasama... nadadalas narin na umiinom ako ng mag isa,..... mejo marami na rin ang nainom ko kaya mejo may tama na ko pero kaya pa naman, may tatlong lalake sa may kabilang lamesa ang tingin ng tingin sakin yung isa sakanila parang pamilyar sakin.... Nakita ko naman natumayo yung lalaking naka blue parang palapit sakin pero hindi ko na pinsin at kinuha ko na yung isang bote pa ng alak at nilagok,.... uminit naman bigla ang ulo ko ng biglang may sumipa sa lamesa ko at natapon lahat ng alak,nakatingin lang ako sa mga bote ng alak na nag kalat sa sahig habang naka ikom ang kamay ko at nag pipigil ng galit ,.. ng bigla na lang akong kwelyohan at bigla nalang ako binalibag,dahil di ko napag handaan yun ay tumama ako sa kabilang lamesa,,...

Sabi ko naman sayo Beatriz!!! hindi pa tayo tapos !!! - Sabi ng isang napaka pamilyar na boses sabay sipa sakin.....

Tumayo ako para maharap kung sino man tong gagong gumawa sakin nito...pero bago pako makatingin sakanya ay bigla niya akong sinuntok na naging dahilan ng pag kakatumba ko sa sahig,...

Ano lumaban ka  !! !! - Sigaw na sabi niya sakin..

Itinaas ko ang tingin sakanya at pinunasan ang dugo sa aking labi....

Ano bang problema mo !!! - Sigaw ko sakanya tsaka tumayo at sinipa siya. kaya tumama siya sa may upuan,....

Ayos to bro... Walwal is going to war - rinig kong sabi nung isa sa mga kasama niya.....

Ngumisi naman siya bago tuluyang tumayo at sinugod ulit ako ng isa pang malakas na suntok at muli napahiga ako sa sahig,... at pinaulanan ako ng suntok ...... Ng maramdaman niyang hindi na ako gumagalaw ay tinigilan niya ako at tumalikod na... Kaya tumayo ako kahit sobrang sakit ng katawan ko, tinadyakan ko siya sa likod at napadapa,hinarap ko siya at gaya ng ginawa niya sakin pinaulanan ko rin siya ng suntok,malas lang niya di niya nasasalag ang mga suntok ko kaya lahat ng suntok ko ay tumatama sa mukha niya.......

Bigla namang may humila sakin para makaalis sa pag kakasuntok ko sakanya,...

Gago ka ah !!! - Sigaw niya sakin,...

Mas gago ka !!! - Sagot ko sa kanya at sinapok ko ulit siya at sakto sa mata niya... Kaya panigurado mamaya mukha siyang panda....

Tumigil na kayo!!!  lumabas na kayo dito nang gugulo lang kayo !!! - Sigaw nung isang bouncer di ko siya pinatapos sa sasabihin niya at lumabas na ko ng bar....

Pumunta naman agad ako sa may parking lot kung nasaan ang kotse ko , Hindi ko paman tuluyang na buksan ang pinto ng kotse ko ay bigla nalang akong nakaramdam ng matigas na bagay na hinampas sa ulo ko at unti unti akong napaluhod dahil sa sakit,kaya hinawakan ko ang ulo ko kung san tumama ang matigas na bagay pag kapa ko rito ay naramdaman ko na basa ito at tiningnan ko ang kamay ko may dugo,,...

Kikilalanin mo kasi kung sinong tinatalo mo!!! - Rinig ko sabi niya sakin at naramdaman ko nanaman ang isa pang pag tama sa likod ko ng matigas na bagay at naramdaman ko rin na parang may bumaon samay tagiliran ko at ramdam na ramdam ko ang sakit at tuluyan ng nandilim ang paligid ko,........

Chasing Fire Where stories live. Discover now