Gaville's POV
Gaville Fersian Luciño is the name,isang transferee sa Skiver High. Kilalang loner sa dating school at madalas napagtitripan ng mga bully. Kaya ko naman sila kaso sabi ng mama ko 'Hanggat kaya mong umiwas,umiwas ka . Ayaw ko na pumunta ako sa school mo para ayusin ang gulo mo' diba?
Naglalakad ako at may nakita akong mga grupo ng lalaki na nasa gate at mukhang gulo lagi ang hanap.
"Hey you !!"sabi ng isa lalaki .
Hindi ako tumingin kasi di naman ako yung tinatawag.
"Hoy!!"tawag ulit nung lalaki kaya napatingin ako sa likod para tignan kong sino ang tinatawag nila.
Pero hindi ko nalang yun pinansin at dumaan na ako sa kanila.
"Diba tinatawag kita?"inis na sabi nung lalaki sabay hawak sa hood ng jacket ko.
"Huh?"sabi ko na lang at pilit inaalis ang pagkakahawak sa hood ng kamay niya.
"Bastos ka rin noh?baguhan ka lang pero kung makaasta ka ikaw ang hari dito"sabi pa nung isa.
Anong pinagsasabi nito?wala nga akong ginagawa eh?
Yumuko nalang ako kasi nahihiya ako dahil maraming nakatingin sa amin.
"At anong gulo na naman toh? Mr. Silla at Mr. Geron ? Ilang beses ko ba dapat kayong dalhin sa guidance para tumino kayo?. Hala sumama kayo sakin at mailista ulit ang pang 98 niyong pangalan sa record. By the way sorry for the inconvenience Mr. and also I want you to great a welcome for choosing this school. I hope you enjoy for studying here in Skiver High, have a nice day!"sabi niya sabay harap sa dalawang lalaki at piningot ang tainga ng mga ito.
Masyado syang formal.
Tumingin ako sa paligid ang iba ay tumatawa,yung iba mukhang dismayado at yung iba umalis na lang.
"Akala ko may mag-aaway na naman."
"Hahahaha!!sayang walang suntukan na naganap"
"Hay! Atleast I have a peaceful day"
Rinig kong sabi nang mga taong nakakasabay ko sa pagpasok sa school.
Nang magbell ay tumakbo ang lahat ng mga estudyante at pumunta sa quadrangle para makapag-attend ng flag ceremony, kaya tumakbo na rin ako.
Bigla kong nakita ulit yung mga lalaki kanina at nakangisi pa ito halatang may gagawin na naman. Pero wala akong magagawa dun kasi ako dadaan.
Nang malapit na ako sa kanila ay pinatid nila ako upang bumagsak pero may tao sa likuran ko ang humawak sa kuwelyo ng damit ko para pigilan ang pagbagsak ko sa semento. Kaso nga lang nasasakal ako.
"Masyado ka yatang nagenjoy kaya hindi kana tumatayo?akala mo ba magaan ka? ang bigat mo kaya, stupid!"sabi nito sabay hatak sakin patayo at iniwan ako.
May sumunod naman sa kanya mukhang kaibigan niya na tawang-tawa sa nakita nila.
Bat ba ang init ng ulo ng mga tao dito at ako ang napagdidiskitahan ...haiiisstt
Nasa classroom na kami at umupo ako sa may bandang gitna katabi ko naman ang babae na may higlight na pink ang buhok. Ito yung babae na kasama nung masungit na babae .
"Transferee,ikaw yung kanina di ba? Kamusta?nakahinga ka ba kanina?hahahaha!!"tawa niya, hindi ko na lang pinansin dahil ayaw kung sirain ang mood niya baka maging kaaway ko pa ito.
Bigla akong napatingin sa katabi niya, yung babae na masungit kanina na sinagip ako pero nasakal naman tsss.
Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya,kahit papaano linigtas niya pa rin ako. Ang bait ko noh?
Tumingin ako sa kanya at siya naman ay seryosong nakatingin sa unahan para bang may iniisip. Tinignan ko naman sa unahan kung ano ang tinitignan niya pero wala naman kundi black board lang.
Nagulat ako nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay binato niya ako ng papel.
"Ouch!"sakit ah! Sapul pa sa mata ko. Sadista talaga.
Haiisstt.Pinulot ko yung papel. Ilalagay ko na sana sa bag ko nang mapansin ko may nakasulat doon.
'Staring is rude. If you stare at me again, I will use a pen to get your eye balls out of your head!GET LOST!!STUPID!'
At yun ang nakasulat doon tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko hawak niya ang isang ballpen na bigla niyang itinusok sa lamesa niya,kaya nagulat ako. Hindi na ako tumingin baka totohanin niya.
"Dude,huwag mo na lang pansinin si Vylle highblood yan lagi pagpasensyahan mo na lang"sabi ulit ng babaeng may higlight na pink sa buhok.
Pumasok ang teacher at tinawag ang mga pangalan ng mga estudyante para tignan kung kompleto na ito.
"Philip Silla"
"Present"
Bakit naging kaklase ko pa yung dalawang lalaki kanina?.
"Deither Geron"
"Present"
"Gaville Fersian Luciño"
"Present" sabi ko
"Sassi Pacheco"
"Present"sabi ng katabi kong babae
"Cria Zamora"
"Present"
"Jeril Ann Mercado"
"Present" sabi nung babae na nakita ko kanina sa gate.
"Zavylle Quilore"
"......" tinaas lang ang kamay ni Ms. Sungit seryoso pa rin itong nakatingin sa unahan.
"Pasensya na mga iho, iha kung di ko pa naayos ang name niyo sa pagkakasunod-sunod masyado pang marami ang ginagawa. So just copy the schedule that I will write on the blackboard,okay??"
"Yes ma'am"sabi nalang namin.
"Hey transferee!" sabi ng babae sakin ito yung babae kanina sa gate. Ano nga ulit ang pangalan nito.
"Ay sorry di pa ako nagpapakilala. Im Jeril Ann Mercado, Jean for short"nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kanyang kamay sakin.
"Gaville Fersian Luciño, Gav or Sian ang tawag nila sakin"sabi ko sabay abot sa kanyang kamay.
"Don't block the way, Ms. president and Mr. Stupid"seryosong sabi ni Sungit
"Tama nga naman si Vylle! Don't block the driveway!hmmpp!!"sabi naman nung isa, si Cria ata yun. Baliw driveway daw?
"Ewww!!PDA alert PDA alert!!!"sigaw naman ni Sassi sabay takbo para habulin yung dalawa niyang kaibigan.
"Hello Ms. President!"nakangiting sabi ni Deither.
"Get lost Mr. Geron"sabi ni Jeril sabay alis.
Kaya umalis rin ako
"At san mo balak pumunta?huh?"sabi ni Philip sabay hawak sa kaliwang balikat ko.
"May paguusapan pa tayo eh"dagdag pa nito sabay hatak sakin sa di ko alam na lugar.
Lord ayaw ko ng gulo, please help me!!