Chapter 1

532 11 5
                                    

~Chapter 1~

Xana POV

Inabot ko ang bayad ko kay kuya Isaac pagkalapit ko sa counter


"Salamat po ^___^"


"Balik ka Xana" - nakangiti niyang sabi at saka ako kinawayan


Pagkalabas ko sa grocery store dala ang mga pinamili ko ay napatingin ako sa isang lolo na nakatayo malapit sa grocery shop


"Sana sana. Tumama na ako. Sana po Diyos ko"


Napatingin ako sa hawak niyang kapirasong papel

Naglakad ako palapit


"Ahh lolo?"


Lumingon siya saakin


"Ahh bakit ineng?"


"Ahm ano pong ginagawa niyo rito?"


"Ahh tataya ako ng lotto ineng" - sagot niya at saka itinuro ang lotto drop outlet na nasa malapit lang at nakita ko ang mga nakapila doon


"Ahh bakit naman po kayo tataya roon?"


"Kailangan na kailangan ko ng pera ineng. Kaya umaasa akong baka tumama ako. Malaki ang premyo kapag nakatama ako. Matutulungan ko ang pamilya ko" - sabi niya


Tinitigan ko naman siya at nalungkot ako sa mga nakita ko sakanya mata


"Ahh lo, nakalagay kana po ba ng mga numero?"


"Ahh hindi pa ineng maglalagay pa lamang ako"


"Hmm ayos lang po ba kung ung mga numerong sasabihin ko po ang isusulat niyo?"


"Ahh sige iha. Sige subukan natin. Malay natin tumama mala anghel ka pa naman" - tumatawa tawa niyang sambit


"Haha sige po lolo"


Pagkatapos kong sabihin ang anim na numero ay tinignan niya ito


"Mananalo po kayo. Magtiwala lamang kayo Lo. Tinutulungan ng diyos ang mga nangangailangan" - nakangiting sambit ko


"Sana ineng mag dilang anghel ka" - sagot niya


"Ahh sige pipila na ako ineng"


Tinanguan ko siya bago siya umalis at pumila habang bumubulong bulong pa rin habang hinahalikan ang hawak niyang papel

Nakangiting tumalikod ako at saka naglakad papunta sa isang kotse na nakaparada sa tabi


"Sino ung kinausap mong matanda Ms. Xana?" - tanong ni Orson na nakatingin saakin sa rear mirror


"Ahh hindi ko natanong ang pangalan niya" - sagot ko at saka nilingon uli ang matanda


"Tinulungan mo?"


"Hmm kailangan niya iyon Orson"


"Ms. Xana pinapaalalahanan ko kayo ulit na mag-iingat. Baka may makaalam sa kalagayan niyo"



"Hindi ko nakakalimutan Orson. Hindi ko lang talaga napigilan" - sagot ko at saka sumandal sa upuan


Pinaandar niya naman na ang kotse



"Nasa bahay na kaya si Liza?" - tanong ko habang nakatingin lanh ng diretso sa tinatahak naming daan


"Tumawag siya saakin at itinatanong kung nasaan ka raw" - sagot niya habang nagmamaneho


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OmniscientWhere stories live. Discover now