WQ1

7 0 0
                                    

Ang buhay ko ay parang isang laban na sa bawat araw ay nakikipag espadahan ako sa tadhana bawat araw ay kailangan kong maipanalo, dahil kung matalo ako ay tyak na kakailangin ko ng kumapit sa patalim.

Bata pa lamang ako ng ninakaw ng syudad ang mga magulang ko, para sakin ang kamaynilaan ay isang halimaw lahat ng taga dito saaming bayan na dumadayo ng maynila nagiging iba ang pagkatao kapag bumalik na saaming bayan ang iba nama'y di na bumabalik katulad nalang ng mamang at papang ko, kaya isinumpa ko na sinumang manggaling doon ay diko pauunlakan ng mabuting pakikisama at pinangako ko na kahit kailan ay hinding hindi ako tatapak ng maynila dahil ayokong magaya sa mga babaeng napunta lang roon ay natuto nang magsuot ng sira sirang damit o di kaya'y mga nabitin sa tela.

"O iska eto na iyong pinamili at huwag mo na munang bayaran ililista ko nalang muna ito at bayaran mo nalang ng nga gulay mo kapag inani mo iyon" Gusto ko sanang tanggihan ang alok ni aling nene kaya lamang ay naisip ko din na makakatipid ako kung ganun.

Papaalis na sana ako ng may isang lalaking medyo may edad na ang humarang sa daraanan ko, nakangiti ito ng abot hangga tenga at nakahawak ang kamay sa magkabilang bewang, nakasuot ito ng kulay asul na longsleeve na polo at nakapantalong hapit na hapit sakanyang binti ang itim na sapatos naman nito'y namumuti na dahil sa alikabok ng daanan tag init ngayon kaya ang lubak lubak na daanan ako tuyong tuyong at nagmimistulang harina ang buhangin sa tuwing humahangin ng malakas.

"Galing kaming maynila. Trabahante ako ng pamilyang montaverde, iyong may ari ng islang katapat ng inyong bayan" wika ng lalaking ito na di parin naalis ang malapad na ngiti sa muka.

Lalagpasan ko na sana sya dahil nuong narinig ko palang na binangit nya ang maynila ay kumulo na ang dugo sa aking buong katawan pero bago pa ako makatalikod ay hinigit na nya ang aking braso at sumeryoso na sya ng tingin.

"Baka gusto mong magtrabaho sa pamilya nila, malaki sila mag pasahod ang marami ding magagandang benipisyo ang ibinigigay nila." Ngayon naman ay nagtaas baba ang kanyang kilay na nagpapakita na sumangayon na ako.

"Wala ho akong interes na magtrabaho" nasabi ko ng may pagka

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Warrior QueenWhere stories live. Discover now