Chapter 1: 4th Grading

18 0 0
                                    



January 30, 2017 ; 6:30 AM

ICAH JOYCE'S POV

"Mom, is my breakfast ready? Tsaka yung baon ko po, sana okay na. You know, Ma'am Ria, napaka-strict at sungit kapag nalate ka" She woke me up, so damn early. Alas kwatro pa lang ng umaga ginising na niya ako, ngayon si mommy, hindi pa pala tapos magprepare ng baon ko, kaya ayan! Binabalik ko sa kanya yung pananakot niya sa akin sa pagka-late.

"Aba! Tapos na, prinsesa. Nanay mo ko tas pinagmamadali mo 'ko?" Huhuhu, eto nanaman siya. Dradramahan nanaman niya ko.

"Eh diba mom, ayaw mo ako malate kaya pinagmamadali na rin kita hehe!" Tinarayan ako ng pagka-ganda ganda kong nanay. Jusko mom, tama na drama please 6:30 na, mahirap sumakay ng jeep ngayon, maraming maaga yung pasok

Nagmadali akong inubos yung breakfast ko at kinuha yung baon ko. Nagmadali na akong sumakay kahit pa matanda na yung mauunang sumakay, ay sumakay na ako. Ilang beses ko na ring na-experience maging late at ang bagsik ni Ma'am Ria. Paglinisin ba naman kayo sa buong campus, sinong matutuwa? Imbis na nag-aaral kami, paglilinisin niyo kami. ☹

Nakarating naman akong payapa sa school, 6:58 na kasi, 7:00 umpisa ng klase naming. Shempre kotang kota na ako sa guard namin dito.

"Oh, Icah!! Late ka nanaman, kelan ka ba matututong bata ka? Kapag ikaw na lang mag-isa maglilinis ng buong campus?" biglang salita ni Kuya Dy, yung guard na sinasabi ko.

"Eh kuya, wala pa namang ala-syete ah! Di pa ako late, byeee!" di ko na siya pinansin kasi alam kong sasamaan lang niya ako ng tingin, dumeretso na ako sa room ko. As usual, walang bago. Tahimik lagi sa umaga kasi mga antok pa. Umupo na ako sa pinaka-likod since dun naman talaga ako naka-upo.

"Icah, may assignment ka sa science?" nagulat naman ako kay Rhinoa

"Meron, kopya ka?" Alam ko namang kopya lang 'to, inabot ko na kasi di naman ako madamot.

"Wala pa ba si Ma'am Mary?" sigaw ni Gela, halatang naiinis na 'to kasi araw araw laging ganun, first subject naming kung di late, di pumapasok. Tas kapag naging mala-palengke room naming sa ingay, rereklamuhan kami. Di talaga naming magets logic ng mga teachers namin.

--

7:28 AM

"Whoo! Ano, tang ina mo, Ira! Bida ka ba ha? Bida ka?" sigaw ni Lorri kay Ira

Ayoko neto, ayokong may nag-aaway or what. Nagsasakitan, basta labag sa loob ko makakita ng ganon kaso ano bang magagawa ko, baka ako lang punteryahin. Matalino kasi Ira, responsable, tsaka mas gusto niyang may natututunan palagi. Ugali niyang hanapin teacher naming kapag wala pa para makapag-start na agad. Kaya siguro ganiyan na lang si Lorri dahil may substitute munang pupunta rito.

"Ano?! Sagooooot! Bida ka ba? Okay na wala tayong klase para walang ginagawa! Napaka-bida mo lumipat ka na ng section!" sigaw pa ulit ni Lorri

"Pumasok pa tayo kung ganito lang din pala? Ayaw mo bang may matutunan ka?" nanginginig ngunit lakas loob na sinabi ni Ira ito dahil lagi na yata siyang nagsasawa na tinatapak tapakan pagkatao niya.

"Wow ha? Ano bang pakielam mo, masaya na kami eh! Napaka-nerd mo, kaya lahat ayaw sayo! Epal ka!" napakalakas na sigaw ni Lorri at tsaka naman sinugod at sinabunutan niya si Ira

"Lorri, tama na please! Wala naman akong ginawang masama sayo! TAMA NA, ARAAAAY!!!" nagmamaka-awang sigaw ni Ira kay Lorri. Biglang nagkumpulan mga kaklase ko paikot sa kanila..

"Cat fight! Cat fight!" sigaw ni Jhulian
"Diba nga ito ang 'yong gustooooo! Oh ayan, namnamin mo, whoo!" pakantang sambit ni Vic habang nanonood
"Ge talon, una ulooo!" sigaw naman ni Angelo na tuwang tuwa sa nakikita niya

Ugh, rinding rindi na ako. Ayoko makisawsaw dahil ako naman ang kawawa. Di ko na kayang marinig at makita lahat 'to.

"Sige, masakit diba? Namnamin moooo!!" patawa-tawang pananakit naman ni Lorri

"Oh, walang aawat!! HAHAHAHA" tumatawang sambit ni Aaron, walang bang takot 'to sa girlfriend niya?
"Boom, bitch! Get out the way, get out the way!" sabay na chant naman ito nila Niel at Andrei

"Parang awa mo na, Lorri! Stop! Please lang!! MASAKIT ARAAAAAAAAAAY!!!!!" naiiyak na si Ira, super sakit naman na kasi talaga nun. Sorry, Ira. Di kita matutulungan, ayokong pumasok sa gulo ng may gulo. Kakarmahin din sila, promise.

"SAINT BENEDICT!!!!!!!!! ANONG GULO ITO?! UMAGANG UMAGA PA LANG!! YUNG INGAY NIYO ABOT DOON SA DULO NG HALLWAY!!" nagulat ako sa sigaw ni Ma'am Charlie!!

Nataranta lahat ng mga kaklase ko at nagsi-upuan. Halatang may nagsabunutan talaga dahil sa itsura ng buhok ni Ira at sa nabali nitong eyeglasses

"Ano nanaman 'yang kalokohan niyo? Ha?! Ira, yung buhok mo? Anong nangyari sayo, ke talinong bata mo tapos sumasali ka sa gulo?!" pinagsasabihan kaming lahat pati si Ira, ngayon lang kasi nangyari 'to after 3 Grading Periods ng school year

Tahimik lang si Ira habang umiiyak, tahimik lang din mga kaibigan niya dahil siguro sa takot nila

"Sinong gumawa sayo niyan, Ira?!" nako, galit na galit na si Ma'am Charlie!! Gg kami neto, yari naaaa

Inayos ni Ira sarili niya at tumahan pansamantala, "Ano po.." napatingin si Ira kay Lorri, sinamaan niya ito ng tingin. "Ano ma'am, nagpractice lang kami para sa roleplay namin mamaya sa Values, ginalingan lang naming para mataas yung grades na makuha naming. Pasensya na sa ingay, Ma'am Charlie." Mahabang paliwanag ito ni Ira, ayaw na siguro niyang lumaki pa gulo dahil baka sariling pag-aaral niya maapektuhan.

Gustong gusto talaga kita tulungan Ira, pero alam ng lahat na ayoko sumali sa gulo, hindi dahil tropa ko rin sila Lorri basta ayoko lang.

"Yung totoo, Saint Benedict?!" sigaw ni Ma'am Charlie

"Totoo po yun, Ma'am. One whole class po ang role play namin, di po kami nahati sa grupo. Nagprapractice lang po kami, kaya wala naman pong problema roon" pagsang-ayon naman ni Xandra para lang di na kami mapahamak. Hays.

"Okay, fine. Isa pang ingay, Saint Benedict, ipapa-guidance ko na kayo! Ang iingay ninyo!" padabog na umalis na si Ma'am Charlie

"Bakit di kasi kayo naglook-out?! Etong sila Vic kasi masiyado pang iningayan, hay nako! Naiistress ako sa inyo!!" nagtataray na si Mae dahil mukhang nag-eenjoy siya sa ginagawa ng kaibigan namin.

"Ano, Ira? E-epal ka pa ba? Ang galing mo roon ah?" sarkastikong sabi ni John, bakla kasi siya kaya ganyan siya magsalita

"Tigilan niyo na ako, wala akong ginagawa sa inyo" Diretso ang tingin ni Ira sa sinusulat niya habang sinasabi niya iyon sa kanila

"Oh, amazing! Kami pa mag-aadjust para sayo? Ikaw mag-adjust, epal ka eh!" pataray na sabi ni Denise

Di na ulit nagsalita si Ira, at si Joy tahimik lang, himala, di yata siya sumama sa pang-aaway ng tropa niya? Naaawa na ako kay Ira, sobra. Help her, Lord

*KRINGGGGG*

8:00 AM

"Icah, thank you sa pagpapakopya! Ang intense kanina, bakit di mo tinulungan? Ganun ka naman dati diba?" sabi ni Rhinoa sa akin, imbis na sagutin ko siya nginitian ko na lang siya.

                                                                                        I 

PsychopathWhere stories live. Discover now