Brie's POV
Nasa field na kami para mag simula na ng salubong namin para sa mga freshmen..
Lahat ng mga first year kailangan maranasan ang ganitong klase ng panimula ng training galing sa mga senior..
Dati nga nung kami ang ginanito ng mga senior namin nun. Akala ko talaga Hindi ko kaya, lalo na ng marami sa batch ko ang Hindi nag tagumpay sa unang training namin.. Sobrang hirap, to the point na gustong gusto ko nang sumuko sa araw nayun.. Pero eto na ang pangarap ko mula bata pa ako. Kaya kahit gaano pa kahirap ang lahat ng hahamakin ko. Kakayanin ko para lang sa pangarap ko. Kahit buhay ko tataya ko para lang dito.. Choss lang!! Haha!! Hindi naman siguro aabot sa punto na ikamamatay ko. Malapit na nga ako sa finish line saka pa ba ako susuko??"Okay everyone please get ready because in a minute we will start.." Napukaw ang atensyon ko sa sinabi ng leader namin..
Aaron Kieth Quintana, kung sa first impression ang pag babasehan ko sa kanya. Masasabi ko talagang mayabang, maangas, bad boy, cassanova sya.. Mata pa nga lang nya parang gusto ng matunaw ng mga lamang loob mo.. Inaamin ko naman no, Hindi naman ako bulag para sabihin Kong panget ang isang Aaron Kieth Quintana.. Parang kulang pa nga ang salitang gwapo para sa kanya.. Sobrang tikas ng katawan, yung tipong may photoshoot syang pupuntahan na kahit sa sempleng white shirt at maong lang na soot nya ngayon parang nag sisigaw na yung mga pandesal nya sa tyan na gusto ng lumabas doon sa suot nyang puting shirt..
Gashh!! Am I admiring him already?? NO EFFIN' WAY!! Hindi pwede.. Oo, gwapo lang sya at hanggang doon lang yun di na pwedeng lumagpas pa.. Nooooo!! Strict ang parents ko..
Haha!! Joke, di naman strict ang parents ko. Sadyang di ko pa talaga gustong magka boyfriend muna sa ngayon..
Sa dinami dami ba naman ng naging boyfriend ng besty ko na si Ally, lahat ng yun sakin lahat nya iniyak..
Kesyo sobrang sakit daw at Hindi nya kayang mag hiwalay sila. Kesyo mahal nya daw si Drew pero eto yung nakipag hiwalay sa kanya. Yung tipong "It's not you, it's me." Na linya sa pilikula. Yug may nababalitaan akong nag bigti dahil lang iniwan ng mahal nila.. Ghad, sobrang lame ng excuses nila. Kahit di naman totoong mahal nya yung Tao.. Diba?? At dahil lang sa mga naririnig ko sa mga sabi. Natatakot na rin akong baka ako mismo masaktan din..But, I know naman na kambal talaga ng love is yung pain.. Ofcourse, you can't call it love if your not hurt, diba??
Pero Hindi muna sa ngayon. Kung darating man ang tamang lalake para sakin then, tatanggapin ko..
Lahat naman ng bagay o Tao man darating sa tamang panahon. In God's perfect time.. Baka nga Hindi pa tapos si God mag hanap ng tamang lalake na para sa akin.. ☺☺
--
Everyone in the field are ready, even the freshmen. Thou, makikita mo talaga na halos lahat sila kinakabahan sa kung ano man ang pwedeng mangyari ngayun.. But, kailangan nilang tatagan ang loob nila in order to finish this..Kaming mga seniors ay nandito sa may bandang kanan, at ang mga first year naman ay sa bandang kaliwa.
Ng may pumutok na hudyat ng kailangan ng simulan. Nag unahan ng pag takbo ang lahat para salubungin ang bawat isa..
Hanggang sa mag salubong na ang lahat ay saka sumigaw kaming mga seniors ng kung anong gusto ang ipapagawa namin sa under sa amin.. Yung may nag pa 50 push up, may nagpa walk like a duck din. At kung anu anu pang iba na parusang gusto mong gawin sa under sayo..Kita mo ang determinado nilang awra. Yung pagsisikap para matapos nila ng maayos yung ipag uutos sa kanila.. Kahit halata na sa mga mukha nila ang pagod at hirap sa ginagawa nila ay pursigido parin silang matapos to..
--
Matapos ang panimulang yun. Ay pinag tipon na kaming lahat ng aming poging commander (What??) Anu sabi ko?? No, erase the thought Brie..Okay sinabi lang namn nya ang kung ano ang mga gagawin at kung anu anu pa..