(NILALANG)AW
[Tula]
Ang init ng sikat ng araw
Ay hindi ko na maramdaman.
Ang pagluha o kahit uhaw
Ay 'di ko na rin nararanasan.
Ngunit gutom pa rin ako,
Gutom sa pagmamahal.
Tunay na pag-ibig, totoo,
Ang tangi kong dasal.
Lumikha man ng ingay
Ay walang nakaririnig.
Kahit pagod na sa pagkaway,
Di pa rin napapansin ng daigdig.
Nanlilinos ng pagmamahal,
Ngunit dinadaan lang.
Nanlimos ng pang-almusal,
Ako'y pinagtatawanan.
Ayos lang naman sa akin
Ang pagiging dukha.
Ako may saktan at apihin,
Titiisin ko ng may tuwa.
Ngunit sana kahit isang puso,
Isang pag-ibig man lang
Ang maisukli sa tulad ko,
Isang palaboy sa daan.
Kailan ko kaya mararanasan
Ang pag-aalagag tunay?
Isang pamilya at mga kaibigan,
Na magpapadama na ako ay buhay.
Ngunit huli na nga ang lahat,
Huli na para sa simpatya niyo.
Ngayon pa ba kayo didilat,
Ngayong nakapikit na ako.
Ang init ng sikat ng araw
Ay hindi ko na maramdaman.
Kasama ko'y mga langaw,
Dito sa aking huling himlayan.(NILALANG)AW
[Tula]
Date: March 8, 2018
Author: PleumaNimox (Bannie Bandibas)
Theme: #UulanNgLuha
Genre: Slice of Life
Award: 6th Place
WE WRITE PHEntry #14
Comments:
A. : Wow!! Galing!B. : Napakagandang iyong kataC. : ibangklaseng sakit hindi dahil sa nabigo sa pag ibig mabigat din sa dibdibD. :Lakas,! Goodluck.
YOU ARE READING
[NILALANG]AW
PoetryDate: March 8, 2018 Author: PleumaNimox (Bannie Bandibas) Theme: #UulanNgLuhaSaTaginitKasamaAngWeWritePH Genre: Slice of Life Award: 6th Place #HappyBirthdayTinAndWence WE WRITE PH Entry #14