O21 | narration

1.3K 47 7
                                    

lee hwahee.

nandoon na kami sa loob at nanonood lang kami ng palabas sa tv. pinapanood ko yung favorite kong show yung a love so beautiful. kilig na kilig naman sila pero na wi-weirdan ako sa mga pangalan nila eh. zoey, ken, liam, amber, at ryan mga pangalan nila pero mas sanay ako sa chen xiaoxi, jiang chen, wu bosong, lin jingxiao, at lu yang kaya everytime na binabanggit ko yung mga totoong pangalan sa chinese ay tinatanong nila ako kung sino yun. hayst hindi talaga nila alam.

maya-maya rin naman ay natapos na yung palabas kaya pinatay na ni ryumi yung tv at nagsimula namang magsalita si sohyun. "laro tayo ng truth or dare!" sabi nya at hindi naman kami nagdalawang isip kaya sumang-ayon na kami sa kanya.

kumuha naman ng bote si ryumi at pinaikot niya ito. tumapat naman saaming dalawa ni yoona pero ako ang sasagot.

"hwahee, truth o dare?" tanong niya. "da- truth" truth naman talaga ang isasagot ko pero nasabi ko talag dare. "walang baguhan! dare na sinabi mo eh." sabi ni sohyun. yun talaga kailangan eh.

"video call mo si jisung tapos sabihin mo, i love you jisung." diretsong sinabi ni yoona. tapos. patay na ako.

kinuha ko naman ang cellphone ko at binuksan yung messenger ko at hinanap ko yung pangalan ni jisung. bago pinindot ko yung video call.

sinagot naman niya yung video call at shete, kinakabahan na ako. "hi Jisung! i love you! bye!" binilisan ko naman ang pagsasalita ko at bago pa siya sumagot ay inend ko na yung video call.

pagkapatay ko naman nung phone ko ay nagtawanan naman yung dalawa. tiningnan ko lang silang saglit at nagsalita na ako. "anong tinatawa niyo dyan?" tanong ko sa kanila. "parang may nakita kang multo dyan eh amputla-putla mo." sabi naman ni sohyun. inirapan ko nalang at ipinagpatuloy namin yung laro hanggat sa inantok na kami.

DARE. minhoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon